DISCLAIMER
Friday, December 4, 2009
Statements
Tuesday, December 1, 2009
Hero Nation 2009 (11-30-2009) sa mata ng isang OTAKU - Toy Collector
-Micro SD Memory Card (1 gb & 2 gb)
-2 ballpen
-3 Cellular Phones (Nokia N70, Motorola L7i, Nokia 3120c)
-Pair of reading glasses
-A bunch of tissue (for the expected stomachache)
-Wallet & coin purse
-Tickets (3 of them, one for SerPol, one for Jep)
-A deck of Magic the Gathering cards (Vampire deck)
Tuluyan na nga kaming umalis sa nasabing event, sobrang disappointed kami. Bukod sa sobrang sikip ng event venue, masyado ring kakaunti ang mga nagtitinda. Pumunta lang ako dun upang bumili ng karagdagang mga laruan sa aking koleksyon. Bago umalis sa A-venue Hall, napagdesisyonan naming pumunta ng megamall para kahit papano, eh, mabawasan ang disappointment namin. Bumalik kami sa nilakaran namin kaninang papunta sa event venue. Mali din ang binigay na direksyon ni Jepoy kung kaya't bumalik pa kami ng isang ulit. Halos malibot na namin ang buong Makati. Sumakay kami ng jip papuntang MRT Buendia Station, at nakiusap kay manong driver na ibaba kami sa may sakayan ng papuntang Megamall. Tumawid kami ng kalye sa isang syudad na sibilisado. Nagmuka kaming mga unggoy na nakaalpas sa zoo dahil sa sobrang inosente namin sa lugar. Naituro kami ng napagtanungan namin kung saan ang papuntang Megamall. Sumakay daw kami umano ng MRT papuntang Ortigas Station tapos maglakad nalang kami pabalik. Lakad na naman. Bago kami makarating sa mismong platform ng MRT, napagalaman naming hindi pala marunong sumakay ng MRT o LRT si Jepoy, at isa pa, hindi din namin alam kung saang side ba ang papuntang Ortigas, sa kadahilanang wala kaming kasama na sanay sa Metro Manila at walang signboard o mapa man lang na nagsasabi kung saan sasakay ang mga tulad naming nawawala na. Buti na lang at may dalawang mag-sing-irog na nandoon upang pagtanungan namin este ko pala. Itinuro naman kami sa tamang lugar kung kaya't nakasakay kami sa tamang tren. Sa loob ng tren ng MRT na papuntang Ortigas, mejo masikip. Marahil ito ay sa kadahilanang rush hour ang oras na iyon. O baka dahil sa madami lang talgang lumayas ng kanilang mga tahanan. Lumipas ang nasa 10 minuto at sa wakas, nakita at natanaw na din namin ang Megamall. Ang problema na lang, kung saan kami bababa. Dumating kami sa istasyon, buti nalang merong napakalaking sign board doon. Kung hindi, malamang ay nakarating kami sa dulong istasyon. Bumaba kami ng tren at naglakad na naman sa isang damukal na staircase. Higit sa 30 ata ang mga hakbang na iyon. Nang makarating kami sa Megamall, sobrang mga lupaypay na kami. Sa pinagsamang init at pagod. Dumiretso agad kami sa food court na nasa ground floor ng nasabing mall. Pagkainom ko ng 3 baso ng tubig, umupo na ako kasama ang nag-alay lakad na kasamahan ko sa event. Nagsiorder sila ng mga pagkain since gutom na gutom na sila, samantalang ako, nanghingi nalang ng french fries kay Kim. Si Kim, ang kapatid nya, at si Jepoy ay sa isang sikat na fastfood bumili ng pagkain, samantalang si Kees at Bibe ay sa isang stall sa food court bumili, at si SerPol o mas kilala samin bilang si Papa Bear, ay siomai lang ang binili.
