DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro

Thursday, September 17, 2009

Adobo lang ang ulam.



Adobo, isa sa mga pinakapaboritong ulam ng mga Pilipino, madalas, manok o di kaya, baboy.



Pero hindi lang yun, nakaimbento din ang mga malikhaing isip ng mga Pinoy ng iba pang lutong Adobo. Isa na dito ang adobong mani. Ay nako, napakasarap lalo na kung merong sili at hindi sobra ang kaalatan. Nakagawa din ang mga Pinoy ng adobong balut. Na imbes na sisipsipin mo ang sabaw at dudukutin mo ang sisiw sa loob ng itlog, eh, kakagatin mo nalang. Pero akalain mo ba nman, pati ba naman insekto, gawing adobo ng mga pinoy? Oo. Tama ang nabasa mo. Insekto, pero hindi lahat ng insekto, kundi yung tinatawag nilang Camaro. Hindi Camaro na uri ng sasakyan na katulad ni Bumblebee sa Transformers ah. Kung hindi yung mga cricket na nagsisi-talunan sa sulok-sulok  ng mga lumang bahay. Kahit nga adobong bituka ng manok, naimbento na ng Pinoy na masarap kainin lalo na kung merong suka na may sibuyas at sili. Naglalaway na ko dito ah. Buti nalang tapos na kong kumain, at Adobo ang ulam. Hahaha.



Alam na ng lahat ng Pinoy, kahit bata o matanda man yan na isa sa mga nagpapasarap sa adobo ay ang suka, hindi ako marunong magluto. Pero alam ko naman na iyon ang isa sa mga nagpapasarap nitong ulam na ito.



Ang adobo, kahit kilala na dito sa Pinas, ay hindi lamang dito matatagpuan. Sapagkat, ang adobo, ay nakarating na din sa iba't-ibang parte ng mundo. Sa USA, sa ITALY, baka nga kahit sa NORTH POLE, nasubukan na nilang mag-ulam ng adobo. Kung itatanong nyo kung sino ang nagpakilala ng putaheng ito sa ibang bansa o sa mga dayuhan. Aba'y sino pa nga ba? Gamitin nyo naman ang mga utak nyo. Edi ang mga Pinoy din. Alangan naman na ang mga PUTI, mga ITALYANO, o mga PENGUIN at SEA LION ang mga nagdala ng lutong ito sa kani-kanilang mga lugar. 



Kung iisipin natin, napakasarap ng ulam na adobo. Tapos mainit-init ang kanin mo, at mayroon kang katabing isang pitsel ng malamig na tubig. Para panulak pag-nabilaukan o nabulunan ka dahil sa katakawan mo sa adobo.



Nga pla, di ba meron na din atang Adobo flavor na Pizza dito sa atin? Ayon sa search ko sa google, California Pizza Philippines yung gumawa ng ganitong uri ng pizza. Tunog Ingles at Italyano, subalit panlasang Pinoy.



Ngayon ko masasabi na the BEST talaga ang Pinoy sa buong mundo. Kahit sa kalokohan o sa kagalingan man. At sana, ipagmalaki natin ng taas noo na ang ating lahi. Marami mang naging kaliwa't kanan na pananakop at impluwensya sa ating bansa, alam natin na ang Pilipinas ay tumayo pa din sa kanyang mga paa. Sa abot ng kanyang makakaya.



Ikaw, ipagmamalaki mo bang dugong Pinoy ka? Ipagmamalaki mo bang galing sa atin ang Adobo?



Ako? Oo. Lalo pa sa ngayon. Na adobo lang ang ulam ko.



Habang nakain ako ng Adobo at kanin. Buong pagkatao kong ipinapaalam sa buong mundo. Pilipino ako. Pilipinas ang bayan ko. At Adobo ang ulam ko. Hahaha.



O pano, kain na din kayo, at naway mayroon kayon katabing isang pitsel ng malamig na tubig ng sa ganoon, kapag nakagat nyo ang paminta sa ulam nyo, hindi kayo gaanong maanghangan. At babala lang, yung ulam lang ang kinakagat, hindi ang KATABI, ang KATAPAT, at lalong-lalo nang hindi ang DILA nyo.



Paalam. Pakabusog kayo. 

No comments:

Post a Comment