Disclaimer: The photos used in this BLOG entry is the property of their respective owners. I used them only for reference and I do not own the copyright.
This entry will be composed of two different parts... Since wala akong time na magpost ng new entry right after Christmas, eto nalng ang nakikita kong paraan para mailagay dito sa blog ko ang mga nangyari o ang mga pangyayari right after the celebration of Christmas dito sa bahay namin. Again, two entries rolled into one po ito. So, please wala pong macoconfuse ah... Ok here goes...
After Christmas
Lay-off na ulit si Santa for a whole new year
Babala: Hindi nakakapagtaka kung hindi ninyo maintindihan o hindi kayo makarelate sa mga nakalagay sa unang parteng ito. Natural lamang iyon sapagkat ito ay ang paglalahad ko sa mga nangyari sa akin at sa aking pamilya matapos ang pasko. Kung nais ninyo, maaari na kayong tumuloy agad sa ikalawang yugto. Salamat! :D
Well, katulad nga nang sinabi ko sa nauna kong post dito sa BLOG, wala nang masyadong nagyayari dito sa bahay namin pag tung-tong ng alas-dose ng hatinggabi. At dahil sa umuwi ang ninang ko noong ika-24 ng Disyembre, the next day, which is 25, nagpunta kami sa bahay nila. Hindi para mamasko ako o maningil ng utang sa mga taon na wala akong natanggap mula sa kanya. Hindi na naman ako bata ngayon no. Nagpunta kami sa kanila upang makipagchikahan ang aking ina at mangamusta na rin. Subalit, ang ineexpect kong mabilis lang na pagdalaw sa aking ninang na halos ilang taon ko na atang hindi nakikita, ay tumagal ng tumagal ng tumagal ng tuma.... zzzzzzzzzzzzzz *plok*... Ay paxenxa na nakatulog na ako... Ang haba kasi talga ng kwentuhan nila. Simula ng dumating kami sa bahay nila, at naabutan namin ang aking ninang na tulog, hanggang sa mga bago mag alas-sais na ata yon, kung hindi lamang kami pupunta sa mga lola ko sa St. Joseph 7 sa Marinig, malamang ay nag-overnight na ang aking ina sa mga ninang ko para lang makipagchikahan. Ganoon talga siguro kapag hindi kayo nagkikita ng mejo matagal ng iyong kaibigan. Pagkatapos nga naming mangamusta sa aking mga ninang, eh, nagpunta naman kami sa aking mga lola. Muli, nagkakwentuhan, at hinintay ang overseas call ng aking ama. Pagkatpos ng *same old routine*, umuwi na din kami. At dahil sa madami pang pagkain, xempre, kain na nman ako. Hehehe. Walang masyadong nangyari kinabukasan. Wala rin akong ginawa sapagkat mejo tanghali na kong nagising. Pagkagising ko naman, eh, nanood lang ako ng anime, kumain ng handa namin noong pasko, at saka umidlip ng kaunti. Nagplano din akong pumunta ng Festival Mall sa kadahilanang wala pa akong regalo sa aking ina saka sa lola ko. Actually, mejo mga 2 or 3 days bago magpasko, eh, nagpplano na akong pumunta ng Festival Mall sa Alabang. Ang kaso lang, sobrang traffic, so madalas noong mga plano na yun, nauuwi lang sa tulog. In short, hindi natutuloy. Ika-27 ng Disyembre, hanggang ngayon ay nagpaplano pa din ako kung kelan ako pupunta ng Festival Mall, buti nalang at natanong ko kay Ate Clara kung marunong xang pumili ng gamit o appliance, kaya naman, napagdesisyonan ko na sa ika-28 ng Disyembre ko itutuloy ang lakad ko. Kinabukasan, katulad ng napagkasunduan namin ni Ate Clara na tutulungan nya akong humanap ng regalo ko, mejo maaga akong ginising. Kailangan kasing gawin ang antenna ng TV namin. Or else, hindi nila mapapanood si Bro at si Santino. Matapos kong gawin at ayusin ang antenna namin, naghanda na agad akong umalis. Mga 3:15 pm na siguro nang makarating ako sa Festival Mall, pero sa