Disclaimer: Ang lahat ng nakasaad, nakalagay at mababasa nyo sa entry kong ito ay pawang mga opinyon ko lamang. Hindi nito isinasama ang mga sinasabi, kuro-kuro at haka-haka ng iba pang mga dumalo sa pangyayaring ito. Muli, ito ay aking sariling opinyon lamang. Kung sakaling may gustong mag-object na tulad ni Phoenix Wright, you’re all very much welcome to do so. Now, let’s stast this entry.
November 23, 2009 (a week before the said event): Sa mga oras na ito, sa maniwala kayo o sa hindi, hindi na ako masyadong makatulog dahil sa isang napakasimpleng reson. At yun ay dahil sa ang aking isip, katawan at kaluluwa ay sabik na sa event na ppuntahan nito sa pagsapit ng ika 30 ng Nobyembre. Nakakatawa? Oo. Sa totoo lang, nakakatawa ang reaksyon ng aking katawan, isip at ng kung anu-ano pang parte ng aking pagkatao sa tuwing mayroong event na papalapit. Nakabili na din ako ng ticket at halos lahat ay plantsado na dahil sa inayos na namin ang mga dapat ayusin. Alam na din namin kung sinu-sino ang mga sasama sa event na ito. Bukod samin syempre.
November 28, 2009 (2 days nalang, Hero Nation na. Excited na ko.): “Weeee. Last 2 days ng paghihintay”, ang sabi ko sa sarili ko Habang binibilang ang mga oras na nalipas. Inip na inip na ako sa paghihintay. Pati nga sa oras ng subject ko noong araw na iyon, ang iniisip ko, yung mga ilaw, mga cosplayers at mga laruan na makikita ko sa mismong event venue. Sumali pa ko sa HTF o Hero TV Forums para lang makakuha ng mga inpormasyon na maaaring makatulong sa aming pagsagupa sa paparating na event. At dahil nasa Makati ito, malamang na mawala kami. Kaya kinukuha ko na ang lahat ng maaaring magamit na direction para lang makapunta sa event venue. Katxt ko na din ang isa pang OTAKU na tulad ko upang ikumpirma kung pupunta ba talaga sila sa event. At sinabi na din nya sakin na nakabili na sila ng ticket. Pinipilit ko na ding umabsent ang isa sa mga kabarkada at dapat na kasama ko sa event para lang makasama sya at hindi madepress dahil sa naiwan sya. Kinukumpirma ko na din ang isang “senpai” namin o isang mas nakakatanda samin na katropa din naman kung sasama ba sya sa lunes, araw ng nasabing event.
November 29, 2009 (few hours before the event): Bago manahimik ang aking bibig sa dahilang manonood nalng ako ng anime at makikinig ng anime OST, kinailangan ko pang samahan ang aking ina sa pamimili. Umalis pa kami ng bahay upang ideliver ang mga gagamiting kitchen utensils sa mga lola ko. Kinabukasan kasi ay celebration ng kapanganakan ng aking lola sa father’s side, Belated Happy Birthday Nanay. Pagkatapos ideliver ang mga epektos ay dumeretso na kami sa isang mall sa Santa Rosa (we got it all for you!) upang mamili ng giniling na karne na gagamitin para sa mga ihahandang pagkain sa nasabing selebrasyon ng kaarawan ng aking lola. Habang nasa super market ng SM, biglang may umugong na salita sa mga speaker sa loob ng pamilihan. At parang mga uto-utong bata, nagsisunuran ang mga crew o ang mga sales ladies at gentlemen ng mall ng supermarket sabay sabing “…at your service, YES!”. Madami akong ineexpect na bagay kapag nasa labas ako ng aming bahay, isa na rito ang pagsakit at pagloloko ng aking tiyan na hindi naman ako binigo. Sumakit nga ang aking tiyan at ayun nga, takbo sa cr. Buti nalang may dala akong tissue. Well on with the entry. Natapos nga ang aming pamimili at sa wakas, pauwi na. Kahit na mejo mainit, kailangan naming lumabas ng mall. Hindi naman pwedeng dun kami matulog since sigurado na huhulihin kami ng mga gwardyang nanghihipo ng puwet. Well, sa katirikan ng araw, na umabot na ata sa 30+ degrees Celsius ang init ng aspaltadong daan sa hi-way. Sobrang init na kahit umupo ka lang ng kulang isang minuto, eh, siguradong tostado hindi lang ang balat mo, kundi pati laman at kaluluwa mo. Bago umuwi, dumaan na muna kami sa mga muslim na nagtitinda ng mga kung anu-ano sa bangketa upang bumili ng isang digital player na mas orig pa ang CD-R King na nagtitinda ng mga gadgets at brands na ginawa nila. At sa wakas, nakaupo na nga din kami sa jip na ang byahe ay papunta sa barangay kung saan kami nakatira.
