DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro

Friday, September 18, 2009

Eleksyon 2010: Boboto ka ba?


Babala, ang akdang ito ay bawal sa mga taong madaling maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao, lalo na kung ang taong iyon ay kakandidato sa darating na eleksyon. Kung sakaling tamaan kayo ng mga sinasabi ko, galingan nyo nalang ang ilag sa susunod. Nagsasabi lamang ako ng totoo at wala akong binaggit na pangalan ng kahit sino. Salamat.




Malapit na nman ang eleksyon, marami na nmang nagpapalakas at nagpapalapad ng kani-kanilang mga papel sa gobyerno at sa mga mamamayang Pilipino. Pero, ano ba talga ang mga dapat nating malaman sa mga tatakbo sa dadating na eleksyon? Paano ba natin malalaman kung talagang totoo ang mga sinasabi nila sa kanilang mga "INFORMERCIALS" at sa kanilang mga "PRESS STATEMENTS"?


Bibigyan ko kayo ng mga sa tingin ko, eh, magagamit nyong basehan sa pagpili ng mga iboboto nyo sa darating na eleksyon sa susunod na taon.





  • Una, siguraduhin na totoo ang mga sinasabi nila sa mga INFOMERTIALS nila. May mga INFOMERTIALS ngayon na lumalabas sa TV na maaaring totoo. Ngunit maaari din na panloloko. Unang-una na jan ang may lyrics na, wag na lang. Hahaha. Maaari nga naman na hindi laking mayaman ang mga kandidato sa pagkapresidente ngayong eleksyon na dadating, pero parang hindi naman ata ako maniniwala na walang kaya ang mga ito. Lalo na kung ikaw ay itinuturing na isa sa mga pinaka-mayaman na tao sa Pilipinas.

  • Ikalawa, maging mapanuri. Hindi dahil gwapo, pwede na. Hindi dahil sexy at maganda, iboboto na. Anu naman ang magagwa ng kagwapuhan o kasexy-han sa pagpapaunlad ng ating bansa o ng ating mga pamayanan? G&#o ba kayo? Ang iboboto nyo yung mga magaganda ang muka at ang katawan? Ano ba ang maidudulot nyan sa ekonomiya ng ating bansa? Maaahon ba ang bansa natin sa hirap kapag mga gwapo at magaganda ang iboboto nyo? Anak naman ni Goldilocks at Papa Bear oh! Wag kayong tumingin sa panglabas na kaanyuan. Imbes, yung kakayahan ang tingnan nyo! Hindi tayo mapapakain ng kagrapuhan at kagandahan.

  • Pangatlo, hindi dahil sa walang pinag-aralan, wala nang magagwa para sa bayan natin. Sa tingin nyo ba, ang mga matataas lang ang pinag-aralan ang may karapatang maluklok sa posisyon? Sa tingin nyo ba talaga, ang mga may natapos lang sa pag-aaral ang maaaring tumulong sa ating bansa? Maging mapanuri tayo. Hindi dahil sa walang pinagaralan, wala nang magagwa para mapaunlad ang ating bansa. Tingnan nyo nga si Sponge BOB, kahit isang sponge, at walang pinagaralan, alam nya kung anung tama at mali. Para nga lang xang tanga, kasi tawa ng tawa ng walang reson, at kinakausap ang isang "snail" (yun nalang, baka kasi sabhing bastos ako eh, kung yung isang term ang gagamitin ko) na na-ngiyaw ng parang pusa.

  • Pang-apat, hindi dahil sa mayaman na, hindi na magnanakaw ng yaman mula sa ating bansa. Tandaan, nabubulag ng pera ang lahat ng tao. Lalo na yung mga nasa posisyon. Yung mga bwaya nga lang, gagawa at gagawa ng kwento para lang may UBE silang pang-miryenda. Pero, hindi ko din naman nilalahat. Siguro, may konti pa ding tao na hindi ganon ang ugali.

  • Pang-lima, hindi dahil magaling mag-ingles, papatulan na. Please refer to number 4 for this. Hahaha.