kasamaang palad, wala pa si Ate Clara at nauna pa ako sa kanya. Kaya hinintay ko na lamang sya sa Wonder Toys. Xempre, ano pa ba ang gagawin ko, edi tumingin ako ng mga laruan. Matapos ang nasa 10 minuto, dumating may tumawag na lamang sa akin. Si Ate Clara, sa wakas dumating na. Hehehe. As promised, nagpatulong akong humanap ng isang Hand Mixer na regalo ko para sa aking ina at isang portable radio na regalo ko para sa aking lola. At dahil sa nagastos ko na ang iba kong pera, 3K nalang ang budget ko para sa mga regalong iyon. Na, sa awa ni Bro ay, nakakita naman. Xempre for safety reasons, hindi ko sasabihin ang price ng mga regalo ko. Top Secret kumbaga. Pagkatapos naming bumili ng mga regalo ko, sinamahan ko naman si Ate Clara na mag-grocery ng mga gagamitin nya para sa kanyang No-bake Strawberry Short-cake since wala naman akong alam sa pagluluto, wala rin akong naitulong, saka, may listahan naman sya ng mga kailangan nya, kaya hindi na talaga kailangan ang aking input. Mag aalas-siyete-imedya na nang kami ay matapos sa lahat ng bibilhin. Kung kaya't umuwi na rin ako. Mga nasa alas-nwebe imedya na siguro akong nakauwi. Buti nalang at walang traffic. Maaga pa kasi ako kinabukasan dahil sa plano ng aking ina at pinsa na magpunta sa Enchanted Kingdom. 7:30, December 29, 2009. Dahil nga sa plano nilang magpunta ng Enchanted Kingdom, kinailangan kong gumising ng maaga upang ayusin pa ang isa pang antenna ng isa pa naming TV. Grabe ang hirap ng madaming TV. Mejo pinihit ko lang ng konti at hinigpitan ang mga kawad o alambre na nakapulupot sa tubo ng antenna namin. Para lang hindi umiikot kapag humahangin ng malakas. Natapos ko rin naman ito ng mabilis kung kaya nakapahinga pa din ako. Pasado alas-diyes na nang makaalis kami sa bahay namin papuntang Enchanted Kingdom. Pagdating namin sa nasabing amusement park, waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! Bakit ganito kadami ang tao!!! Hindi kasi namin expected na maraming tao dahilan sa December 30 ang announced non-working holiday. Pero, wla din naman kaming magagawa kaya nagchaga na lamang kami. Sa pila palang sa tickets, halos kalahating-oras na kaming nakababad sa initan. Pero katulad ng sinabi ko kanina, wala na kaming magagawa doon. Nasa labas pa lamang, eh, napakarami nang mga magnanakaw... ng mata. Oo. Magnanakaw ng mata. Yung tipong mga bishoujo na naka-miniskirt o di kaya ay shorts na kita na halos ang singit. Pagpasok sa park, langya, mas dumami ang lahi nila. Sa kahit anong ride na puntahan mo, meron silang mga alagad. Waaaaaa!!! *nosebleed* Dahil sa siksikan na ang park pagdating ng mga alas-singko ng hapon, at dahil mejo pagod pa din ako, sa tingin ko, satisfied na ko. Madami na din naman akong nakita bishoujo, so, ok na ko doon. Pero, bago umuwi, humirit pa ng isang ride ang aking ina at magaling na pinsan. Sa Carousel! Akala ko, normal lang ang mangyayari. Yung tipong taas-baba lang ang mga bad*ng na kabayo sa malaking Merry-go-Round na ito. Pero ang hindi inaasahan ang nangyari. Nahilo ako. Oo. Nahilo ako sa Carousel. Hindi ako nahihilo sa Space Shuttle o sa kung saang rides na supposedly ay nakakahilo, pero sa isang ride na taas-baba lang ang mga bad*ng na kabayo at paikot-ikot lamang ang platform, dun pa ko nahilo. Halos mag-throw up ako sa hilo kahapon. Buti na lang nakauwi ako ng hindi bumibigay ang aking tiyan. At kahit hanggang ngayon, mejo hilo pa din ako. Pero busog ang mata ko. Mwahahahaha! (evil laugh)
So much for the first part of our entry, so, eto na ang second part. Enjoy!
