Babala: Ang mga susunod ninyong mababasa ditto ay ginaya ko lang sa ehemplo ko sa pagbaBLOG. Kahit na ito’y sarili kong mga tanong, ang format ay gaya lang. Sabihin nyo man na wala akong originality, wala na kong magagawa dun. Ayaw gumana ng utak ko ngayon kaya nanggagaya nalang ako ng format ng entry. Papa bear, eram muna nung interview format mo ah.
Ang mga susunod nyong matutunghayan ay pawang mga akda lamang ng aking isip na ayaw gumana para makapag post ako ng isang matinong entry sa blog na ito. Habang maaga pa, maari nyong pindutin ang “BACK” button para bumalik sa unang web site na pinuntahan nyo bago ito. Pero kung gusto nyong ipagpatuloy, ayos lang, “YOU’VE BEEN WARNED”. At pakiusap, hwag po kayong umasa na may mga matutunghayan kayong mga kalokohan dito, wala po ako sa tamang wavelength ng pagiisip kung kaya malamang na wala din akong mabitawan na jokes dito.
_________________________________________
Interbyuwer: Magandang madaling araw sa inyong lahat. Sa wakas, may bago na po tayong guest na nakaupo sa ating “SIZZLING” hot seat upang gisahin sa kanyang sariling mantika. Everybody, please a give a BIG HAND to Ran Kei Shiroe.
Ran Kei Shiroe: Uhm… Eow!
I: Kamusta ka naman ngayon?
RKS: Mabuti naman po. Ikaw kamusta ka naman?
I: Mabuti din naman ako. Bago natin umpisahan ang pagtatanong, may gusto ka bang sabihin sa iyong mga tagasubaybay?
RKS: Uhm… *ting!* Ahh oo. Mayroon akong gustong sabihin. Sa mga nagvview sa aking BLOG, maraming salamat. Dahil sa inyong tulong, umabot na po ng mahigit sa 360 ang views sa aking personal BLOG, muli, maraming salamat.
I: Maaari na ba nating umpisahan ang pagtatanong?
RKS: Sige po. Ano po ba ang mga itatanong ninyo? Kung math po kasi, aalis nalang ako.
I: Hahahaha. Nagpapatawa ka ba iho? Kasi sa totoo lang, ang corny ng joke mo. Wala ka na bang ibang baon na joke jan? Well, sige umpisahan na natin. Unang tanong, bakit mo naisipang magBLOG?
RKS: Sa totoo lang po, matagal na akong nagsusulat ng kung anu-ano. Minsan kanta, minsan kwento at madalas mga tula. Upang sagutin ang inyong tanong, nagBLOG po ako hindi para patamaan ang mga kinaiinisan kong mga tao. Kung hindi, upang mahasa ang aking kakayahan sa pagsusulat (o pagttype) at maipakita sa mundo kung ano ang kaya ko.
I: *Aba mukang seryosong kausap itong taong ito.* So, kung ganoon ang iyong intension, hindi ba dapat sumali ka o nagapply ka nalang sa isang peryodiko o di kaya’y sumali ka nalang sa inyong school paper?
RKS: Sa totoo lang po, dati nga akong kasali sa school paper namin, subalit hindi rin ako naging ganoong kaaktibo. Dahil hindi rin naman inilalabas o iniimprenta sa school paper namin dati ang mga saloobin ng mga estudyante na tulad ko.
I: Ahh… Kaya ka sa internet nalang nagpakalat ng iyong mga akda? Ganoon ba?
RKS: Opo. Ganoon na nga.
I: Nabasa ko ang iyong mga entry sa blog, at sa aking pananaw, mayroong pagkakatulad ito sa format ng mga entry ng isang blogger din na itago nalang natin sa pangalang P. MORADA, ano ang masasabi mo dito?
RKS: Ah, isa din po pala kayo sa mga follower ng aking BLOG. Maraming salamat din po. Tungkol dun sa pagkakatulad namin ng format. Hindi ko po itatanggi na may pagkakahawig nga. Siya po kasi ang aking ehemplo. Masama man o mabuti, ehemplo ko pa din siya. Naging guro ko po kasi siya sa isa sa aking mga subject kaya mejo nakuha ko din yung ibang traits nya. At salamat po sa paghahambing. Marahil ay mukang plagiarism ang ginagawa ko, subalit, may mga parte din po ng aking mga post sa BLOG na sariling akin ang format.
I: Walang ano man. Magaganda naman ang mga entry mo. Ayon sa isang entry sa BLOG mo, self proclaimed OTAKU ka? Tama ba?
RKS: Opo.
I: Kung tama ang natatandaan ko, ang ibig sabihin ng OTAKU ay isang taong addicted sa mga computer games, anime, at manga o yung mga Japanese comics. Ngayon ang tanong. Bakit ka interisado sa mga ganitong bagay? Are you trying to escape reality?
