DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro

Friday, November 6, 2009

Dream vs. Reality

Wala na nman akong magawa. Isang araw na naman ang lumipas na nakatunganga lang ako sa harapan ng aking laptop na mag tatatlong araw nang bukas. Sa mga oras na ito, ang time counter sa internet connection ng laptop ko ay 2 days 22 hours 52 minutes 06 seconds. Sa mga panahong ito, since bukas ay may klase na ko, nagpapahinga ako. At dahil sa simula pa nung linggo ay masama na ang pakiramdam ko, hindi pa ko naliligo simula noon. Sa totoo lang, pati ako nababahuan na sa sarili ko ngaun.

Dapat, ang post na ito ay noong isang linggo pa nakapost. Pero dahil nga sa masama ang pakiramdam ko sa mga nagdaang mga araw. Ngayon ko lang nagawa ito. Nagpapainit pa ako ng tubig para lang makapaligo ngayon. Hahaha. Nonsense words. Wala lang akong masabi. Hahaha. Pero mamaya pagkatapos kong maligo, I will be posting relevant words. Xempre relevant dun sa topic title natin. Ay sandali nga pala. Bago ma-misinterpret nung mga babasa nito, ipaliwanag ko lang. Oo nasa tatlong araw na akong hindi naliligo (dahil nga sa masama ang pakiramdam ko) pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako naglilinis ng katawan ah.

Well, enough with the useless words and on with the post. Tapos na din akong maligo eh. Hahaha.



Well hindi lang nman dito sa Pinas naririnig yung gesture na "reality bites" di ba? And I know most of those who will be reading this post know that this gesture is beyond true. It really happens in our lives. Lahat na ata ng tao, kahit bata, nakagat na nyang lenchak na "reality" na yan. Kaya nga ba ang daming nalilihis ng daan eh. Na imbes na sa reyalidad mabuhay, mas pinipili pa nilang sa pangarap nalng maglagi ang mga isip nila. Lalo na yung mga nasaktan ng sobra-sobra. Kumbaga, parang defense mechanism ng mga utak nila yun. At kung tama ako, ang tawag dun scientifically ay withdrawal. To make long things short, those who experience it refuses to believe things that are almost at their line of eyesight. Mas gusto nilang paniwalaan yung mga bagay na ang akala nila ay tama. I for one experience that. Pero dating-dati pa yun. Saka hindi ganung katodo yung withdrawal na nangyari sakin. Kaya hindi din masyadong halata.

Well, we know what dream is naman. So I think wala nang masyadong dapat ipaliwanag about dun. Pero aminin man natin o hindi. Once in our life, inisip nating mabuhay sa pangarap. Makuha yung dream job natin, makilala yung dream girl/guy. Makalipad. Maging super hero. Maging isa sa Maskman o maging si Ultraman. Minsan, kung otaku ka (kung anu un? Click here), pinapangarap mong kasama ka dun sa paborito mong anime. Matapos ang buhay mo ng katulad ng kung pano natatapos ang mga anime na pinapanood mo, makasakay sa isang Gundam o di kaya naman, magkaroon ka ng mga kapangyarihan tulad ni Lelouch ng Code Geass o ni Yuuji ng Shakugan no Shana.

Pero sa totoo lang. Kahit ano pang gawin natin, reality is indeed reality and dreams are indeed dreams. Kahit ano pang gawin natin, hindi natin mapagpapalit yung dalawang yun. Oo. Reality bites, and truth hurts. Masaya nga ang managinip. Masarap ang pakiramdam. Pero, di ba mas ok kung sa reyalidad ka mabuhay. At malaman mo ang mga tama at mali sa mga ginagawa mo. Kesa sa nabuhay ka nga sa panaginip mo. Masaya nga, masarap sa pakiramdam, pero hindi mo nman alam kung ano ang totoo sa hindi.

In a way, merong advantage ang panaginip kesa sa reality. Pero, katulad nga ng sinabi ko kanina, dreams are only supposed to be dreams. And reality is reality. Pagbali-baligtarin mo man ang dalawang ito, walang mararating. Mawawala ka lang sa tamang landas mo sa buhay. Ok lang na gawing inspirasyon ang mga panaginip o ang mga pangarap sa buhay. Pero hindi tamang maubos ang oras mo sa buhay ng dahil lang sa panaginip o sa pangarap mo. Hindi tamang mabuhay ang isang tao sa reyalidad ng sarili nyang pangarap o panaginip.

Siguro nga, tao lang tayo kaya nangyayari yung mga ganung bagay. Pero kahit na ganoon ang nangyayari sa buhay ng isang tao. Alalahanin natin na madaming nakasuporta satin. Nanjan ang mga kaibigan at ang mga magulang natin. Kung sa tingin man natin na iniwan na tayo ng lahat. Hangga't hindi nating iniiwan ang sarili natin, hindi pa rin natin masasabing nagiisa tayo. At mahirap mang hindi umasa sa pangarap at panaginip, sa tingin ko, mas ayos na na mahirapan tayo dahil sa hindi pag-asa kesa sa umasa nga tayo pero masasaktan din tayo sa bandang huli.

Pagpaxenxahan nyo na kung medyo magulo ang post kong ito. Wala pa sa tama ang takbo ng utak ko eh. Hehehe.

Pero kung ikaw ang papipiliin, between Dream vs. Reality, would it be dream? Or would it be reality? But, may it be dream or reality, don't forget that no matter what hardship(s) life may bring, laging merong taong handang umalalay sa atin. So, until then....

Ciao!~

No comments:

Post a Comment