DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro

Wednesday, September 16, 2009

Topic: English Pronounciation



English is the second language spoken by us, the Filipino.


Pero madalas, may mga tao pa ngang mas alam ang salitang Ingles kesa sa salita ng ating bayan. Salita ng ating mga bayani. At salita ng ating mga ninuno. Ano nga ba ang pagkakaiba ng Ingles sa Filipino? Maliban sa magandang pakinggan ang Ingles, pang-sosyal (para dun sa mga social climber, o sa Filipino, unggoy na sosyal xD), wala na kong maisip na iba.



Sabi nga ng karamihan ngayon, halos dumugo na ang ilong nila kapag nagsalita ng Ingles ang mga KONYO (sabi nga ng DAKILANG EHEMPLO KO), hindi dahil sa maganda o tuwid magsalita ng Ingles ang mga ito. Kundi, masyadong pinagmamalaki sa iba na marunong silang mag-Ingles. Ano ba ang tingin nila sa ibang tao? Tinitingnan sila? Hahaha. Pero yung mga pasosyal lang naman, mas lalong dudugo ang ilong ko sa mga yun, minsan pati tenga ko, halos dumugo na din. Bukod kasi sa ang sakit pakinggan, hindi ko pa maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nilang sabihin o iparating sa iba, hindi dahil sa hindi ako marunong o nakakaintindi ng Ingles. Kahit nga Hapon, mejo may alam ako, kaso, wala na kong magagawa dun sa mga unggoy na sosyal na nagpupumilit magsalita ng isang lengwahe na hindi man lang nila naiintindihan.



Hindi sa galit ako sa mga unggoy na pasosyal. Ang kaso, sana lang kung hindi nila alam kung paano magsalita ng tuwid na Ingles, wag na sana nilang ipagpilitan o di kaya, pag-aralan o pag-isipan muna nila yung mga sasabihin nilang mga salita. Nang sa ganon, hindi naman sila mapahiya sa mga kausap nila na mas may alam sa kanila sa salitang Ingles.



Malihis naman tayo ng konti dun sa mga unggoy na pasosyal. At mapunta naman sa mga kapatid nating galing sa ibang lugar ng Pilipinas. Masasabi ko na para sa mga baluktot ang dila itong parte na ito. Siguro hindi naman nila kasalanan kung baluktot ang mga dila nila sa salitang tagalog na minsan, may mga magsasalita ng BALLPEN na imbes na yung tamang tunog, eh, nagiiba bigla, nagkakaroon ng BULPEN o di kaya naman ay BOLPIN.



Siguro, kahit na pilipitin natin ng plaes ang dila ng mga taong ito, eh, wala nang mangyayari, katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi naman nila kasalanan yun. Aaminin ko, napapatawa ako pag mayroong nagkakamali sa  isang salita na alam ko ang tamang pagbigkas, subalit, hindi ba dapat, imbes na laitin natin, eh, intindihin na lang natin. Madaming isla at parte ang ating bansa, at bawat isa sa mga ito, ay mayroon kani-kanilang dayalekto na alam nating hindi madaling intindihin. Ngunit, hindi ito nanga-ngahulugan na hindi na natin maaaring intindihin ang mga taong ito. Pwede natin silang intindihin, yun ay kung gusto natin. Ngunit habang hindi natin ito naiiwasan, pare-parehas pa din tayong magkakagulo sa mundong ito at ang bansang ito ay hindi magkakaisa kung patuloy na aakyat ang mga unggoy na pasosyal at kung patuloy nating lalaitin ang mga taong baluktot ang dila.



At bago matapos ang akdang ito, gusto ko lang ulitin, ang mga UNGGOY NA PASOSYAL ay mga SOCIAL CLIMBER sa INGLES.



At ang tamang pagbigkas ng BALLPEN ay BOLPEN at hindi BOLPIN o BULPEN.



Paumanhin sa mga tatamaan, galingan nyo nalang umilag sa susunod kong akda. Hahaha.

No comments:

Post a Comment