November 30, 2009 (1:25 am): Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng aking laptop at nagiisip ng mga dapat gawin Habang may oras pa upang hindi ako makatulog. Nang biglang magring ang YM chat window ko. Ang akin ama, tumatawag! Dali-dali akong tumakbo upang kuhanin ang headset ng pc at kausapin ang aking ama na natawag pa mula sa Qatar. Katulad ng nasabi ko sa ibang mga entry ko, OFW po ang aking ama. Tumawag sya, para pagsabihan ako na matulog daw ako. Sabi ko kasi, hindi ako matutulog dahil sasakit lang ang ulo ko kapag natulog ako dahil kailangan kong magising ng maaga at umalis din ng sobrang aga. Pinagsabihan din ako ng aking ina na kahit papaano daw eh, umidlip ako. Nasa limang minuto kaming nausap ng aking ama habang nagttype ako dahil sa may kausap ako sa YM. Bigla kong naisip na hanggang sa mga oras na ito pla, wala pa kong naihahanda upang dalhin sa event na magaganap sa makati. Kaya naghanda at nagayos na ako ng gamit. Ang aking mga dinala:
-Nintendo DS-Micro SD Memory Card (1 gb & 2 gb)
-2 ballpen
-3 Cellular Phones (Nokia N70, Motorola L7i, Nokia 3120c)
-Pair of reading glasses
-A bunch of tissue (for the expected stomachache)
-Wallet & coin purse
-Tickets (3 of them, one for SerPol, one for Jep)
-A deck of Magic the Gathering cards (Vampire deck)
Pagkatapos kong maghanda ng mga sa tingin ko ay kakailanganin ko, bumalik na ako sa harap ng aking laptop upang umidlip ng kaunti para magkaroon ng lakas para sa event (in short, sinunod ko din ang aking mga magulang, hindi ba sabi nga, parents knows best).
November 30, 2009 (3:00 am): Eksakto lang ang gising ko! Buti nalang sa sala lang ako natulog nang nakatutok ang electric fan at walang kumot at unan. Naligo na ako agad pagkagicng ko mula sa aking pag-idlip. Malamig ang tubig sa gripo kaya naginit pa ako ng tubig sa aming sumisipol na takure para lamang makapaligo. Ayoko namang umalis ng hindi naliligo. Smells fabulous ako dun pag nagkataon. Katulad ng aking inaasahan, nagising nga ang aking ina, kailangan din kasi nyang umalis ng mga ala-sais upang kunin ang karagdagang karne para sa handaan kinahapunan. At katulad din ng inaasahan, tinanong sa akin kung nakapaligo na daw ba ako, at kung umidlip daw ba ako kahit papaano. Dahil umidlip ako, taas noo kong sinabi na umidlip ako. Mga nasa 4:45 na akong nakaalis sa bahay dahil sa pag tigil ko sa pagbibihis upang umupo sa trono. Alam nyo na mahirap maging hari, kailangang umupo sa trono pag sumakit ang tiyan. Uminom na din ako ng pangontra bago umalis. Para lang safe. Nagpaalam na ako sa aking ina at tuluyan nang umalis.
