DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro
Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

Friday, December 4, 2009

Statements

As promised sa PLURK, I will now be posting a new entry para sa BLOG ko. 


Eto na nman ang inyong walang kwentang lingkod na nagppost ng isang bagong entry sa kanyang blog.


Gumana na naman ang utak ko matapos ang isang bwan ng paghihintay sa isang event na sa huli ay wala namang naging magandang epekto sa akin maliban sa nakasakay ako sa MRT at mejo lumaki ang mga maskels (muscles) ko sa binti. At ngayon, ang pag-uusapan naman natin ay ang mga statements ng tao patungkol sa kanilang mga nararamdaman sa kanilang mga buhay-buhay. Maging ito man ay kasapi sa kapisanan ng mga EMO-dium o ng mga OTAKU o kahit na sadyang isang wirdong tao ka lang na walang magawa sa buhay, sa tingin ko ay kasali ka dito, at malamang ay nagsisisigaw ka na din ng iyong mga statement na gusto mong marinig o kahit mabasa man lang ng kahit 10 lang na tao sa buong mundo.


Before I officially start this entry, gusto ko lang sanang magpasalamat sa mga walang sawang nagv-view ng aking blog. Umabot na po sa 400+ ang views ng aking blog for the past 3 months. Salamat. Thank you. Arigatou gozaimasu. Ano pa ba? Hindi ko na alam ang salamat o thank you o arigatou gozaimasu sa iba pang lenggwahe. Ayun! Gracias. Merci. At madami pang iba. Kung gusto nyong malaman kung ano ang sinasabi ko sa lenggwahe ninyo, follow this link nalang. Yun ay kung maiintindihan ninyo kung ano ang mga sinasabi ko dito. Well, here I go with my nonsenseness again. ENJOY!


Sa panahon ngayon, lalo na't nagkakaroon ng economic crises at mahirap na ding pigilan ang recession na naeexperience ng iba't-ibang nasyon sa mundo, lumalabas ang iba't-ibang mga statements na ginagawa ng kabataan. Karamihan dito ay makikita sa internet. Tulad ng mga facebook accounts, plurk, blogs (na tulad nito), friendster shoutouts at kung anu-ano pa. Isa na sa mga statement media na ito ay ang mga damit na isinusuot natin sa pang-araw-araw. Kung inyong mapapansin, parami na nang parami ang mga nawiwili sa mga ganitong paraan ng pagpapa-abot ng kanilang mga nararamdaman. Siguro the catchy phrase for this is "Giving a Statement" since nagbibigay ka ng iyong statement para sa isang isyu o kahit para lang ilabas ang tingin mo sa sarili mo via different medias available. Kumbaga, kung hindi man marinig ng mundo o ng ibang tao sa mundo ang sigaw mo, at least mababasa naman nila.


Katulad ng sinabi ko kanina, statements are not just made through actions, language o kahit na sa internet shoutout lang. Sa panahon ngayon na halos lahat posible na (pwera na lang ang pagkakaroon ng pak-pak ng isang tao o ang pagkakaroon ng hasang) dahil sa teknolohiya, lumiliit nagiging limited na ang mga boundaries ng tao. From cloning to making artificial heart, from flying through space to diving the trenches of the sea, lahat yan nagawa na ng isang tao (or so, yun ang claims nila).


I myself am guilty of posting shoutouts in different social websites katulad ng friendster, facebook, plurk at blogs. At since I consider myself as a digital designer, kahit sa mga forums na kasali ako, eh, nakikita na din ang mga shoutouts or statements ko. Some online gamers event make themselves heard through the use of the characters, na imbes na "name" talaga ang ilagay, statements nalang nila ang gagawing name ng characters nila dun sa games na yun. I even made a unique design para sa t-shirt ko, hoping to print it someday para unique ang suot ko if ever. And sa wakas, naipaprint ko na din. Please refer to the picture below to know kung ano yung statement na nakalagay sa t-shirt ko.