Pagkatapos kumain, nagsitayo na naman kami upang maglakad. Oo. Sandamukal na lakad lang ang ginawa namin sa araw na ito. Naglibot-libot sa Megamall, tumingin ng mga laruan sa iba't-ibang stalls at stores na matatagpuan sa mall na ito, at pumunta ng Toy Kingdom. Doon, nagmadali ako sa section na ang itinitinda nila ay Plamo o yung mga Plastic Models. Upang mapawi ang aking uhaw at pagkadismaya, binili ko agad ang dalawang Master Grade na gundam, isang Wing Zero Gundam (Endless Waltz Edition) at isang Strike Freedom Gundam. Priceless ang expression ni Kees nang makita nyang hawak ko ang dalawang gundam model na ito. Hindi ko maexplain, pero priceless.
-Sunod, kung hindi ka matutulog bago ang convention, magdala ka ng shades
-Wag magpapaupo ng babae sa lugar na kita sya ng isang pasaherong lalaki, mababastos lang xa
-Magtanong sa mga estatwa kung saan ang daan, tutulungan ka nila
-Magandang laro ang "Hulaan mo, pangalan ng Estatwa ko."
-Laging magdala ng reference map
-Kung kayang lakarin, wag nang magjip, sayang ang 7 pesos
-Hindi lahat ng gwardyang malalaki ang katawan ay lalaki
-Tingnan mo muna ang muka bago mo tawagin
-Si Voltron ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng 4 na Lion (courtesy of Ate Rei)
-Si Naruto ay walang kwentang kausap, lagi kasing nasabat
-Si Astroboy ay nabutas dahil sa isang mic
-Sira na ang Strike Freedom Gundam sa totoong buhay
-Ang duck hunt ay isang masayang laro
Friday, November 27, 2009
Self-to-self interview
Babala: Ang mga susunod ninyong mababasa ditto ay ginaya ko lang sa ehemplo ko sa pagbaBLOG. Kahit na ito’y sarili kong mga tanong, ang format ay gaya lang. Sabihin nyo man na wala akong originality, wala na kong magagawa dun. Ayaw gumana ng utak ko ngayon kaya nanggagaya nalang ako ng format ng entry. Papa bear, eram muna nung interview format mo ah.
Ang mga susunod nyong matutunghayan ay pawang mga akda lamang ng aking isip na ayaw gumana para makapag post ako ng isang matinong entry sa blog na ito. Habang maaga pa, maari nyong pindutin ang “BACK” button para bumalik sa unang web site na pinuntahan nyo bago ito. Pero kung gusto nyong ipagpatuloy, ayos lang, “YOU’VE BEEN WARNED”. At pakiusap, hwag po kayong umasa na may mga matutunghayan kayong mga kalokohan dito, wala po ako sa tamang wavelength ng pagiisip kung kaya malamang na wala din akong mabitawan na jokes dito.
_________________________________________
Interbyuwer: Magandang madaling araw sa inyong lahat. Sa wakas, may bago na po tayong guest na nakaupo sa ating “SIZZLING” hot seat upang gisahin sa kanyang sariling mantika. Everybody, please a give a BIG HAND to Ran Kei Shiroe.
Ran Kei Shiroe: Uhm… Eow!
I: Kamusta ka naman ngayon?
RKS: Mabuti naman po. Ikaw kamusta ka naman?
I: Mabuti din naman ako. Bago natin umpisahan ang pagtatanong, may gusto ka bang sabihin sa iyong mga tagasubaybay?
RKS: Uhm… *ting!* Ahh oo. Mayroon akong gustong sabihin. Sa mga nagvview sa aking BLOG, maraming salamat. Dahil sa inyong tulong, umabot na po ng mahigit sa 360 ang views sa aking personal BLOG, muli, maraming salamat.
I: Maaari na ba nating umpisahan ang pagtatanong?
RKS: Sige po. Ano po ba ang mga itatanong ninyo? Kung math po kasi, aalis nalang ako.
I: Hahahaha. Nagpapatawa ka ba iho? Kasi sa totoo lang, ang corny ng joke mo. Wala ka na bang ibang baon na joke jan? Well, sige umpisahan na natin. Unang tanong, bakit mo naisipang magBLOG?
RKS: Sa totoo lang po, matagal na akong nagsusulat ng kung anu-ano. Minsan kanta, minsan kwento at madalas mga tula. Upang sagutin ang inyong tanong, nagBLOG po ako hindi para patamaan ang mga kinaiinisan kong mga tao. Kung hindi, upang mahasa ang aking kakayahan sa pagsusulat (o pagttype) at maipakita sa mundo kung ano ang kaya ko.