RKS: Yes. Otaku po ako. At no. I am not trying to escape reality. Dahil sa totoo lang po, kahit mabuhay man ako sa mundo na puro anime, sa tingin ko hindi ako sasaya. Interisado ako sa mga ganitong bagay dahil sa masaya itong panoorin. Kumbaga, anything is possible po kasi sa mundo ng anime. Pwede kang lumipad, magkaroon ng kapangyarihan at ng kung anu-ano pa.
I: Yes, we are well aware na kahit ano, maaari sa mundo ng cartoons. Pero ano naman ang mga naidudulot nito sayo at sa personal mong buhay?
RKS: Let me just correct you po. Anime isn’t a cartoon. A cartoon is a term used for those moving illustrations on TV na gawa ng western culture. While anime, is a culture itself. It portraits not only the feelings of those who created it but also the soul of the characters itself. It also portraits life. About po dun sa kung ano ang nagagawa nito sa buhay ko, marami na po. Hindi ko na kayang isa-isahin sa dami.
I: Ah, ok. Sorry about the misunderstanding, ngayon alam ko na kung ano ang pagkakaiba ng anime sa cartoons. *Sobrang seryoso naman nito.* Sabi mo, marami nang naidulot ang panonood mo ng anime sa buhay mo, kung maaari at may pipiliin kang isang factor na nagawa ng anime sa iyo, ano ito at bakit?
RKS: Isang factor. Hmmm. Ah! Siguro po, ang pipiliin ko ay yung phases of life.
I: Maaari bang i-elaborate mo? Hindi kasi namin maintindihan eh.
RKS: Ok po. Ang ibig ko pong sabihin sa phases of life, ay yung mga nararanasan ng isang tao sa buhay nya. Katulad po ng sinabi ko kanina, anime portraits life. Sa anime, siguro nga maaari kang sumakay sa mga naglalakihang robot at lumipad o magkaroon ng kapangyarihan. Pero hindi po nawawala sa anime ang pag-tackle sa mga pangyayari sa buhay. Katulad ng kalungkutan, saya at kung anu-ano pang nararanasan natin sa totoong buhay.
I: Ah. Ngayon naiintindihan ko na. Ayon sa aming nakalap na mga information, isa ka din daw toy collector?
RKS: Opo. Isa din akong gamer.
I: Ah. So, lahat pala ng classification ng isang OTAKU, kasama ka? Anu-ano naman ang mga kinokolekta mong laruan?
RKS: Hmm. Marami po, pero mainly, Gundams o yung mga robot. At mga anime characters na nasa nagustuhan kong anime.
I: So, ilang taon ka nang nangongolekta? Anime figures lang ba ang kinokolekta mo?
RKS: Simula po 6 or 7 years old palang ako, humaling na ko sa mga laruan. Lalo na kung mga robots. Pero 9 years old na po ako nung magumpisa akong magisip na mangolekta. Pero sa kasamaang palad, naituloy ko nalang po nung nag-college na ko. At hindi po anime figures lang ang kinokolekta ko, nangongolekta din ako ng mga figures ng Power Rangers at Masked Riders.
I: Bakit naman ang tagal ng gap?
RKS: Hindi po kasi kaya ng pera ko noong bata pa lang ako. Kaya medyo nagkagap sa pangongolekta ko ng laruan.
I: Hindi ba nag-iisang anak ka lang? At ayon dito sa information namin tungkol sayo, OFW ang iyong ama at isang Guro naman ang iyong ina. Hindi ka ba nahingi ng pera pambili ng mga laruan noong bata ka upang makabili ng mga gusto mong laruan?
RKS: Opo, nag-iisang anak lang ako. At opo, isang OFW at isang Guro ang aking mga magulang. Sa totoo lang, nahingi din ako dati, pero alam naman natin ang hirap ng buhay sa ngayon di ba? Kung kaya’t imbes na humingi ako ng pambili ng mga laruan noong mga panahong iyon, nagsikap nalang po akong magipon galing sa aking baon pag may pasok ako sa eskwelahan. Hanggang sa makabili ako ng mga gusto kong laruan.
I: Ibig sabihin ba nito ay hindi ka sinusuportahan ng iyong mga magulang sa iyong mga gustong bilin?
RKS: Sinusuportahan po nila ako. Pero hindi kami mayaman, hindi rin naman dahil sa parehong may trabaho ang mga magulang ko, pwede ko nang hingiin ang lahat ng gusto ko. Minsan, nahingi po ako ng pera pambili ng gusto ko, pero hangga’t maaari, gusto kong mabili yung mga laruan na magiging parte ng aking koleksyon mula sa sarili kong sikap.