Mejo may nihonggo 'to ah... :D


As I have said before, full pledged OTAKU ako. And since I am also a Filipino, I decided to go for this design. Very unique? Yes. Yun ang aim ko kaya ako nagdesign ng t-shirt ko. Para kahit na sa t-shirt lang, maipakita ko kung ano ang statement na gusto ko. And since nagkaroon ako ng chance  to print the design na gusto ko, bakit hindi di ba?


As I have said, hindi lang internet ang media para iparating ang gusto mong sabihin sa mundo. There are several ways to express what you think and feel about yourself. You just have to be creative enough to express it. Wag kang matakot sa kung ano man ang sasabihin ng iba. Ano ba ang pakialam nila. At higit sa lahat, ano ba ang alam nila tungkol sa pagkatao mo? Di ba sabi nga, "You know yourself best". So, imbes na nahihiya kang sabihin ang gusto mong iparating, say it with all your might. That also goes kung gusto mong gumawa ng confession, tama ba BIBS? Just be sure na hindi maooffend yung kausap mo, and also, be sure na hindi rude ang sasabihin mo, or else, that won't guarantee your safety as a person, and as  a human being.


Well, since mejo mahaba yung last post ko about sa Hero Nation Convention, I think, I will end this entry here. Baka kasi sabihin nyo na naman na sobrang haba. And with that said, be safe and let the force be with you.


Ciao!~


Friday, November 27, 2009

Self-to-self interview

Babala: Ang mga susunod ninyong mababasa ditto ay ginaya ko lang sa ehemplo ko sa pagbaBLOG. Kahit na ito’y sarili kong mga tanong, ang format ay gaya lang. Sabihin nyo man na wala akong originality, wala na kong magagawa dun. Ayaw gumana ng utak ko ngayon kaya nanggagaya nalang ako ng format ng entry. Papa bear, eram muna nung interview format mo ah.

Ang mga susunod nyong matutunghayan ay pawang mga akda lamang ng aking isip na ayaw gumana para makapag post ako ng isang matinong entry sa blog na ito. Habang maaga pa, maari nyong pindutin ang “BACK” button para bumalik sa unang web site na pinuntahan nyo bago ito. Pero kung gusto nyong ipagpatuloy, ayos lang, “YOU’VE BEEN WARNED”. At pakiusap, hwag po kayong umasa na may mga matutunghayan kayong mga kalokohan dito, wala po ako sa tamang wavelength ng pagiisip kung kaya malamang na wala din akong mabitawan na jokes dito.

_________________________________________

Interbyuwer: Magandang madaling araw sa inyong lahat. Sa wakas, may bago na po tayong guest na nakaupo sa ating “SIZZLING” hot seat upang gisahin sa kanyang sariling mantika. Everybody, please a give a BIG HAND to Ran Kei Shiroe.

Ran Kei Shiroe: Uhm… Eow!

I: Kamusta ka naman ngayon?

RKS: Mabuti naman po. Ikaw kamusta ka naman?

I: Mabuti din naman ako. Bago natin umpisahan ang pagtatanong, may gusto ka bang sabihin sa iyong mga tagasubaybay?

RKS: Uhm… *ting!* Ahh oo. Mayroon akong gustong sabihin. Sa mga nagvview sa aking BLOG, maraming salamat. Dahil sa inyong tulong, umabot na po ng mahigit sa 360 ang views sa aking personal BLOG, muli, maraming salamat.

I: Maaari na ba nating umpisahan ang pagtatanong?

RKS: Sige po. Ano po ba ang mga itatanong ninyo? Kung math po kasi, aalis nalang ako.

I: Hahahaha. Nagpapatawa ka ba iho? Kasi sa totoo lang, ang corny ng joke mo. Wala ka na bang ibang baon na joke jan? Well, sige umpisahan na natin. Unang tanong, bakit mo naisipang magBLOG?

