DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro

Saturday, December 19, 2009

Unfair!





Sa mga oras na isinusulat ko ang entry na ito, ay kakatapos ko pa lang basahin ang entry ni Papa Bear. Amazed ako dahil ngayon or rather this month ko lang nalaman na mag-5-years na pala sila ng kaniyang “irog” (ilog ang tamang “word” pag Hapon ang nagsabi) at amazed din ako na sa mga oras pala na nanggi-gigil ka ke “Mam” Goldilocks eh, kayu na nung iyong kasintahan. Hehehe. Piz! At ngayon ay sisimulan ko na nman ang isang entry ko sa blog na ito.

Pero bago ang lahat, hindi mawawala dito ang isang…

BABALA: (Lahat na lang yata ng mga entry ko sa blog ko ay mayroong babala. Well, mabuti na rin yung ganoon. At least, walang manenermon o magmamaktol sa YM ko sa kadahilanang hindi sila makarelate dahil hindi ako naglagay ng babala.) Ang mga nakalagay dito entry na ito ay puro ka-EMO-han. Ang mga ito ay nangyari lahat sa loob lamang ng apat na araw simula noong ika-14 ng Disyembre kung kelan ko din inayos ang aking NSO certified Birth Certificate at nabili ang Wolkaiser robot ng Magiranger. Ulit, kayo ay binigyan ko ng babala.

Katulad nga ng sinabi ko, ang entry kong ito ay sisimulan ko sa araw kung kelan ako kumuha ng NSO Certified Birth Certificate ko…

Ika-14 ng Disyembre taon 2009
Dahil sa nasabi sa akin ng aking mabuting kaibigan na kailangan ng NSO Ceritified Birth Certificate para sa aking Application for Graduation, wala akong magawa kundi ang kumuha nito. At sa kadahilanang hindi ko rin alam ang aking gagawin, ako’y sinamahan pa ng aking ina upang kumuha ng kopya nito sa munisipyo pa ng Muntinlupa. Maaga kaming umalis ng aming bahay, kung tama ako, mga nasa 5:25 am palang ata, wala na kami sa aming bahay dahil madaming nakuha ng NSO copy sa munisipyong iyon kung kaya’t kailangang maaga kaming makarating upang maaga rin kaming makauwi. Mag aalas-syete na nang kami ay makarating sa naturang munisipyo. Buti nalang at kakaunti ang tao. Subalit sa kinamalas-malasan naman, may flag ceremony pala ang mga kawani ng munisipyo ng Muntinlupa noong araw na iyon. Kung kaya hindi rin ganung kaaga ang naging pagpasok ng mga kawani nila sa kanilang mga pintong dapat pasukan. May musiko (banda o orchestra para sa mga konyo) na tumugtog sa may harap ng Munisipyo na wari mo’y nangangaroling lang dahil puro pampasko na medley ang tinutugtog. Inuna nila ang “Mapula ang ilong na usa na si Rudolf (o kung paano man ang ispeling ng pangalan ng magaling na usa ni Santa Klos na  laging may sipon)”  at sinundan naman ng “Ang unang Noel (na hindi na nasundan)” at pinahulihan ng “Ang munting mananambol (pam pam pam)”. Nang dumating ang mga inaasahang dumating, mga pulis, pulis-trapiko, boluntir, at kung sinu-sino pa, inumpisahan na ang programa. Pinangunahan ito ng isa atang konsehal ng naturang lungsod. Pagkatapos naman ay tinugtog ang pambansang awit ng Pilipinas, na kung saan, kahit ang mga nakapila sa pagkuha ng NSO copy ng kanilang mga dokumento ay tumayo maliban lang sakin. Tinatamad ako eh. Pero nakanta naman ako, kaso sa isip ko lang naman. Sabi nga, it’s da tot dat kawnts. Matapos ng mga pinagsasabi ng isa pang konsehal na abogado din, nagsimula na ang normal na operasyon ng munisipyo. Mag aalas-otso na nang makakuha ako ng form para sa aking aplikasyon. Ang aking ina na ang naglagay ng mga hinihinging inpormasyon sa form na iyon samantalang ako naman ay naghanap ng C.R. ihing-ihi na kasi ako at parang puputok na ang aking pantog. Dito pumasok ang unang “UNFAIR”. Sarado ang palikuran na malapit sa pilahan at ang pinakamalapit na palikuran ay sa kabilang establisyimyento pa na ang layo ay mahigit pa ata sa tatlumpung metro mula sa pinagpipilahan. Pano pa kaya kung hindi ihi lang ang pinipigil ko? Amp! Sa awa ni Bro, nakaraos nman ang pag-ihi ko at umabot sa C.R. Pagbalik ko, halos trenta minutos nalang ang pinaghintay ko at natapos na din ang pagpila ko. Dahil hindi kami kumain sa bahay, kinailangan naming kumain sa MakDo na nasa kabilang panig lamang ng kalsada. Wala nung mga pagkain na gusto ko. At sa kasamaang palad, tanging ang MakTsiken meal lang nila ang meron. Since hindi ko naman gusto yung mga breakfast joys nila. Inabot na kami ng pasado alas-dyes bago pa kami makaalis ng munisipyo ng nasabing lungsod. Saka naman kami nagpunta na sa Pestibal Mol. Mejo lumibot lang kami sa mol na iyon at ako’y bumili naman ng laruan na naman. J Matapos noon ay umuwi na rin kami.