November 30, 2009 (wala na sa bahay): Bumaba ako sa jip na aking nasakyan papuntang complex, nang nahalata kong mayroon van na nakaparada sa harapan ng Jabi o Jeybi sa mga slang na kabataan (Babala: huwag baligtarin ang syllables ng “Jabi” o “Jeybi”). Mejo pamilyar ang mukang nakita ko sa van nang biglang kumaway sa akin. Tama! Kakilala ko nga. Lagot ka Jepoy! DURESS ka ngayong araw na ‘to, o baka MIND SLUDGE pa. Dumating ako sa lugar ng hintayan ng pasadong 5:30, ayos lang iyon. 5 to 6 naman ang intayan eh. At hindi ako nahuli. Alam kong nauna sila Kim sa akin sa lugar ng intayan sa may eskwelahan namin. Subalit wala akong nakita sa harapan ng eskwelahan na nakapukaw ng aking atensyon. In short, wala dun ang baka. Papunta na ako sa computer shop na 24/7 na nakabukas nang biglang makita ko ang magkapatid. Nang bigla kong maalala na hindi na nga pla makakasama ang “senpai” namin. Lumitaw na ang araw, at wala pang nadag-dag sa amin kahit isa. Tinext ko na si Bibe at hindi pa din nagrereply. Mga bandang 5:47, may biglang tumigil na jip sa harapan namin. Sa wakas! Dumating din ang Bibe, habang nagsasabi na hindi daw sya nalate dahil ang usapan ay 5 to 6. Tama nga naman. Ang sumunod na dumating ay ang hindi namin inaasahang kasama. Ang isa sa 2 bago na nakasama para sa taong ito, si Kees (hindi ko alam ang tunay nyang pangalan), isa sa mga underclassman namin, na nagkataon ding ka-club namin. Pagkababa nya sa jip, ay biglang nagtxt ang Jepoy, na sinasabing nasa Balibago na daw sya at nagtxt daw sa kanya si Kees at papunta na daw. Kung alam nya lang, nauna pa sa kanya yung sinasabi nya. Sa mga oras na ito, dalawa nalang ang natitira na hinihintay namin. Si Jepoy, at si SerPol. Nakow, sino kaya ang mauuna at ang mahuhuli sa dalawang ito. Malalaman natin. Aba! Isang himala! Nauna si Jepoy. At nakashades pa. Para lang isang bulag na bubuyog na nakastripes na damit. Agad nagkatawanan ang tropa at si Bibe naman, mukang nainggit at nagaya na bumili ng shades upang itago raw ang kanyang mga mata na wala pang tulog. Miniskolan ko si SerPol sa pag-aakalang baka tulog pa. Subalit nagtxt sya at nagsabi na papunta na daw sya. Wala ding nabiling shades ang Bibe at imbes na dumiretso sa meeting place kung saan nandoon ang lahat ng kasama, umihi nalang sa Jabi. Nagtxt ang SerPol at itinatanong kung nasaan na daw kami. Pagbalik namin, ang mga sira ulo, nagmamagic na naman. Wala na atang ibang maisip na gawin. At sa wakas, umalis na din kami papunta sa event venue.
*************************
Sa mga oras na ito, nasa van na kami papuntang Makati ave., mejo naiilang c Kees at madalas na nakatingin sa may unahan ng van. Kami namang dalawa ni SerPol ay kasalukuyang naglalaro ng Phantasy Star Zero habang si Jepoy ay nagkkwento tungkol sa mga walang kabuluhang bagay at nagsisipaghagalpakan naman kami ng tawa na parang mga bagong labas lamang sa isang mental institution. Si Bibe ay parang nabaril sa duck hunt, pikit ang mga mata habang inaabot ang pangarap. Si Kim ay ganun din ang ginagawa. Nakarating na kami sa Ayala, at isa-isa nang nagsisiba-baan ang mga pasahero ni manong na hindi ko malaman kung wala na bang buhok dahil sa panot na o wala nang buhok dahil sa nagpakalbo ng skin head ang design. Sinabi namin kay manong na ibaba kami sa may sakayan papunta sa A-Hall (A-venue Hall) at ganoon naman ang ginawa ni manong. Ibinaba kami sa Makati Ave., sa may estatwa ni Sultan Kudarat daw sabi ni SerPol at itinuro sa amin kung paano pumunta ng A-venue Hall na nasa Kalayaan ave. Mahigit 10 minuto kaming nakatunganga sa kabilang kalye ng binabaan namin, tinatanaw at hinululaan kung sino ang estatwa na nakatayo doon sa may pedestrian lane umaraw man o umulan. At sa wakas, nakapag tanong din ng direksyon kung saan ang Kalayaan avenue. Napagalaman namin sa isang taong nadadaan na didiretsuhin lang pala namin yung daan kung saan kami nakaharap upang makarating sa dapat naming puntahan. Naglakad nalang kami papunta sa event venue sa kadahilanang wala kaming makitang jip na nagdadaan papunta sa nasabing lugar. Ang hindi namin alam, ito na pala ang umpisa ng isang buong araw ng lakaran. Nakarating naman kami sa event venue, maraming salamat sa taong nakakulaw yellow na nagdaan kinatatayuan namin at sa manong guard na nakatambay sa halamanan ng isang hotel doon.