RKS: Sa totoo lang po, matagal na akong nagsusulat ng kung anu-ano. Minsan kanta, minsan kwento at madalas mga tula. Upang sagutin ang inyong tanong, nagBLOG po ako hindi para patamaan ang mga kinaiinisan kong mga tao. Kung hindi, upang mahasa ang aking kakayahan sa pagsusulat (o pagttype) at maipakita sa mundo kung ano ang kaya ko.

I: *Aba mukang seryosong kausap itong taong ito.* So, kung ganoon ang iyong intension, hindi ba dapat sumali ka o nagapply ka nalang sa isang peryodiko o di kaya’y sumali ka nalang sa inyong school paper?

RKS: Sa totoo lang po, dati nga akong kasali sa school paper namin, subalit hindi rin ako naging ganoong kaaktibo. Dahil hindi rin naman inilalabas o iniimprenta sa school paper namin dati ang mga saloobin ng mga estudyante na tulad ko.

I: Ahh… Kaya ka sa internet nalang nagpakalat ng iyong mga akda? Ganoon ba?

RKS: Opo. Ganoon na nga.

I: Nabasa ko ang iyong mga entry sa blog, at sa aking pananaw, mayroong pagkakatulad ito sa format ng mga entry ng isang blogger din na itago nalang natin sa pangalang P. MORADA, ano ang masasabi mo dito?

RKS: Ah, isa din po pala kayo sa mga follower ng aking BLOG. Maraming salamat din po. Tungkol dun sa pagkakatulad namin ng format. Hindi ko po itatanggi na may pagkakahawig nga. Siya po kasi ang aking ehemplo. Masama man o mabuti, ehemplo ko pa din siya. Naging guro ko po kasi siya sa isa sa aking mga subject kaya mejo nakuha ko din yung ibang traits nya. At salamat po sa paghahambing. Marahil ay mukang plagiarism ang ginagawa ko, subalit, may mga parte din po ng aking mga post sa BLOG na sariling akin ang format.

I: Walang ano man. Magaganda naman ang mga entry mo. Ayon sa isang entry sa BLOG mo, self proclaimed OTAKU ka? Tama ba?

RKS: Opo.

I: Kung tama ang natatandaan ko, ang ibig sabihin ng OTAKU ay isang taong addicted sa mga computer games, anime, at manga o yung mga Japanese comics. Ngayon ang tanong. Bakit ka interisado sa mga ganitong bagay? Are you trying to escape reality?

RKS: Yes. Otaku po ako. At no. I am not trying to escape reality. Dahil sa totoo lang po, kahit mabuhay man ako sa mundo na puro anime, sa tingin ko hindi ako sasaya. Interisado ako sa mga ganitong bagay dahil sa masaya itong panoorin. Kumbaga, anything is possible po kasi sa mundo ng anime. Pwede kang lumipad, magkaroon ng kapangyarihan at ng kung anu-ano pa.

I: Yes, we are well aware na kahit ano, maaari sa mundo ng cartoons. Pero ano naman ang mga naidudulot nito sayo at sa personal mong buhay?

RKS: Let me just correct you po. Anime isn’t a cartoon. A cartoon is a term used for those moving illustrations on TV na gawa ng western culture. While anime, is a culture itself. It portraits not only the feelings of those who created it but also the soul of the characters itself. It also portraits life. About po dun sa kung ano ang nagagawa nito sa buhay ko, marami na po. Hindi ko na kayang isa-isahin sa dami.

I: Ah, ok. Sorry about the misunderstanding, ngayon alam ko na kung ano ang pagkakaiba ng anime sa cartoons. *Sobrang seryoso naman nito.* Sabi mo, marami nang naidulot ang panonood mo ng anime sa buhay mo, kung maaari at may pipiliin kang isang factor na nagawa ng anime sa iyo, ano ito at bakit?

RKS: Isang factor. Hmmm. Ah! Siguro po, ang pipiliin ko ay yung phases of life.

I: Maaari bang i-elaborate mo? Hindi kasi namin maintindihan eh.