Ika-15 ng Disyembre taon 2009
Dahil sa hindi pala 2 x 2 ang kailangang picture para sa application for graduation, kinailangan kong iedit ang aking picture upang hindi na muling gumastos pa. Passport size pala ang tama at kailangang naka corporate attire at kulay puti ang background. Amp na naman! Pagkatapos kong maayos ang picture, pumunta na ako sa aking eskwelahan upang isumite ang aking aplikasyon. Nang sa hindi inaasahang pangyayari, isang “UNFAIR” na nman ang sumalubong sa akin. Bukod sa “INC” pa din ang mga subject kong na “complete” ko na ng mga isang taon na ang nakakaraan, ang isa kong subject ay wala pang grade. At dahil nawala ang aking grading sheet para sa semester na iyon na kung saan ko inenrol ang nasabing subject na walang grade, wala akong dalang pruweba upang maipakita para patunayan na natapos ko at na may grade ako sa subject na iyon. Saglit lang ako sa eskwelahan ko sapagkat kailangan kong pumunta ulit ng Pestibal Mol upang papalitan naman ang pantalon na binili namin. Masyado kasing masikip halos hindi na ko makahinga at law-law na din ang bilbil ko, hindi na din makagalaw ang dapat gumalaw dahilan sa sobrang sikip. Pati ang mga hita ko, nagmistulang mga suman. Pagdating ko sa Pestibal Mol, naglibut-libot muna ako. Nang isang napaka “UNFAIR” na bagay ang nakita ko. Nakita ko ang isang Japan Version ng nabili kong laruan na Wolkaiser o Centaurus Wolf Megazord na ang presyo ay kalahati lamang ng presyo ng nabili ko na. Bwisit talaga. Pero wala naman akong magagawa kung kaya’t umalis nalang ako sa nasabing tindahan at ipinapalit na ang pantaloon sabay uwi na din.

Ika-16 ng Disyembre taon 2009
Sa pangatlong araw, kinailangan kong bumalik ng eskwelahan upang ayusin lamang ang aking aplikasyon para makagradweyt sa darating na Marso. Naghagilap ako ng mga pwedeng maging pruweba na nakuha ko iyong subject na iyon. At sa awa ni Bro, nakita ko ang aking registration form na may nakalagay na “PROLANG” sa may bandang huli ng listahan ng aking mga subject na naienrol noong semester na iyon. Dinala ko na din ang aking completion form upang patunayan na completed na ang mga “Iglesia Ni Cristo o INC” kong mga subject. At sa kabutihang palad, tinanggap naman. Bale, sa ngayon, ung walang grade nalang ang pinaka problema ko. Buti nalang may excel spreadsheet ako ng mga grade sa aking computer. Kaya itinanong ko nalng kung pwede ba iyon. At sinagot naman ako ng titingnan daw muna. Okey na yon, kesa wala. Umuwi na rin ako pagkatapos ng naturang paguusap na iyon. Kinagabihan, nagpost ng status message si Papa Bear, at sa hindi inaasahang pagkakataon, mejo napalihis ang comment ko kaya pinagalitan ako through YM. Tanggap ko naman ang mga sermon at alam kong mali din ako. Sorry ulit dun sa comment ko Papa Bear.