*************************
Pagdating namin sa event venue, mejo pagod at pawis na kami, subalit, katulad ng mga nakaraang mga event, inaasahan na namin yun. Dahil sa mejo malayo pa ang pinanggalingan namin at malayo din ang event venue mula sa aming lugar. Mejo madami na nga din ang tao tulad ng sinabi sa akin ng nauna naming katropa doon. Lagot ka Jepoy, sabi ko naman sau, DURESS ka dito eh. Sa inaasahang pangyayari, hindi nagpansinan ang dalawang dating nagkasama sa isang relasyon, kung itinatanong ninyo kung ano ang ichura nung nauna sa amin sa venue, please refer to the picture below.
Yey Ate Rei aus ang pose mo dito ah!!
Back to the story. Inabot kami ng hanggang 10:30 sa paghihintay palang na bumukas ang pintuan ng event venue at tuluyan na kaming papasuking sa loob. Sumingit nalang din kami, salamat sa taong nasa litrato sa taas kung kaya't mejo napadali ang aming pagpila. Nakadag-dag pa sa init ng araw ang init ng ulo ng mga kasama ko dahil sa isang Naruto cosplayer na wala nang ginawa kundi ang sumabat sa kahit na anong pag-usapan namin. Kahit na balita, anime, o kalokohan. Baka nga kung sakaling nagusap kami tungkol sa mga isyu sa skul, eh, sumabat pa din yun. Amp! Isang napakalaking tinga, meaning, paningit. Upang mabawasan ang init ng aming mga ulo dahilan sa pag-iintay, pinagtripan nalang namin ang mga nakikita naming mga cosplayers. Nakita namin doon si Michael Jackson na mas muka pang isang oversized na mangongotong sa kalsada dahil sa laki ng kargada nyang tiyan. Nakita din namin doon ang isa sa mga Keldon Marauders ng Planar Chaos na kasama si Masked Rider The First na kamuka naman ng isang nagpapasanction tournament ng Magic the Gathering dito sa may sa amin. May nakita din kaming napagkamalan naming si Elgine, hindi dahil kamuka nya, kung hindi dahil sa size ng bewang nya. Peace Elgine! Nang makalipas ang konti pang minuto, sa wakas, pinapasok na din kami.
