Ang bangus, o milkfish sa ingles. Ay tinuturing na pambansang isda ng Pilipinas. Ito rin ang isa sa pinakamatinik na isda sa Mundo. Kadalasan itong inaalagaan at pinaparami sa fish-pen. At kadalasan ding paborito ng ating mga kababayan.
Subalit nitong mga nakaraang araw, tumama ang bagyong "ONDOY" na may international name na "Ketsana" sa ating bansa. Marami ang nasalanta at namatay. Karamihan din sa mga pangunahing lungsod at daan ay naapektuhan nito. Marami ang binaha kahit na nasa mga nagtataasang mga bahay at naglalakihang mga mansyon pa sila nakatira sa lungsod. Kahit ang mga artista, hindi pinalampas ng bagyong ito.
Kung tutuusin, napakahina ng bagyong ito upang magpalubog ng isang lungsod, subalit, may kasabihan nga, "small but terrible". Hindi dahil sa bugso nitong umaabot lamang sa 55 kph ay masasabing napakahina na nito. Siguro nga, mahina ang bagyong ito, kung ikukumpara sa mga nagdaang mga bagyo sa ating bansa. Subalit, napakalaking pinsala ang ginawa ng bagyong ito. Ang ulan na ibinuhos sa loob lamang ng 6 na oras, ay katumbas na raw ng average na ulan para sa buong buwan ng Setyembre. Mahirap paniwalaan, subalit, mas mahirap hindi paniwalaan. Sapagkat kita natin sa mga balitang ipinapakita sa telebisyon na talagang malupit ang bagyong ito. Kahit na mahina ang sinasabing bugso.
Ngayon, kung tinatanong nyo sa mga sarili nyo habang nagbabasa kayo nito kung nasaan yung tungkol sa bangus, eh, eto na ang iniintay nyo.
Katulad ng nasabi ko sa may bandang unahan, madalas na inaalagaan ng mga Pilipino ang bangus o milkfish sa isang fish-pen na malapit sa lawa. Kung mapupunta kayo ng Laguna, karamihan ng nakatira sa may Laguna de Bay ay mayroon fish-pen na kung saan ay nagaalaga sila ng mga bangus at kung anu-ano pang mga isda, depende sa kung ano ang uso. Subalit, dahil sa bagyong ONDOY ang mga fish-pen na ito ay nasira. Ang mga bangus ay nakawala. At ang mga mamamayan ay nagdiwang. Bakit nagdiwang ang mga mamamayan? Syempre, mag-iintay nalang kasi sila ng bangus na mapapadpad sa loob ng bahay nila.
Dito sa amin, may karatig barangay kami na lubog sa baha ang lahat ng malapit sa Laguna de Bay. Meron pa nga, hanggang bewang ang tubig sa loob mismo ng kanilang mga bahay. At minsan, maniwala ka man o sa hindi, may naliligaw na bangus sa loob ng kanilang bahay.
Dahil kakatapos lang ng bagyo, at hindi pa nahupa ang baha, marami pa ding mga bangus ang nagsisipag-languyan sa kung saan-saan (xempre sa tubig). At dahil marami pang bangus, hanggang ngayon, swak na swak pa din ang bangus bilang murang pang-ulam. Sa panahon nga naman ngayon, makabili ka ng isang bangus na 1 kilo = 40 pesos. Pag hindi ka nman nasiyahan eh.
Ang kaso lang, hanggang kelan magiging ganito ang ulam ng ating mga kababayan? Hanggang humupa o mawala ang baha? Aba, baka naman lumungad na ng bangus ang mga myembro ng kanilang mga pamilya. Subalit, wala din tayong magagawa dun. Dahil sa hirap ng buhay, mabuti nang lumungad ka ng bangus. Kesa mamatay ka ng dilat ang mata sa gutom.
Kayo, ano ba ang ulam nyo ngayon? Kami kasi bangus eh. :D
Ingat lang sa mga sawa at ahas na nalangoy sa baha ah. Lalo na yung mga taga Cainta, Rizal dyan, ingat sa buwaya na nalangoy sa baha. Baka hindi lang bangus ang hinahanap nyan para makain. Baka tao na.
Peace! Ciao!~