Ika-17 ng Disyembre taon 2009
Sunod-sunod na araw na akong nagpupunta ng eskwelahan. At sa araw na ito, muli akong nagpunta sa aming eskwelahan upang muling idulog ang pagkawala ng grade ko sa isang subject na natapos ko na. Ipinakita ko na ang printed excel sheet na kopya ng mga grades ko. Tinanggap naman, at sinabi na iccheck pa rin daw. Aus lang sa akin kung iccheck, dahil natapos ko na nman yun at saka, mas ok na yung ganun kesa sa hindi ako mapasama sa tentative list ng graduating students nila. Pauwi na ako nang bigla kong naisipang itext ang aking “ex”. Parang natripan ko lang sa kadahilanang malapit na ang kaniyang kaarawan. Na nang bandang huli, at natapos sa isang kamalian. Kung anu-ano ang nasabi ko. Napunta pa sa puntong nasabi ko sa kanya ang mga nasa isip ko. Na humantong lamang sa isang pagkakamali. Sobrang nasaktan ang inyong lingkod at nawalan na din ng ganang kumain. Mga pasado alas-dos na rin nung ako ay nakatulog sa kadahilanang kinailangan ko pa ng kausap upang humupa lamang ang mga emosyong bumabalot sa akin nung mga oras na iyon. Salamat sa aking kapatid sa choir na si Elise, thanks ng madami bunso at ke Ate Clara na din na hindi ako iniwan at patuloy lang akong kinausap na kung nagkataon na nasa harap ko sya ay malamang na nabatukan na ako ng paulit-ulit hanggang sa matanggal na ang aking ulo. Maraming salamat sa inyo.

Ika-18 ng Disyembre taon 2009
Kahapon, apektado pa din ako ng mga nararamdaman ko noong pagkagising ko. Subalit katulad ng mga nakaraang pagkakataon na ganoon ang nararamdaman ko, hindi ko nalang ipinahalata. Subalit hindi ko pa din nakayang kumain, wala pa din akong gana. Umabot pa sa punto na nagiisip ako kung magpapagupit ba ako o hindi. Nasabihan din ako na EMO daw ako. Pero, sabi ko nga, hindi ako EMO (o yung tulad nung mga nagsusuot ng damit na itim at sinasabing buhay pa sila pero patay na ang puso nila), siguro emotional lang dahilan sa mga nangyari noong nakaraang gabi. Sa sobrang sama ng aking loob, hindi ko kinayang kausapin kahit ang isang A** na nasa iskul noong nakarating ako roon. Dahil baka makapagbitaw ng biro ang nasabing tao eh, hindi ako makasakay at baka makaaway ko lang din. Hanggang sa mga oras na dumating ang aking ina galing sa kanyang Christmas party ay hindi pa din ako nakain. Halos mahilo na ako subalit wala talaga akong ganang kumain. Marahil ay ito talaga ang nagiging epekto ng pagiging broken hearted J Amp! Unfair na nman.