I: *Aba mukang seryosong kausap itong taong ito.* So, kung ganoon ang iyong intension, hindi ba dapat sumali ka o nagapply ka nalang sa isang peryodiko o di kaya’y sumali ka nalang sa inyong school paper?
RKS: Sa totoo lang po, dati nga akong kasali sa school paper namin, subalit hindi rin ako naging ganoong kaaktibo. Dahil hindi rin naman inilalabas o iniimprenta sa school paper namin dati ang mga saloobin ng mga estudyante na tulad ko.
I: Ahh… Kaya ka sa internet nalang nagpakalat ng iyong mga akda? Ganoon ba?
RKS: Opo. Ganoon na nga.
I: Nabasa ko ang iyong mga entry sa blog, at sa aking pananaw, mayroong pagkakatulad ito sa format ng mga entry ng isang blogger din na itago nalang natin sa pangalang P. MORADA, ano ang masasabi mo dito?
RKS: Ah, isa din po pala kayo sa mga follower ng aking BLOG. Maraming salamat din po. Tungkol dun sa pagkakatulad namin ng format. Hindi ko po itatanggi na may pagkakahawig nga. Siya po kasi ang aking ehemplo. Masama man o mabuti, ehemplo ko pa din siya. Naging guro ko po kasi siya sa isa sa aking mga subject kaya mejo nakuha ko din yung ibang traits nya. At salamat po sa paghahambing. Marahil ay mukang plagiarism ang ginagawa ko, subalit, may mga parte din po ng aking mga post sa BLOG na sariling akin ang format.
I: Walang ano man. Magaganda naman ang mga entry mo. Ayon sa isang entry sa BLOG mo, self proclaimed OTAKU ka? Tama ba?
RKS: Opo.
I: Kung tama ang natatandaan ko, ang ibig sabihin ng OTAKU ay isang taong addicted sa mga computer games, anime, at manga o yung mga Japanese comics. Ngayon ang tanong. Bakit ka interisado sa mga ganitong bagay? Are you trying to escape reality?
RKS: Yes. Otaku po ako. At no. I am not trying to escape reality. Dahil sa totoo lang po, kahit mabuhay man ako sa mundo na puro anime, sa tingin ko hindi ako sasaya. Interisado ako sa mga ganitong bagay dahil sa masaya itong panoorin. Kumbaga, anything is possible po kasi sa mundo ng anime. Pwede kang lumipad, magkaroon ng kapangyarihan at ng kung anu-ano pa.
I: Yes, we are well aware na kahit ano, maaari sa mundo ng cartoons. Pero ano naman ang mga naidudulot nito sayo at sa personal mong buhay?
RKS: Let me just correct you po. Anime isn’t a cartoon. A cartoon is a term used for those moving illustrations on TV na gawa ng western culture. While anime, is a culture itself. It portraits not only the feelings of those who created it but also the soul of the characters itself. It also portraits life. About po dun sa kung ano ang nagagawa nito sa buhay ko, marami na po. Hindi ko na kayang isa-isahin sa dami.
I: Ah, ok. Sorry about the misunderstanding, ngayon alam ko na kung ano ang pagkakaiba ng anime sa cartoons. *Sobrang seryoso naman nito.* Sabi mo, marami nang naidulot ang panonood mo ng anime sa buhay mo, kung maaari at may pipiliin kang isang factor na nagawa ng anime sa iyo, ano ito at bakit?
RKS: Isang factor. Hmmm. Ah! Siguro po, ang pipiliin ko ay yung phases of life.
I: Maaari bang i-elaborate mo? Hindi kasi namin maintindihan eh.
RKS: Ok po. Ang ibig ko pong sabihin sa phases of life, ay yung mga nararanasan ng isang tao sa buhay nya. Katulad po ng sinabi ko kanina, anime portraits life. Sa anime, siguro nga maaari kang sumakay sa mga naglalakihang robot at lumipad o magkaroon ng kapangyarihan. Pero hindi po nawawala sa anime ang pag-tackle sa mga pangyayari sa buhay. Katulad ng kalungkutan, saya at kung anu-ano pang nararanasan natin sa totoong buhay.