RKS's NYR for the year 2K10
Hmm... What would the first resolution be...
Bago ko simulan ang entry na ito, ipaliwanag ko muna ang ibig sabhin ng mga abbreviation na isinama ko sa entry kong ito. Una, ang RKS, xempre, ako yun, Ran Kei Shiro po ang ibig sabihin nun. Ang NYR naman, stands for New Year's Resolution at ang 2K10 as we all know stands for 2010, since magbabagong taon na.
New Year's Resolution, as far as I can remember, ay popular na kahit noong grade 1 palang ako. Actually, baka nga popular na ito bago pa ako isilang. Pero hindi ko malalaman yun dahil sa wala pa ako nun. Pero dahil nga sa, hindi ko malaman kung joke ba o talagang kasabihan, na, "Promises are made to be broken", madalas pang nasisira ang mga pangakong ito sa sarili kesa sa ang maisakatuparan ito. Pero, dahil sa mejo magulo ang buhay at utak ko ngayon, ishare ko nalang sa inyo ang mga NYR ko para sa taong ito. Mejo matagal na din kasi akong hindi nagawa nito.
1. Ga-graduate ako kahit na anong mangyari.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga nakakabasa ng blog na ito na graduating student ako. At matapos ang mga hirap ng isang college student, ay nakasali na din ako sa graduating class para sa taong ito. Pero hindi dahil sa makakatapos na ako o nasa graduationg class na ako, eh, maaari na akong magrelax. Madaming beses ko nang ginawa iyon sa mga nakaraang taon ko sa kolehiyo. Hindi ako nagaaral, hindi nagsusulat, hindi pumapasok. Pero sa taong ito, hindi ko lang pipilitin ang sarili ko na gawin ang kabaligtaran ng mga iyon, kundi gagawin ko na talaga ang kabaligtaran ng mga iyon. Sa taong ito, kailangan at ginagawa ko nang magaral, magsulat at pumasok. At kahit anong mangyari, ggraduate ako sa darating na graduation ng school namin.
2. Maghanap ng trabaho right after I graduated.
Kung sakali, at sa totoo lang, hindi ako papayag na hindi ako makakasama sa graduating class para sa 2010, maghahanap agad ako ng trabaho pagkatapos kong makagraduate. Bukod sa ayoko nang maging pabigat sa financial terms sa pamilya ko, kailangan ko na ding paghirapan ang pera na gagamitin ko sa pagbili ng mga laruan para sa koleksyon ko. Hindi na pwedeng hanggang sa pansuporta sa mga bisyo ko, eh, hihingin ko pa din sa mga magulang ko. Tingin ko, sobra-sobrang pabigat na yung mahigit sa sampung taon nila akong sinusuportahan sa pagaaral ko.
3. Never again dwell on the past.
Dahil sa karamihan ng nakapagpagulo sa taon ito, ay galing sa mga naaalala ko sa nakaraan ko, pipilitin kong hindi na mabuhay sa nakaraan. At imbes ay mabuhay sa kasalukuyan at harapin ang hinaharap. Mabibigat na salita para sa isang taong tulad ko na mas naeenjoy pa ang nakaraan kesa sa kasalukuyan. Pero kung patuloy kong gagawin ang mga nakaugalian ko at patuloy kong iisipin ang nakaraan, hindi ako mag-ggrow bilang tao both emotionally and intellectually. Lagi lang kasi akong matatakot na harapin ang mga nasa daan ko papunta sa isang maayos na buhay na inaasam ko.
