Hatsukoi Limited, or First Love sa English.
Ganyan ko sisimulan ang blog entry ko ngayon. Hatsukoi Limited is an ecchi, comedy, school life anime with a slice of life. Hindi ko na ieexplain kung anu ang ibig sabihin ng "ecchi" or ng slice of life sa anime. Baka may magreact eh. Hehehe. Kung gusto nyo, search nyo nalng ang ibig sabhin.
Katulad ng explanation ng Hatsukoi Limited, this anime tackles all. Oo. Lahat ng tungkol sa first love. Katulad ng withdrawal from reality, embarrassment, shyness lahat. Basta nararamdaman mo kapag na-inlove ka, pasok sa anime na ito. Pati nga self-searching journey nailagay nila eh. Well, on with the entry.
Lahat naman siguro ng tao, nae-experience ang ganitong bagay. Mahirap, kasi masasaktan ka, hindi mo alam ang gagawin at higit sa lahat, pwede kang ireject ng taong gusto mo na pwede ding sumira ng samahan nyo. Pero at the same time, masarap yung feeling. Excited, doki-doki, waku-waku (again, search nyo nalang ang meaning nito. Otaku language yan.), at may kung anung bagay na nagbibigay ng saya sayo. Alam na alam ko no? Xempre, been there before. Kaso iniwan ako eh. Hehehe. Wag na nga yun ang pagusapan.
Mahirap ma-inlove, madaming obstacles na dapat mong luksuhan. Dapat mong tiisin na paghihirap. At dapat mong alamin na information. Madaming naiinlove sa buong mundo by the minute. Yung iba, nasasaktan, yung iba, binabalewala, marami ang hindi nasusuklian ng ganung pakiramdam din. Pero, may mga swerte din nman na kahit nasaktan nung una, kahit binalewala, at kahit sobra-sobra na ang binigay pero hindi pa din nasuklian, eh, nakakakita din ng tamang tao para sa kanya. Yung taong magmamahal ng totoo at tapat sa kanya (love-love mode, amp xD).
Pero, anu nga ba ang assurance na makikita mo yung tao na para sayo? Ang sagot? Wala. Kasi, walang makakapagsabi kung anu ang destiny natin. Sabi nga sa laro sa Nintendo DS ko ngayon, "we make our own destiny". Hindi mahuhulaan, hindi maaalis, pero pwedeng mabago.
At kahit na konti lang ang mga nangyayaring masaya or fulfilling sa buhay ng isang tao sa loob ng isang araw, malay mo di ba, miracles can and do happen. Baka hindi mo lang pansin nasa tabi mo na pla ang taong para na talaga sayo.
Just don't give up on finding your one true love. Mahirap, masaklap, pero worth it pag nakita mo. Lalo na kung ang taong yun at yung personality na pinangarap mo. Yung tall dark and handsome para sa mga babae, with good attitude. Or yung white, sexy, cute and chinita para sa mga lalaki. Pero in the end, wala pa ding makakapagsabi kung "it's all about looks" or "it's all about the whole pesonality".
But whether it's all about looks or it's all about personality, hindi pa din natin masasabi kung kanino at kung kailan tayo mai-inlove sa isang tao.
So, I think, I will use the tag line of this anime which appears at the end of every episode before the ending song.
Anata wa imma koi wo aishtemasu ka?
Are you in love right now?
tama ka jan...
ReplyDeletei've just ended it recently..
tama ka... this is really a great story especially sa mga high school students(khit colege na aq) hehehe...
and not all people fall in love with physical looks alone... like nung si enomoto's feelings for kusuda... that what i call a true love...