I: Ah. Ngayon naiintindihan ko na. Ayon sa aming nakalap na mga information, isa ka din daw toy collector?
RKS: Opo. Isa din akong gamer.
I: Ah. So, lahat pala ng classification ng isang OTAKU, kasama ka? Anu-ano naman ang mga kinokolekta mong laruan?
RKS: Hmm. Marami po, pero mainly, Gundams o yung mga robot. At mga anime characters na nasa nagustuhan kong anime.
I: So, ilang taon ka nang nangongolekta? Anime figures lang ba ang kinokolekta mo?
RKS: Simula po 6 or 7 years old palang ako, humaling na ko sa mga laruan. Lalo na kung mga robots. Pero 9 years old na po ako nung magumpisa akong magisip na mangolekta. Pero sa kasamaang palad, naituloy ko nalang po nung nag-college na ko. At hindi po anime figures lang ang kinokolekta ko, nangongolekta din ako ng mga figures ng Power Rangers at Masked Riders.
I: Bakit naman ang tagal ng gap?
RKS: Hindi po kasi kaya ng pera ko noong bata pa lang ako. Kaya medyo nagkagap sa pangongolekta ko ng laruan.
I: Hindi ba nag-iisang anak ka lang? At ayon dito sa information namin tungkol sayo, OFW ang iyong ama at isang Guro naman ang iyong ina. Hindi ka ba nahingi ng pera pambili ng mga laruan noong bata ka upang makabili ng mga gusto mong laruan?
RKS: Opo, nag-iisang anak lang ako. At opo, isang OFW at isang Guro ang aking mga magulang. Sa totoo lang, nahingi din ako dati, pero alam naman natin ang hirap ng buhay sa ngayon di ba? Kung kaya’t imbes na humingi ako ng pambili ng mga laruan noong mga panahong iyon, nagsikap nalang po akong magipon galing sa aking baon pag may pasok ako sa eskwelahan. Hanggang sa makabili ako ng mga gusto kong laruan.
I: Ibig sabihin ba nito ay hindi ka sinusuportahan ng iyong mga magulang sa iyong mga gustong bilin?
RKS: Sinusuportahan po nila ako. Pero hindi kami mayaman, hindi rin naman dahil sa parehong may trabaho ang mga magulang ko, pwede ko nang hingiin ang lahat ng gusto ko. Minsan, nahingi po ako ng pera pambili ng gusto ko, pero hangga’t maaari, gusto kong mabili yung mga laruan na magiging parte ng aking koleksyon mula sa sarili kong sikap.
I: So, kaya ka laging nagiipon dahil sa ayaw mong pati yung pagkokoleksyon mo eh, problemahin o maisama pa sa budget na para sa pamilya nyo?
RKS: Opo, ganoon na nga. Hindi po kasi kami ganoong kadaling dumating sa ganitong punto ng buhay na masasarap na ang nakahain sa hapag kainan namin. Dumaan din kami sa punto ng buhay na kinailangan pang magsakripisyo ng aking mga magulang para lamang mapagaral ako. Siguro lahat naman ng magulang ganoon ang gagawin para sa kanilang anak. Subalit mahirap mang paniwalaan, bago kami makarating sa ganito, dumanas muna ng hirap ang aking ina sa Hong Kong at tinanggap ng aking mga magulang na magkalayo sila para lang mapaganda ang buhay namin. Hindi ordinaryo o extra-ordinaryo ang kwento ng buhay ng pamilya ko, pero isa lang ang masasabi ko, kahit na ganoon ang nangyari, masaya ako dahil napabilang ako sa pamilya ko.
I: Ok. Bago tayo magtapos at magkaiyakan, ano ang masasabi mo sa mga bata ngayon na sinisira lang ang kanilang mga laruan at ginagastos lamang ang kanilang mga baon sa pag-susugal na nahahantong kadalasan sa kasiraan ng kanilang mga buhay?