*************************
Sobrang gutom na ang nararamdaman namin bago pa man kami makapasok. At nang makalusot kami sa pagkapkap at paghalungkat ng aming mga bag ng mga gwardya na nakasuot ng itim na uniform at maaaring mapagkamalan na kasali sa Alvin Flores Gang, isang event venue na mas maliit pa sa inaasahan namin ang tumambad sa amin. Mausok at sobrang maliwanag. Ganyan ko maiddescribe ang una kong nakita noong makapasok kami sa loob. Katulad ng nakagawian, lumibot muna kami upang makita kung anu-ano ang mga nasa loob, kung anu-ano ang mga stalls, at kung mayroon ba kaming mabibili kung sakaling meron mang nagtitinda ng mga interes namin. Bilang isang toy collector, ang una kong hinanap ay ang GToys at ang WToys, dalawa sa alam kong leading toy seller dito sa Pinas. But, to my dismay, tama, wala nga sila, tulad nang sinabi sa akin sa e-mail noong naginquire ako. Ang mga kasama ko, si Kim, si Bibe, at si Jepoy, ay business as usual. Kumbaga, parang isang mall o supermarket na nagsarado ng ilang araw tapos sabik na sabik na makahawak ulit ng pera, ang pagkakaiba lang dito, hindi pera ang sabik na sabik nilang hawakan, kundi ang mga deck ng Magic the Gathering. Oo. Inuna pa nila yun kesa ang tumingin sa paligid. Hinatak nila ako upang maglaro, at wala naman akong nagawa. Pagkatapos ng dalawang laro, nagpasya ako na ayain muna sila upang kumain. Subalit wala naman akong nagustuhan, kaya sila na muna ang mga kumain. Naglibot pa kami ng mga 1 - 2 oras sa venue, sa pagaakalang mayroon pang mga ilang stalls na hindi nagbubukas noong una naming nilibot ang venue. Subalit, wala! Yun na lahat yun. Wala talagang nagbebenta ng mga laruan na gusto namin. Ang isang pinaka-nakakaagaw lang ng atensyon ay ang CSCENTRAL na halos lahat na ata ng nagiging anime or toy event sa Pinas ay present. As usual, c iyon ang pinuntirya ni Kim. Malapit na kaming umalis ng event venue nang mapansin namin ang isang booth ng Animahinasyon. Isang samahan o isang event noong mga nakaraang araw kung saan ay nagbigay sila ng seminar tungkol sa animation. Dahil walang mabili, at nakakita kami ng tshirt na maaaring maging pruweba na nagpunta kami sa event, bumili kami nila Jepoy, Bibe, at Kees ng tig-iisang tshirt. Na napagkasunduan naman naming isuot sa unang meeting ng club pagkatapos ng event na ito.
Tuluyan na nga kaming umalis sa nasabing event, sobrang disappointed kami. Bukod sa sobrang sikip ng event venue, masyado ring kakaunti ang mga nagtitinda. Pumunta lang ako dun upang bumili ng karagdagang mga laruan sa aking koleksyon. Bago umalis sa A-venue Hall, napagdesisyonan naming pumunta ng megamall para kahit papano, eh, mabawasan ang disappointment namin. Bumalik kami sa nilakaran namin kaninang papunta sa event venue. Mali din ang binigay na direksyon ni Jepoy kung kaya't bumalik pa kami ng isang ulit. Halos malibot na namin ang buong Makati. Sumakay kami ng jip papuntang MRT Buendia Station, at nakiusap kay manong driver na ibaba kami sa may sakayan ng papuntang Megamall. Tumawid kami ng kalye sa isang syudad na sibilisado. Nagmuka kaming mga unggoy na nakaalpas sa zoo dahil sa sobrang inosente namin sa lugar. Naituro kami ng napagtanungan namin kung saan ang papuntang Megamall. Sumakay daw kami umano ng MRT papuntang Ortigas Station tapos maglakad nalang kami pabalik. Lakad na naman. Bago kami makarating sa mismong platform ng MRT, napagalaman naming hindi pala marunong sumakay ng MRT o LRT si Jepoy, at isa pa, hindi din namin alam kung saang side ba ang papuntang Ortigas, sa kadahilanang wala kaming kasama na sanay sa Metro Manila at walang signboard o mapa man lang na nagsasabi kung saan sasakay ang mga tulad naming nawawala na. Buti na lang at may dalawang mag-sing-irog na nandoon upang pagtanungan namin este ko pala. Itinuro naman kami sa tamang lugar kung kaya't nakasakay kami sa tamang tren. Sa loob ng tren ng MRT na papuntang Ortigas, mejo masikip. Marahil ito ay sa kadahilanang rush hour ang oras na iyon. O baka dahil sa madami lang talgang lumayas ng kanilang mga tahanan. Lumipas ang nasa 10 minuto at sa wakas, nakita at natanaw na din namin ang Megamall. Ang problema na lang, kung saan kami bababa. Dumating kami sa istasyon, buti nalang merong napakalaking sign board doon. Kung hindi, malamang ay nakarating kami sa dulong istasyon. Bumaba kami ng tren at naglakad na naman sa isang damukal na staircase. Higit sa 30 ata ang mga hakbang na iyon. Nang makarating kami sa Megamall, sobrang mga lupaypay na kami. Sa pinagsamang init at pagod. Dumiretso agad kami sa food court na nasa ground floor ng nasabing mall. Pagkainom ko ng 3 baso ng tubig, umupo na ako kasama ang nag-alay lakad na kasamahan ko sa event. Nagsiorder sila ng mga pagkain since gutom na gutom na sila, samantalang ako, nanghingi nalang ng french fries kay Kim. Si Kim, ang kapatid nya, at si Jepoy ay sa isang sikat na fastfood bumili ng pagkain, samantalang si Kees at Bibe ay sa isang stall sa food court bumili, at si SerPol o mas kilala samin bilang si Papa Bear, ay siomai lang ang binili.