RKS: Ok po. Ang ibig ko pong sabihin sa phases of life, ay yung mga nararanasan ng isang tao sa buhay nya. Katulad po ng sinabi ko kanina, anime portraits life. Sa anime, siguro nga maaari kang sumakay sa mga naglalakihang robot at lumipad o magkaroon ng kapangyarihan. Pero hindi po nawawala sa anime ang pag-tackle sa mga pangyayari sa buhay. Katulad ng kalungkutan, saya at kung anu-ano pang nararanasan natin sa totoong buhay.

I: Ah. Ngayon naiintindihan ko na. Ayon sa aming nakalap na mga information, isa ka din daw toy collector?

RKS: Opo. Isa din akong gamer.

I: Ah. So, lahat pala ng classification ng isang OTAKU, kasama ka? Anu-ano naman ang mga kinokolekta mong laruan?

RKS: Hmm. Marami po, pero mainly, Gundams o yung mga robot. At mga anime characters na nasa nagustuhan kong anime.

I: So, ilang taon ka nang nangongolekta? Anime figures lang ba ang kinokolekta mo?

RKS: Simula po 6 or 7 years old palang ako, humaling na ko sa mga laruan. Lalo na kung mga robots. Pero 9 years old na po ako nung magumpisa akong magisip na mangolekta. Pero sa kasamaang palad, naituloy ko nalang po nung nag-college na ko. At hindi po anime figures lang ang kinokolekta ko, nangongolekta din ako ng mga figures ng Power Rangers at Masked Riders.

I: Bakit naman ang tagal ng gap?

RKS: Hindi po kasi kaya ng pera ko noong bata pa lang ako. Kaya medyo nagkagap sa pangongolekta ko ng laruan.

I: Hindi ba nag-iisang anak ka lang? At ayon dito sa information namin tungkol sayo, OFW ang iyong ama at isang Guro naman ang iyong ina. Hindi ka ba nahingi ng pera pambili ng mga laruan noong bata ka upang makabili ng mga gusto mong laruan?

RKS: Opo, nag-iisang anak lang ako. At opo, isang OFW at isang Guro ang aking mga magulang. Sa totoo lang, nahingi din ako dati, pero alam naman natin ang hirap ng buhay sa ngayon di ba? Kung kaya’t imbes na humingi ako ng pambili ng mga laruan noong mga panahong iyon, nagsikap nalang po akong magipon galing sa aking baon pag may pasok ako sa eskwelahan. Hanggang sa makabili ako ng mga gusto kong laruan.

I: Ibig sabihin ba nito ay hindi ka sinusuportahan ng iyong mga magulang sa iyong mga gustong bilin?

RKS: Sinusuportahan po nila ako. Pero hindi kami mayaman, hindi rin naman dahil sa parehong may trabaho ang mga magulang ko, pwede ko nang hingiin ang lahat ng gusto ko. Minsan, nahingi po ako ng pera pambili ng gusto ko, pero hangga’t maaari, gusto kong mabili yung mga laruan na magiging parte ng aking koleksyon mula sa sarili kong sikap.

I: So, kaya ka laging nagiipon dahil sa ayaw mong pati yung pagkokoleksyon mo eh, problemahin o maisama pa sa budget na para sa pamilya nyo?

RKS: Opo, ganoon na nga. Hindi po kasi kami ganoong kadaling dumating sa ganitong punto ng buhay na masasarap na ang nakahain sa hapag kainan namin. Dumaan din kami sa punto ng buhay na kinailangan pang magsakripisyo ng aking mga magulang para lamang mapagaral ako. Siguro lahat naman ng magulang ganoon ang gagawin para sa kanilang anak. Subalit mahirap mang paniwalaan, bago kami makarating sa ganito, dumanas muna ng hirap ang aking ina sa Hong Kong at tinanggap ng aking mga magulang na magkalayo sila para lang mapaganda ang buhay namin. Hindi ordinaryo o extra-ordinaryo ang kwento ng buhay ng pamilya ko, pero isa lang ang masasabi ko, kahit na ganoon ang nangyari, masaya ako dahil napabilang ako sa pamilya ko.