I: So, kaya ka laging nagiipon dahil sa ayaw mong pati yung pagkokoleksyon mo eh, problemahin o maisama pa sa budget na para sa pamilya nyo?
RKS: Opo, ganoon na nga. Hindi po kasi kami ganoong kadaling dumating sa ganitong punto ng buhay na masasarap na ang nakahain sa hapag kainan namin. Dumaan din kami sa punto ng buhay na kinailangan pang magsakripisyo ng aking mga magulang para lamang mapagaral ako. Siguro lahat naman ng magulang ganoon ang gagawin para sa kanilang anak. Subalit mahirap mang paniwalaan, bago kami makarating sa ganito, dumanas muna ng hirap ang aking ina sa Hong Kong at tinanggap ng aking mga magulang na magkalayo sila para lang mapaganda ang buhay namin. Hindi ordinaryo o extra-ordinaryo ang kwento ng buhay ng pamilya ko, pero isa lang ang masasabi ko, kahit na ganoon ang nangyari, masaya ako dahil napabilang ako sa pamilya ko.
I: Ok. Bago tayo magtapos at magkaiyakan, ano ang masasabi mo sa mga bata ngayon na sinisira lang ang kanilang mga laruan at ginagastos lamang ang kanilang mga baon sa pag-susugal na nahahantong kadalasan sa kasiraan ng kanilang mga buhay?
RKS: Maraming bata ngayon ang wala kahit isang laruan. Sa panahon ngayon, maswerte ka na kung makahawak ka pa ng laruan sa pagkabata mo. Dahil sa hirap ng buhay, kahit mga batang nasa 7 taon pa lamang, eh, nagtatrabaho na. Para naman sa mga batang nahuhumaling sa sugal, maniwala man kayo o sa hindi, dumaan din ako sa ganyan. Subalit naalis ko din sa sarili ko. Walang magandang maidudulot ang pagsusugal o kahit ang pagpapakalasing at paninigarilyo sa buhay nyo. Habang maaga pa, iwasan nyo na at baguhin nyo ang nakasanayan nyo.
I: I totally agree with you on that. Lahat naman talaga tayo nadating sa ganyang phase ng buhay. Lalo na ang mga lalaki. Para naman sa mga gustong magumpisa ng koleksyon, ano ang masasabi mo sa kanila?
RKS: Hindi ganoong kadaling magsimula ng koleksyon. Sobrang gastos. Pero ito lang ang tatandaan nyo, kahit na husgahan pa kayo ng ibang tao, hangga’t walang mali sa ginagawa nyo, wag kayong mahihiya. At kung mayroon kayong gustong isang bagay na hindi kayang ibigay ng mga magulang nyo, wag kayong mainis o magalit sa kanila. Imbes, pagipunan nyo yung bagay na yun. Bilhin nyo sa pera na galing sa pagsisikap nyo, kahit pa sabihin na inipon nyo lang yung pera na yun mula sa baon o pocket money na ibinibigay sa inyo ng mga magulang nyo kapag may pasok kayo sa eskwelahan. Pero bago kayo bumili, isipin nyo din ng mabuti kung gusto mo ba talaga iyong bagay na yun. At kung kailangan mo ba talaga.
I: Hindi ako masyadong agree sa sinabi mo, pero wala naman akong nakikitang mali kasi pinagsikapan mo din namang maipon yung baon mo. To the point na hindi ka na nakain ng snacks sa school para lang mabili yung gusto mo.
RKS: Yun po yung point.
I: Last question, seryosong tao ka ba talaga by nature?
RKS: Hindi naman po, nagkataon lang na wala sa tamang direksyon ang utak ko upang magbato ng mga jokes sa mga panahong ito.
I: Ok, last but not the least, can we have a parting message?
RKS: Mejo mahaba na po yung mga nasabi ko, pero, may sasabihin pa ako. Kung ihahambing ang buhay sa isang bagay, siguro, pinaka-maganda nang ihambing ito sa isang anime. Hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo, and definitely hindi lahat ng bagay na mangyayari, aayon sa mga kailangan mo, pero everything has its own purpose. Hindi man natin alam kung ano iyon, may ibang nakakaalam kung para saan ang mga nangyayari sa buhay natin. And isa pa nga pla, sa November 30, 2009, nasa A-venue Mall ako, attending Hero Nation 2009 Anime Convention. See you there!
I: Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng mga insight mo sa amin, ngayon mas maayos na ang pananaw ko tungkol sa Anime at medyo naiintindihan ko na din ang mga tumatakbo sa isip mo habang ginagawa mo ang mga entry mo sa blog. Ipagpatuloy mo lang ang pagbBLOG and good luck sa career mo in the near future.
RKS: Thank you po.
I: Walang ano man. And with that said, Ran Kei Shiroe everyone, again, let's give him a big round of applause.