Higop pa!!!
Nguya... Nguya... Nguya...
Parang retarded lang ah...
New loveteam nga pla...
Pagkatapos kumain, nagsitayo na naman kami upang maglakad. Oo. Sandamukal na lakad lang ang ginawa namin sa araw na ito. Naglibot-libot sa Megamall, tumingin ng mga laruan sa iba't-ibang stalls at stores na matatagpuan sa mall na ito, at pumunta ng Toy Kingdom. Doon, nagmadali ako sa section na ang itinitinda nila ay Plamo o yung mga Plastic Models. Upang mapawi ang aking uhaw at pagkadismaya, binili ko agad ang dalawang Master Grade na gundam, isang Wing Zero Gundam (Endless Waltz Edition) at isang Strike Freedom Gundam. Priceless ang expression ni Kees nang makita nyang hawak ko ang dalawang gundam model na ito. Hindi ko maexplain, pero priceless.
*************************
Sa wakas, pauwi na kami. Subalit bago kami makaupo sa van, kailangan pa muli naming maglakad papunta naman sa Starmall. Sabi kasi ni Papa Bear, meron daw doong van na byaheng dretso sa Complex. Umakyat na naman kami ng san damukal na hakbang para lamang bumaba sa may bandang dulo. Pagdating namin sa terminal ng van, buti nalang at wala pang masyadong pasahero kaya't nakaupo kami ng mabilis. At mabilis din namang napuno ang van dahil sa nagsidatingan ang tao matapos kaming makaupo. Papaalis na ang van nang biglang tumugtog ang Nobody ng Wander Girls. Kaya nag "nobade, nobade bachu!~" pa kami ni Jepoy. Sa daan, tinamaan na ako ng antok, kung kaya't napaidlip ako hanggang sa pumasok na ang van sa Santa Rosa exit. Sobrang pagod, sobrang antok, sobrang init. Halos d na ko makagalaw pagdating sa bahay, subalit nakaya ko pa namang magonline hindi ko na nga lang kinaya na magpost ng entry sa blog ko. Kaya ngayon ko lang nagawa ito. Well, sa adventure na nangyari sa amin noong November 30, 2009, may mga natutunan ako. At ito ay ang mga sumusunod:
-Una, wag umasa na magbabago pa ang pagiging late ni Jepoy
-Sunod, kung hindi ka matutulog bago ang convention, magdala ka ng shades
-Wag magpapaupo ng babae sa lugar na kita sya ng isang pasaherong lalaki, mababastos lang xa
-Magtanong sa mga estatwa kung saan ang daan, tutulungan ka nila
-Magandang laro ang "Hulaan mo, pangalan ng Estatwa ko."
-Laging magdala ng reference map
-Kung kayang lakarin, wag nang magjip, sayang ang 7 pesos
-Hindi lahat ng gwardyang malalaki ang katawan ay lalaki
-Tingnan mo muna ang muka bago mo tawagin
-Si Voltron ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng 4 na Lion (courtesy of Ate Rei)
-Si Naruto ay walang kwentang kausap, lagi kasing nasabat
-Si Astroboy ay nabutas dahil sa isang mic
-Sira na ang Strike Freedom Gundam sa totoong buhay
-Ang duck hunt ay isang masayang laro
-Sunod, kung hindi ka matutulog bago ang convention, magdala ka ng shades
-Wag magpapaupo ng babae sa lugar na kita sya ng isang pasaherong lalaki, mababastos lang xa
-Magtanong sa mga estatwa kung saan ang daan, tutulungan ka nila
-Magandang laro ang "Hulaan mo, pangalan ng Estatwa ko."