  • Pang-anim, ang pinaka-hindi mapagkakatiwalaan, ay yung mga nagsasabi ng isang bagay na hindi naman resonable. Katulad ng "Magparehistro, at bumoto. Mensahe mula kay &*$*#&%$&#*#&^@%" na mga slogan. Anak naman ng bwaya sa tabi-tabi, kailangan pa ba talagang ipa-alala sa mamamayan ang ganyang bagay? O di kaya, "Maligayang bati sa kapistahan ng blah blah blah", POCHI! Ayusin mo ang buhay mo! At ang pinaka-maduming paraan, "eto po ang relief goods para sa inyo, mula kay chukchak-chenes", nahirapan na nga ng todo ang mga kababayan mo, sarili mo pa ang inuuna mo, LETCH! Ah, may isa pa pala, "nagpapaabot po ng tulong si tooooooooooooooooooooooooot para sa mabilis nyong pag-galing". LANGYANG yan, kailangan mo pa ba ng sakit bago ka tumulong?

  • Pang-pito, kung talagang tapat ang isang kandidato sa kanyang tungkulin, hindi nya uubusin o gugugulin ang pera ng mamamayang nasasakupan nya para lang mangandidato. Hindi nya gagamitin ang perang dapat ay nakalaan sa ikakabuti ng mamamayan ng kanyang pook para lamang magpagawa ng mga banners, leaflets, fliers, at kung anu-anu pang election paraphernalia. Mukang mahirap manghanap ng kakandidato na ganito.

Sa ngayon, yan palang ang mga masasabi ko, baka kasi makasuhan na ko kung dadag-dagan ko pa. Mahirap na. Hehehe.


Pero sa totoo lang, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Paano mo nga ba malalaman kung totoo ang sinasabi ng isang tao? Lalo pa ng mga kandidato sa posisyon sa gobyerno. Paano mo masisigurado na susunod sila sa sinumpaan at nilagdaang papel nila sa isang istasyon ng telebisyon habang naglalakad ng magkaka-kapit bisig? Papel lang naman yun.


Unang-una, maaaring sabihin na napilitan lang silang lagdaan yun dahil nasa NATIONAL TV sila, ^&#*$*#@^, kung yan lang ang magiging reson nyo, sana hindi ka nalang sumama dun sa event na yun. Sana, sinabi mo nalang na may sakit ka at hindi ka pwede. Kesa naman sa magsinungaling ka sa taong bayan.


Pangalawa, maaari rin silang gumawa ng istorya na ang kapwa kandidato na pumirma sa papel na yun ay lumabag din sa napagkasunduan. LINTIK ka naman talagang magisip, tao ka ba? Tumanda ka ba ng walang napagkatandaan? Alam mo na ngang mali yung ginawa nung kapwa mo kandidato, gagayahin mo pa? Iayos mo nga ang utak mo. O di kaya, pag mag-iisip ka, tumayo ka muna, baka kasi nauupuan mo ang utak mo kaya hindi ka makapagisip ng maayos.


Yan ang sa tingin ko, eh, dapat maging pamantayan natin sa pagpili ng mga ihahalal na leader ng ating bayan at ng ating pamayanan, pero, sa bandang huli, mismong kayo pa din ang magpapasya, magpapadala ba kayo sa mabulak-lak nga ang dila pero basura naman ang laman ng utak? O sa isang 500 piso, kung ang buong buhay naman ng inyong mga anak at minamahal sa buhay ang malalagay sa hirap? Kayo ang magdesisyon kung ano ang pipiliin nyo.


At para sa mga tao jan na hindi pa rehistrado na tulad ko, wag kayong maging manananggal sa araw ng eleksyon. Flying Voters kumbaga. Kung nais nyong bumoto at marinig ang boses nyo, magparehistro kayo. Pero babala lang, mahaba ang pila. Hehehe.


Salamat sa pagbabasa.

1 comment:

  1. Yeah! I agree with you there we really need to vote wisely. And I'm just hope for a clean and safe election this 2010.

    -pia-

    http://ramonguico.blogspot.com/

    ReplyDelete