RKS: Maraming bata ngayon ang wala kahit isang laruan. Sa panahon ngayon, maswerte ka na kung makahawak ka pa ng laruan sa pagkabata mo. Dahil sa hirap ng buhay, kahit mga batang nasa 7 taon pa lamang, eh, nagtatrabaho na. Para naman sa mga batang nahuhumaling sa sugal, maniwala man kayo o sa hindi, dumaan din ako sa ganyan. Subalit naalis ko din sa sarili ko. Walang magandang maidudulot ang pagsusugal o kahit ang pagpapakalasing at paninigarilyo sa buhay nyo. Habang maaga pa, iwasan nyo na at baguhin nyo ang nakasanayan nyo.
I: I totally agree with you on that. Lahat naman talaga tayo nadating sa ganyang phase ng buhay. Lalo na ang mga lalaki. Para naman sa mga gustong magumpisa ng koleksyon, ano ang masasabi mo sa kanila?
RKS: Hindi ganoong kadaling magsimula ng koleksyon. Sobrang gastos. Pero ito lang ang tatandaan nyo, kahit na husgahan pa kayo ng ibang tao, hangga’t walang mali sa ginagawa nyo, wag kayong mahihiya. At kung mayroon kayong gustong isang bagay na hindi kayang ibigay ng mga magulang nyo, wag kayong mainis o magalit sa kanila. Imbes, pagipunan nyo yung bagay na yun. Bilhin nyo sa pera na galing sa pagsisikap nyo, kahit pa sabihin na inipon nyo lang yung pera na yun mula sa baon o pocket money na ibinibigay sa inyo ng mga magulang nyo kapag may pasok kayo sa eskwelahan. Pero bago kayo bumili, isipin nyo din ng mabuti kung gusto mo ba talaga iyong bagay na yun. At kung kailangan mo ba talaga.
I: Hindi ako masyadong agree sa sinabi mo, pero wala naman akong nakikitang mali kasi pinagsikapan mo din namang maipon yung baon mo. To the point na hindi ka na nakain ng snacks sa school para lang mabili yung gusto mo.
RKS: Yun po yung point.
I: Last question, seryosong tao ka ba talaga by nature?
RKS: Hindi naman po, nagkataon lang na wala sa tamang direksyon ang utak ko upang magbato ng mga jokes sa mga panahong ito.
I: Ok, last but not the least, can we have a parting message?
RKS: Mejo mahaba na po yung mga nasabi ko, pero, may sasabihin pa ako. Kung ihahambing ang buhay sa isang bagay, siguro, pinaka-maganda nang ihambing ito sa isang anime. Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo, and definitely hindi lahat ng bagay na mangyayari, aayon sa mga kailangan mo, pero everything has its own purpose. Hindi man natin alam kung ano iyon, may ibang nakakaalam kung para saan ang mga nangyayari sa buhay natin. And isa pa nga pla, sa November 30, 2009, nasa A-venue Mall ako, attending Hero Nation 2009 Anime Convention. See you there!
I: Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng mga insight mo sa amin, ngayon mas maayos na ang pananaw ko tungkol sa Anime at medyo naiintindihan ko na din ang mga tumatakbo sa isip mo habang ginagawa mo ang mga entry mo sa blog. Ipagpatuloy mo lang ang pagbBLOG and good luck sa career mo in the near future.
RKS: Thank you po.
I: Walang ano man. And with that said, Ran Kei Shiroe everyone, again, let's give him a big round of applause.
Thursday, October 29, 2009
Otaku? Ano yun?
Otaku? Anu yun? Nakakain ba un? O baka naman isang damit o lugar iyon na hindi kilala ng mga tao. Ok guys. Ngayon maliliwanagan kayo, dahil mejo magpaka-anime naman tayo. Since malapit na ang mga conventions and madami na ding nagsusulputang anime related goods sa Pilipinas ngayon. At isa pa, wala din akong maisip na iblog ngayon. Kaya pag-chagaan na lang muna ito sa ngayon. Hehehe. Pero, ano nga ba talaga ang Otaku? Madaming tao ngayon ang nahuhumaling sa anime. At kasama na ako sa mga taong yun. At kung paiikliin natin. Yun! Yun mismo ang isang Otaku. Sabi nga ng isa sa mga kapanalig ko sa relihiyong ito, "we love anime, discuss anime, and share anything you wish about anime... live anime, sleep anime, read anime (manga), dream anime, wear anime, watch anime, and hear anime.. draw anime, costume playing anime, idolizing anime.. eat anime and drink anime." Yan ang madaling description ng isang Otaku. Ay kulang pa pala! Otakus also collect anime.
