Otaku? Anu yun? Nakakain ba un? O baka naman isang damit o lugar iyon na hindi kilala ng mga tao. Ok guys. Ngayon maliliwanagan kayo, dahil mejo magpaka-anime naman tayo. Since malapit na ang mga conventions and madami na ding nagsusulputang anime related goods sa Pilipinas ngayon. At isa pa, wala din akong maisip na iblog ngayon. Kaya pag-chagaan na lang muna ito sa ngayon. Hehehe. Pero, ano nga ba talaga ang Otaku? Madaming tao ngayon ang nahuhumaling sa anime. At kasama na ako sa mga taong yun. At kung paiikliin natin. Yun! Yun mismo ang isang Otaku. Sabi nga ng isa sa mga kapanalig ko sa relihiyong ito, "we love anime, discuss anime, and share anything you wish about anime... live anime, sleep anime, read anime (manga), dream anime, wear anime, watch anime, and hear anime.. draw anime, costume playing anime, idolizing anime.. eat anime and drink anime." Yan ang madaling description ng isang Otaku. Ay kulang pa pala! Otakus also collect anime.
Kung technical naman at yung mas definitive, eto ang sabi ni kumpareng Wikipedi. Kumpare ko na din si Wikipedia, amp! Hahaha. "Otaku (おたく/オタク?) is a Japanese term used to refer to people with obsessive interests, particularly anime, manga, and video games." Yan. mas definitive nga. Sa sobrang haba, halos hindi maka 50 letters. Hehehe. Pero akalain mo yun, kasama pala ang mga mahihilig sa Bidyo Geyms (isang entry ng aking mabuting ehemplo, alam mo na kung sino yun. Hehehe.) Akala ko pa naman, adik lang ang tawag sa mga ganun, yun pala, Otaku din.
Lahat dun sa nasabi ng aking kapanalig sa relihiyong ito na ibig sabihin ng Otaku, isa na lang ata ang hindi ko nagagawa. Isa-isahin natin. Hmm..
I do love anime. Lalo na kung yung mga tungkol sa astig at magagandang design ng drawing.
We do discuss anime. Sa halos araw-araw na nasa school ako at kasama ko ang mga sira kong katropa (tuloy pati isip ko nasira na din.), halos lahat na ata ng anime na napanood namin, napagusapan na din namin.
Live anime? Hmm.. Sa bagay, tama din naman. We do live anime. Kaya nga ang tingin sa amin ng mga tao, weird. Yun kasi talaga ang pagtanggap ng mga taong hindi nakakarelate sa mga kagustuhan ng mga taong lango at ganid sa anime. Say present nalang pag isa kayo dun sa mga sinasabi ko.
Sleep anime? Hmm.. Ako aminado ako dito sa bagay na 'to. Kadalasan kasi, ang nagpapatulog sakin, anime soundtracks.
Read anime or mas ok siguro kung sabihin kong read manga, pero related pa din sa anime. Hehehe. Dahil bago maging anime, Naguumpisa muna sa pagiging manga. Naturo? Slam dunk? Ghost fighter? Lahat yan nagsimula sa manga. Hindi katulad nila sponge bob, squidwert (squidwort o kung anu man, basta alam ko puset xa, hindi ako magmumura ah. sabi ko PUSET, hindi kung anu pa man. at malamang na nagawa na xang calamares na itinitinda sa tabi-tabi at sinasawsaw sa suka) at dora the explorer at boots(ang kaunauhanang spider monkey na naglalakad ng nakabotang pula) na galing lang sa mga isip ng mga illustrator nilang mas bata pa ata sa isip ng pinsan ko ang isip.
Next please. Dream anime. Sa totoo lang, mejo madalas ding mangyari sakin ito. Yung tipong ako si Allen Walker ng D.Gray-Man o si Tsunayoshi Sawada ng Katekyo Hitman Reborn, o kung sa Pinoy dubbed anime, nagiging Reborn nalang.
Wear anime. Yey! Meron na akong isang anime related na t-shirt. Akatsuki from naruto. Gusto mong makita? Astig kasi eh. Langya, at nanginggit pa.
Watch anime. Uu. Super. To the highest level. I can spend a whole week of free time just to watch anime. Kayo na ang magcompute kung ilang oras yun. Basta per one day, up to 15 hours ko kayang nakatitig sa PC at nanonood ng anime.