-Laging magdala ng reference map
-Kung kayang lakarin, wag nang magjip, sayang ang 7 pesos
-Hindi lahat ng gwardyang malalaki ang katawan ay lalaki
-Tingnan mo muna ang muka bago mo tawagin
-Si Voltron ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng 4 na Lion (courtesy of Ate Rei)
-Si Naruto ay walang kwentang kausap, lagi kasing nasabat
-Si Astroboy ay nabutas dahil sa isang mic
-Sira na ang Strike Freedom Gundam sa totoong buhay
-Ang duck hunt ay isang masayang laro
-Hindi madaling makita ang ex mong masaya sa mas adik pa sayo (DURESS! Jepoy)
-Masayang maglaro ng chess kung kasin laki mo ang mga pyesa
-Kung pupunta ka sa Metro Manila, siguraduhin mong may isang nakakaalam ng daan
-Filipino time is always Filipino time, no matter where
-Kung toys lang ang habol mo, magpunta ka nalang sa Toy Kingdom imbes na sa Hero Convention
-Kung maninilip ka sa isang babae na naka-mini skirt, be sure na hindi xa nakashort (Malinaw ba un Papa Bear?)
-Ang hotdog ay hindi lang pula, hindi lang brown, meron ding kasing kulay ng balat ng tao
-Buhay pa si Michael Jackson
-Dadating ang araw, may tatapat na sa Haponesang Dilat band, ang Pilipinong Singkit band
-Mas ok pang nakamaskara nalang si Kamen Rider Kuuga at si Kamen Rider Ichigo
-Hindi lahat ng mataba, si Elgine
-At ang pinakaimportante, umiwas sa camera ng cellphone ni Papa Bear, lalo na pag naninilip xa
ANG KONKLUSYON
Ang mga naganap sa Hero Nation, ay isang malaking disaster. Bukod sa maliit ang venue, at kakaunting mga seller ng mga epektos, masyado ding binigyan ng management ng Hero TV ang mga supporters nila ng "something to look out for". Na sa bandang huli, ay hindi naman nila napanagutan. Masyado nilang inassume na makakayanan nung venue ang dumaraming populasyon ng OTAKU dito sa Pinas to the point na 1900+ sqm lang ang kunin nilang event venue. Masyadong nageexperiment ang management sa mga lugar na pinagdadausan ng event na ito. Sa ngayon, pinagiisipan ko pa kung pupunta pa ba ako sa susunod na Hero Convention o hindi na. Dahil sa huling dalawang Hero Convention na napuntahan ko, isa ngayon at isa last year, masasabi ko na parehong failure ang nangyari. Last year, hindi ganoong kaganda ang event venue. Although, mas ok xa kesa sa event venue ngaun. Tapos ngayon, ayon sa sources ko, nagkaubusan pa daw ata ng ticket sa kadahilanang masyadong madami ang umatend dahil one day event lang ang naganap. Masyado ring madaming butas ang security nila dahil sa madaming nagrereklamo na parang naoffend sila sa mga ginawa sa kanila. Bukod dun, hindi rin ganoong kaganda ang sound system dahil mejo sabog ang sounds. Marahil talagang masyadong enclosed lang ang lugar kaya ganoon ang nangyari sa sounds. Pero sa pananaw ko kasi, based on the conventions I've attended, hindi satisfactory para sa mga event goers na magdaos ka ng isang "One day event" na tulad nito. Or if you do have the plan to do so, be sure that everything is polished, remember, the slightest mistake can ruin the whole party. Be sure that the event venue is big enough to cater the space needed by almost 100,000 people. Since habang nagdadaan ang mga araw, dumarami ang mga nahihilig sa anime. And if you really want to make the event memorable for those who will attend it, don't settle for a one day event only, make it at least two.
Well, with all those things said, tingin ko pwede ko nang tapucn itong entry na ito, masyado na kasing mahaba eh. At masyado na ding late. Matutulog na ko. Ciao!~
Ito ang HULING convention ng Hero na ginaganap tuwing Nobyembre.
ReplyDelete