Kung technical naman at yung mas definitive, eto ang sabi ni kumpareng Wikipedi. Kumpare ko na din si Wikipedia, amp! Hahaha. "Otaku (おたく/オタク?) is a Japanese term used to refer to people with obsessive interests, particularly anime, manga, and video games." Yan. mas definitive nga. Sa sobrang haba, halos hindi maka 50 letters. Hehehe. Pero akalain mo yun, kasama pala ang mga mahihilig sa Bidyo Geyms (isang entry ng aking mabuting ehemplo, alam mo na kung sino yun. Hehehe.) Akala ko pa naman, adik lang ang tawag sa mga ganun, yun pala, Otaku din.
Lahat dun sa nasabi ng aking kapanalig sa relihiyong ito na ibig sabihin ng Otaku, isa na lang ata ang hindi ko nagagawa. Isa-isahin natin. Hmm..
I do love anime. Lalo na kung yung mga tungkol sa astig at magagandang design ng drawing.
We do discuss anime. Sa halos araw-araw na nasa school ako at kasama ko ang mga sira kong katropa (tuloy pati isip ko nasira na din.), halos lahat na ata ng anime na napanood namin, napagusapan na din namin.
Live anime? Hmm.. Sa bagay, tama din naman. We do live anime. Kaya nga ang tingin sa amin ng mga tao, weird. Yun kasi talaga ang pagtanggap ng mga taong hindi nakakarelate sa mga kagustuhan ng mga taong lango at ganid sa anime. Say present nalang pag isa kayo dun sa mga sinasabi ko.
Sleep anime? Hmm.. Ako aminado ako dito sa bagay na 'to. Kadalasan kasi, ang nagpapatulog sakin, anime soundtracks.
Read anime or mas ok siguro kung sabihin kong read manga, pero related pa din sa anime. Hehehe. Dahil bago maging anime, Naguumpisa muna sa pagiging manga. Naturo? Slam dunk? Ghost fighter? Lahat yan nagsimula sa manga. Hindi katulad nila sponge bob, squidwert (squidwort o kung anu man, basta alam ko puset xa, hindi ako magmumura ah. sabi ko PUSET, hindi kung anu pa man. at malamang na nagawa na xang calamares na itinitinda sa tabi-tabi at sinasawsaw sa suka) at dora the explorer at boots(ang kaunauhanang spider monkey na naglalakad ng nakabotang pula) na galing lang sa mga isip ng mga illustrator nilang mas bata pa ata sa isip ng pinsan ko ang isip.
Next please. Dream anime. Sa totoo lang, mejo madalas ding mangyari sakin ito. Yung tipong ako si Allen Walker ng D.Gray-Man o si Tsunayoshi Sawada ng Katekyo Hitman Reborn, o kung sa Pinoy dubbed anime, nagiging Reborn nalang.
Wear anime. Yey! Meron na akong isang anime related na t-shirt. Akatsuki from naruto. Gusto mong makita? Astig kasi eh. Langya, at nanginggit pa.
Watch anime. Uu. Super. To the highest level. I can spend a whole week of free time just to watch anime. Kayo na ang magcompute kung ilang oras yun. Basta per one day, up to 15 hours ko kayang nakatitig sa PC at nanonood ng anime.
Hear anime. Sabi ko nga, halos lullaby nalang para sakin ang anime OST. Na tipong kahit anong pagka-rock, kahit hard metal, basta anime OST. Kaya ng tenga ko. As long as may rhythm syempre.
Draw anime? Animators’ Club member kaya ako sa school namin. Isang club na halos mga katropa ko din ang members. Hahaha. In short, club namin. Hindi ng skul.