Ika-19 ng Disyembre taon 2009
Sa araw na ito, wala namang gaanong nangyari, maliban sa pagpunta ng aking tiyuhin sa mother’s side upang kunin ang tuta na nakapangako na sa kanila. Hindi ako lumabas ng kwarto habang nandito sila sa aming bahay. Sa dahilang kung kukunin man nila ang isa sa aming mga tuta, eh, ayoko na sanang makitang kinukuha nila. Dahil baka hindi ko na ibigay o di kaya ay umiyak lang ako. Mejo ok na din ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na ganoong kasakit yung naramdaman ko noong nakalipas na dalawang araw. Saka, wala din naman akong magagawa dun. Dahil hindi ko pa inunahan yung lalaki. J Sa ngayon, mejo nagpapakasaya nalang ako sa mga pwede kong gawin. Inayos ko nalang kanina yung mga koleksyon ko. Nanood nalang ng anime. At nakipagtawanan sa mga kasama ko dito sa bahay. Napagtanto ko na wala na din akong magagawa kundi ang maging masaya. Hindi ko naman pwedeng hangarin na sumaya ako tapos ay maghirap lang ang iiwanan ng babaeng gusto kong makasama. Ayoko rin ng ganoon. At dahil sa alam kong masaya na rin sya sa piling ng lalaking iyon, wala na kong magagawa kundi ang hilingin ke Bro na sana ay sumaya sila at gumanda ang buhay nila. Sarcasm?? Oo. Pero katulad nga ng sinabi ko, wala na kong magagawa kundi ganoon ang hilingin. Bale, in the end, “UNFAIR” na naman. J

-------------------------------

Lahat naman halos sa buhay, unfair para sa tao. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ginugusto ng tao na mabuhay pa. Dahil sa excitement na hindi mo alam ang dadating o mangyayari sa buhay mo, at dahil sa challenge o pag-asa na malalampasan mo ang sakit na naramdaman mo dahil sa pagiging unfair ng buhay. Matagal ko nang alam ang mga bagay na ito. Simula noong iwan ako ng babaeng tinutukoy ko. Subalit, kahit na ganoon, tao lang din ako. Nasasaktan, nagmamahal, nagnanais na sumaya, subalit kahit ano pang gawin ko, laging may magpapakahirap para lamang pigilan na sumaya ang buhay ko. Hindi ako nagagalit sa kanila. Dahil sa totoo lang, nagpapasalamat pa ko sa kanila dahil ginagawa nilang masaya ang buhay ko. Tinatapos nila ang boredom ko dahil sa monochromatic na takbo ng buhay ko. At kahit na sabihin man o iparamdam man sa akin na unfair ang buhay. Alam ko na may pagkakataon din at oras na ako naman ang magiging masaya. At ang mga pumipigil naman sa kasiyahan ko ang luluha. Mwahahha(evil laugh)! At kapag dumating ang oras at pagkakataon na iyon, pipilitin kong samantalahin iyon. Para kapag nawala na, wala na akong pagsisisihan tulad ng ngyari sa akin maraming beses na. Para naman sa nagbabasa nito, alam nating pareho na hindi madali ang buhay. Kaya nga gumagawa ang tao ng masama para lang mapadali ito di ba? Pero imbis na umisip ka ng scam o magplano na holdapin ang bangko na malapit sa inyo, bakit hindi mo nalang isipin na darating din ang oras na para sa iyo? O di kaya ay, darating din ang panahon kung saan ikaw naman ang papanigan ng tadhana at ikaw naman ang sasaya? Kahit na sabihin mo pang matagal pa bago mangyari iyon, mas mabuti na na maghintay, kesa dumating sa punto na sa sobrang ata’t mong mangyari ang gusto mo, eh, sa kasamaan pa ang napuntahan mo. At sa ngayon, ang tanging magagawa ko nalang ay ang isipin na kahit ganito ang nangyayari sakin, may darating din na tao na makakapagpuno ng kakulangan sa buhay ko. Pero habang hindi pa nangyayari yun o hindi pa sya nadating, I will continue to expect for the worst, but hope for the best!

At dahil magpapasko na din, batiin ko lang ulit ang babaeng iyon ng isang maligayang kaarawan at maligayang pasko. Sana’y maging kumpleto ang pakiramdam mo sa espesyal na mga araw na ito.

Happy Birthday na din pala kay Bro.


AT SA INYONG LAHAT, MALIGAYANG PASKO. WAG NYONG KALIMUTAN ANG REGALO KO AH. J

No comments:

Post a Comment