4. Mas maging maingat sa mga sasabihin.
Katulad ng ibang tao, madalas din akong makapagsalita ng mga masasakit na bagay dahil sa nararamdaman ko o kahit dahil lang sa mga akala ko ay tatanggapin bilang biro. Pero pipilitin ko na ding maging mas maingat sa mga bibitawan kong mga salita. Pero hindi ibig sabihin nito na magbabago ako o iaayon ko ang sarili ko o ang ugali ko batay sa pamantayan ng iba. Dahil sabi nga, “you can’t please everybody”, so, pagiisipan ko ang mga sasabihin ko bago ko ito sabihin, subalit kung hindi pa rin ito magustuhan ng kausap ko, tingin ko, wala na kong magagawa doon.
5. Magpaparehistro ako para makaboto sa susunod na botohan.
Dahil sa hindi pa ako rehistrado upang bumoto, wala rin akong karapatan na magreklamo sa kung paano man ang gawing palakad ng mga makakaupo sa pwesto matapos ang darating na eleksyon sa Mayo, yun ang sabi ng karamihan. Pero hindi ako naniniwala doon. Sapagkat nagbabayad din ako ng buwis na sinisingil ng gobyerno sa mga tao. Kung kaya’t hindi man ako makapagparehistro at makaboto para sa darating na botohan, sisiguraduhin kong makakaboto ako sa susunod na botohan upang madinig ang tinig ko sa kung sino ang gusto kong mamuno sa ating bayan.
6. Sisikapin kong makabalik sa choir.
Para doon sa mga hindi nakakaalam, dati po akong kasali sa choir at linggo-linggong nakanta sa parokya ni San Policarpo sa bayan ng Cabuyao, Laguna. Subalit sa dahilang ang iba kong dapat gawin tuwing araw ng linggo ay nakakaconflict sa mga gawain ko sa choir, mag-aapat na taon na po akong hindi nakakaattend o nakakasali sa choir. Pero, pipilitin kong makabalik sa choir nitong taon na ito. Hindi ko sinasabing madaling gawin o magagawa ko ito. Subalit, susubukan ko. Susubukan kong kumantang muli at maging masaya sa pagkanta. Dahil tulad nga ng sinabi ko, hindi na ko naniniwala sa relohiyon, pero naniniwala pa din ako sa Diyos. Kung tatanungin nyo kung bakit, isa lang ang sagot ko, dahil ang relihiyon ay nagbibigay lamang sa tao ng isa pang dahilan upang magka-iba-iba. Kaya’t kakanta ako sa mga misa kasama ang choir na kung saan ako ay dating kasali, hindi para sa relihiyon, kundi para sa Diyos.
Kung may mga nagtatanong sa inyo jan kung bakit wlang nakalagay dito na "Kailangang magka-GF ako sa taong ito.", ito ay dahil sa isang simpleng dahilan. Hindi hinahanap ang mga ganyan. Kusang nadating yan. Saka isa pa, hindi ako marunong manligaw at kahit na marunong man ako, hindi naman ganong kalakas ang loob ko para sumubok.
Sa ngayon, yan na muna ang mga isasama ko sa aking New Year's Resolution, bukod sa wala na akong maisip na "worth listing", eh, sa tingin ko din xe, kung dadami pa jan, baka hindi ko na magawa. Since hindi naman ganoong kadaling gawin ang mga nakalagay dito. Pero susubukan ko pa ding gawin, pwera dun s numbers 1,2, at 3. Yun kasi yung mga priority ko sa ngayon.
So, with that, I will now wrap this entry up. Have a safe New Year ahead of you guys. Ingat. At imbes na magpaputok kayo, eh, itodo nyo nalang ang mga radyo nyo. Bukod sa safe, masaya pa ang mga tugtugin. At habang nakikinig kayo, eh, basahin nyo nalang ang blog ko habang kumakain ng handa ninyo para sa bagong taon.
With that said, Happy New Year!!! Goodbye Year of the Ox!! Goodbye Year 2009!! And Hello Year of the Tiger!!! Hello Year 2010!!!
Meow...
Woooooooo!!!! TOooooooooooooooooooooooooTTTT!!! Swerte na naman ang ipinanganak sa Year of the Dragon ngayon!!! Swerte na naman ako!!! Weeeeeee!!!!