Costume play ng anime? Hmmm. Kung tama ako, nasa 3 years na ata kaming nagpplano na magcosplay ng anime characters pero believe me or not, kahit minsan, hindi pa natuloy. Ay teka, once pala, natuloy. Nung club registration day sa school. Pero kahit anung tingin ko, mukang tanga pa din kami nun. Hahaha.
Idolizing anime? Hmm.. Sa ngayon naman, wala pa akong inaidolize na anime character. Hindi ko naman kayang mag ray-gun na tulad ni Eugene o Yu ng Ghost Fighter o Yuyu Hakusho. Hindi din ako ganung katangkad tulad ni Hanabishi Sakuragi na kayang mag-dunk sa ring ng basketball. At lalo naman na hindi ko kayang mag X Burner dahil hindi naman ako si Tsunayoshi Sawada. Pero kahit na wala akong inaidolize, madami akong gustong anime.
Collect anime ba? Tama na ba sayo yung ganito? Click nyo para makita nyo yung full size. Ang konti no? Hehehe. Nakayabang pa. Amp! :))
And last but no the least, eat and drink anime? Hmmm. Tingin ko, lahat nman ng tao, nakakain na at nakainom ng tulad ng mga kinakain at iniinom ng nasa anime.
Ngayon, malinaw na ba sa inyo ang ibig sabihin ng otaku? Kung hindi pa, tingin ko, itry nyong pumunta sa mga conventions. Yun ay kung ganun talaga kayong kainterisado sa isang otaku. Sa November 30, 2009 merong magiging anime convention sa Makati City. Isearch nyo nalang kung saan yung convention na yun sa Makati City. Ang title nung convention ay Hero Nation 2009. O kung hindi nyo naman mahanap, manood kayo sa Hero Channel sa cable nyo. Yung channel na puro anime ata ang palabas. Kung gusto nyong makakita ng sandamukal na otaku, dun kayo magpunta. At hindi lang sandamukal ang makikita nyo, malamang na malunod pa kayo sa sobrang dami.
Sa totoo lang, wala namang masama or unique sa pagiging Otaku. Masaya lang. Una, kasi, masayang manood at mamuhay ng parang anime character lang. Yung tipong ang tingin mo sa sarili mo, parang nalalaglag yung mga bulaklak ng Cherry Blossoms sa kalye habang naglalakad ka o habang papasakay ka ng jip pauwi sa bahay nyo. Pangalawa, pag tinanong ka ng pdeng saguting ng yes or no, pwede mong sagutin ng “Hai!” o “Nai!”, ”iie” yun ay kung isang otaku din ang kausap mo. Kung fluent ka sa Nihonggo, pwede kayong mag-usap na gamit ang Nihonggo pag may natripan kang babae sa jip. Pag gusto mong magpaintay sa kasama mong otaku, pwede mong sabihing “Matte!” imbes na wait o intay. Pag gusto mong sabihing tanga, imbes na tanga o stupid, “Baka” nalang ang sasabhin mo. Mejo maganda nga namang pakinggan.
Otaku din ang nagpasimula nung fashion ng buhok na tinatawag ngayon na Emo fashion. Hindi kayo makapaniwala? Isearch nyo si Trowa Barton ng Gundam Wing sa images ng mga internet search engines. At pagkatapos nun, isearch nyo ang year kung kelan inilabas ang Gundam Wing. Para maniwala kayo na nauna ang fashion statement ni Trowa Barton kesa sa mga Emo-ng ngayon.
Sa makatuwid, kahit hindi animin ng maraming tao na ang turing sa mga Otaku ay "one weird race of human", madaming naging impluwensya ang mga otaku sa mundong ito. Lalo na sa fashion world. Siguro naman ngayon alam nyo na kung ano ang otaku, tama ba? Kung hindi pa din, isearch nyo nalang yung mga karagdagang information tungkol sa dumadaming lahing ito ng tao. Masyado na kasing mahaba ang entry na ito eh. Saka, manonood pa din ako ng anime. Hehehe. Goodluck sa paghahanap. Ciao!~
At nga pala, I'm very proud to be of this race. Mwahaha. Weirdos o unique para sa iba, masaya para sa amin.