Hear anime. Sabi ko nga, halos lullaby nalang para sakin ang anime OST. Na tipong kahit anong pagka-rock, kahit hard metal, basta anime OST. Kaya ng tenga ko. As long as may rhythm syempre.
Draw anime? Animators’ Club member kaya ako sa school namin. Isang club na halos mga katropa ko din ang members. Hahaha. In short, club namin. Hindi ng skul.
Costume play ng anime? Hmmm. Kung tama ako, nasa 3 years na ata kaming nagpplano na magcosplay ng anime characters pero believe me or not, kahit minsan, hindi pa natuloy. Ay teka, once pala, natuloy. Nung club registration day sa school. Pero kahit anung tingin ko, mukang tanga pa din kami nun. Hahaha.
Idolizing anime? Hmm.. Sa ngayon naman, wala pa akong inaidolize na anime character. Hindi ko naman kayang mag ray-gun na tulad ni Eugene o Yu ng Ghost Fighter o Yuyu Hakusho. Hindi din ako ganung katangkad tulad ni Hanabishi Sakuragi na kayang mag-dunk sa ring ng basketball. At lalo naman na hindi ko kayang mag X Burner dahil hindi naman ako si Tsunayoshi Sawada. Pero kahit na wala akong inaidolize, madami akong gustong anime.
Collect anime ba? Tama na ba sayo yung ganito? Click nyo para makita nyo yung full size. Ang konti no? Hehehe. Nakayabang pa. Amp! :))
And last but no the least, eat and drink anime? Hmmm. Tingin ko, lahat nman ng tao, nakakain na at nakainom ng tulad ng mga kinakain at iniinom ng nasa anime.
Ngayon, malinaw na ba sa inyo ang ibig sabihin ng otaku? Kung hindi pa, tingin ko, itry nyong pumunta sa mga conventions. Yun ay kung ganun talaga kayong kainterisado sa isang otaku. Sa November 30, 2009 merong magiging anime convention sa Makati City. Isearch nyo nalang kung saan yung convention na yun sa Makati City. Ang title nung convention ay Hero Nation 2009. O kung hindi nyo naman mahanap, manood kayo sa Hero Channel sa cable nyo. Yung channel na puro anime ata ang palabas. Kung gusto nyong makakita ng sandamukal na otaku, dun kayo magpunta. At hindi lang sandamukal ang makikita nyo, malamang na malunod pa kayo sa sobrang dami.
Sa totoo lang, wala namang masama or unique sa pagiging Otaku. Masaya lang. Una, kasi, masayang manood at mamuhay ng parang anime character lang. Yung tipong ang tingin mo sa sarili mo, parang nalalaglag yung mga bulaklak ng Cherry Blossoms sa kalye habang naglalakad ka o habang papasakay ka ng jip pauwi sa bahay nyo. Pangalawa, pag tinanong ka ng pdeng saguting ng yes or no, pwede mong sagutin ng “Hai!” o “Nai!”, ”iie” yun ay kung isang otaku din ang kausap mo. Kung fluent ka sa Nihonggo, pwede kayong mag-usap na gamit ang Nihonggo pag may natripan kang babae sa jip. Pag gusto mong magpaintay sa kasama mong otaku, pwede mong sabihing “Matte!” imbes na wait o intay. Pag gusto mong sabihing tanga, imbes na tanga o stupid, “Baka” nalang ang sasabhin mo. Mejo maganda nga namang pakinggan.
Otaku din ang nagpasimula nung fashion ng buhok na tinatawag ngayon na Emo fashion. Hindi kayo makapaniwala? Isearch nyo si Trowa Barton ng Gundam Wing sa images ng mga internet search engines. At pagkatapos nun, isearch nyo ang year kung kelan inilabas ang Gundam Wing. Para maniwala kayo na nauna ang fashion statement ni Trowa Barton kesa sa mga Emo-ng ngayon.
Sa makatuwid, kahit hindi animin ng maraming tao na ang turing sa mga Otaku ay "one weird race of human", madaming naging impluwensya ang mga otaku sa mundong ito. Lalo na sa fashion world. Siguro naman ngayon alam nyo na kung ano ang otaku, tama ba? Kung hindi pa din, isearch nyo nalang yung mga karagdagang information tungkol sa dumadaming lahing ito ng tao. Masyado na kasing mahaba ang entry na ito eh. Saka, manonood pa din ako ng anime. Hehehe. Goodluck sa paghahanap. Ciao!~
At nga pala, I'm very proud to be of this race. Mwahaha. Weirdos o unique para sa iba, masaya para sa amin.