I: Ok. Bago tayo magtapos at magkaiyakan, ano ang masasabi mo sa mga bata ngayon na sinisira lang ang kanilang mga laruan at ginagastos lamang ang kanilang mga baon sa pag-susugal na nahahantong kadalasan sa kasiraan ng kanilang mga buhay?

RKS: Maraming bata ngayon ang wala kahit isang laruan. Sa panahon ngayon, maswerte ka na kung makahawak ka pa ng laruan sa pagkabata mo. Dahil sa hirap ng buhay, kahit mga batang nasa 7 taon pa lamang, eh, nagtatrabaho na. Para naman sa mga batang nahuhumaling sa sugal, maniwala man kayo o sa hindi, dumaan din ako sa ganyan. Subalit naalis ko din sa sarili ko. Walang magandang maidudulot ang pagsusugal o kahit ang pagpapakalasing at paninigarilyo sa buhay nyo. Habang maaga pa, iwasan nyo na at baguhin nyo ang nakasanayan nyo.

I: I totally agree with you on that. Lahat naman talaga tayo nadating sa ganyang phase ng buhay. Lalo na ang mga lalaki. Para naman sa mga gustong magumpisa ng koleksyon, ano ang masasabi mo sa kanila?

RKS: Hindi ganoong kadaling magsimula ng koleksyon. Sobrang gastos. Pero ito lang ang tatandaan nyo, kahit na husgahan pa kayo ng ibang tao, hangga’t walang mali sa ginagawa nyo, wag kayong mahihiya. At kung mayroon kayong gustong isang bagay na hindi kayang ibigay ng mga magulang nyo, wag kayong mainis o magalit sa kanila. Imbes, pagipunan nyo yung bagay na yun. Bilhin nyo sa pera na galing sa pagsisikap nyo, kahit pa sabihin na inipon nyo lang yung pera na yun mula sa baon o pocket money na ibinibigay sa inyo ng mga magulang nyo kapag may pasok kayo sa eskwelahan. Pero bago kayo bumili, isipin nyo din ng mabuti kung gusto mo ba talaga iyong bagay na yun. At kung kailangan mo ba talaga.

I: Hindi ako masyadong agree sa sinabi mo, pero wala naman akong nakikitang mali kasi pinagsikapan mo din namang maipon yung baon mo. To the point na hindi ka na nakain ng snacks sa school para lang mabili yung gusto mo.

RKS: Yun po yung point.

I: Last question, seryosong tao ka ba talaga by nature?

RKS: Hindi naman po, nagkataon lang na wala sa tamang direksyon ang utak ko upang magbato ng mga jokes sa mga panahong ito.

I: Ok, last but not the least, can we have a parting message?

RKS: Mejo mahaba na po yung mga nasabi ko, pero, may sasabihin pa ako. Kung ihahambing ang buhay sa isang bagay, siguro, pinaka-maganda nang ihambing ito sa isang anime. Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo, and definitely hindi lahat ng bagay na mangyayari, aayon sa mga kailangan mo, pero everything has its own purpose. Hindi man natin alam kung ano iyon, may ibang nakakaalam kung para saan ang mga nangyayari sa buhay natin. And isa pa nga pla, sa November 30, 2009, nasa A-venue Mall ako, attending Hero Nation 2009 Anime Convention. See you there!

I: Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng mga insight mo sa amin, ngayon mas maayos na ang pananaw ko tungkol sa Anime at medyo naiintindihan ko na din ang mga tumatakbo sa isip mo habang ginagawa mo ang mga entry mo sa blog. Ipagpatuloy mo lang ang pagbBLOG and good luck sa career mo in the near future.

RKS: Thank you po.

I: Walang ano man. And with that said, Ran Kei Shiroe everyone, again, let's give him a big round of applause.