DISCLAIMER

Some pictures used in this BLOG are registered to their own respective institution. I, the BLOG owner, only used the images as reference pictures to further improve the entry where the respective images are being used.

-Ran Kei Shiro
Showing posts with label eleksyon. Show all posts
Showing posts with label eleksyon. Show all posts

Sunday, May 9, 2010

Eleksyon 2010: Aftermath







“Anong magagawa mo para sa bansa natin kung sakaling ikaw ang mahalal sa pwestong kinakandidatuhan mo?”

Ito ang madalas na naririnig nating tanong noong nakaraang dalawang bwan. Madaming kumandidato, madami ring natalo, at sigurado, mas marami ang magrereklamo na nadaya daw umano sila ng mga nanalong katunggali nila sa posisyon na minimithi nila. Pero, ano ba talaga ang magiging epekto ng eleksyong ito na hindi naging epekto ng ibang nakaraan nang eleksyon sa ating bansa?

Sa eleksyon ngayon, napakarami ang nabago, at subalit mayroon pa ring mga bagay na hindi nabago, at kahit kailang siguro, hindi na rin mababago. Maraming nagmimithi, maraming nagtatraydor, marami ring nasasaktan dahil sa eleksyon. Sa totoo lang, unang-una na sa mga pagbabagong ito ang gagawing paghahalal sa taong ito. Hindi na pagsusulat at pagbabasa ang paraan ng pagboto ngayon, sabi nga “itiman ang bilog na hugis itlog” na nasa tapat ng pangalan ng kandidatong gusto mong iboto. Hindi narin sulat at sandamak-mak na bilangan ang gagawin ngayon upang malaman kung sino ang nanalong kandidato. Ipapasok nalang kasi sa isang makina na tinatawag na PCOS machine ang papel na kung tawagin ay election ballots. Hindi katulad dati, iba na kasi ngayon ang balota na gagamitin ng mga boboto, bukod sa sobrang haba, computerized na din ito, o yung tinatawag na hard copy o printed out. Hindi na rin magsusulat ng pangalan ang mga boboto, katulad ng sabi ko kanina, iitiman na lamang. Dahil sa mga pagbabagong ito, kahit papano, medyo napigilan ng kaunti ang pandaraya, subalit mayroon pa ding mga taong gagawin ang lahat upang makuha lamang nila ang posisyon na gusto nila. Sa totoo lang, isa ako sa mga tutol sa automation ng eleksyon. Unang una nang dahilan ko, ang masyadong pagmamadali ng gobyerno na magawa ito. Subalit, bilang isang mamamayan lamang, hindi ko ito naipaabot sa nasa itaas. At kahit na maipaabot ko man ito, alam kong wala ring mangyayari, dahil sa bansang tulad nito, mas madalas na pinapaboran ang may kaya at may kapangyarihan. Maliban sa mga nabanggit ko na sa itaas, napakaraming dulot na hindi maganda ang eleksyong ito sa paligid. Dahil sa bago na rin ang teknolohiya ng pangangampanya, gumagamit na rin ng printed plastics at tarpaulin ang mga kandidato ngayon, na magreresulta sa dag-dag na kalat o basura na hindi nabubulok. Mabuti sana kung nirerecycle nung mga nagpagawa, ang kaso, tambak dito, tambak doon o ang mas malala, sinusunog pa nila para lamang mapaunti ang mga kalat nila. Hindi lamang sa kapaligiran mayroong dulot na hirap ang naging eleksyon na ito. Bukod kasi sa mayroon pa ding mga bumibili ng boto, naroon pa rin ang mga taong nagbebenta ng boto, naging hi-tech nga ang paraan ng pagboto at pagbibilang ng boto, hanggang ngayon, meron pad ding mga tinatawag na flying voters. Sa totoo lang, napakalaking dagok nito sa ekonomiya at sa face-value ika nga ng Pinas kung sakaling papalpak ang eleksyong ito. Bukod sa hindi lang mga Pinoy ang nakatutok sa mga nangyayari, napakarami ring ibang bansa ang nag-iisip at nagtatanong kung ano nga ba ang mangyayari o ano nga ba ang inaasahan ng tao na mangyari pagkatapos ng eleksyong ito. Maaari itong makaganda, subalit maaari ring makapangit lalo sa emahe ng ating bansa.

Bawat isa sa mga nakandidato bilang presidente o kahit sa pinakamababang posisyon lamang sa gobyerno, nangangako sa mga mamamayan ng isang buhay na mas magaan kaysa sa naranasan nila sa nakaraang administrasyon. Halimbawa, may mga politikong nangangako ng mas maraming trabaho, dahil sa nakita nilang kakaunti lamang ang trabahong naibigay ng administrasyong gusto nilang palitan. Mayroon ding mga nangangako ng bahay, mas pinagandang pagtuon ng pansin sa kalusugan, sa edukasyon, sa seguridad ng mamamayan at kung anu-ano pa. Subalit, mas madalas pa itong hindi naririnig kaysa nakikita. Ang ibig kong sabihin, mas madalas pa itong ipinapangako, kaysa nagagawa. Hindi na lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na marami pa ding mga lugar sa Pinas ang walang kuryente. Meron pa ring mga lugar na maikli ang road network o ang kalsada. At sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng panganib na dulot ng mga rebeldeng grupo para sa mga kabataan na nakatira sa lugar kung saan sila nagkukuta? Ang mga problemang ito ay konti lamang sa mga problemang sa tingin ko ay kailangang unahin ng mga uupo sa pwesto kaysa sa sarili nilang bulsa. Ang mga problemang ito, kung masososlusyonan nila, ay siguradong magtatak sa isip ng tao kung gaano sila kagaling bilang president, o gobernador, o mayor, o kapitan. Kung tinatanong ninyo kung paano ko nasabi na ito ang mga pinaka-problema ng ating bansa, ito ay dahil sa napanood kong documentary. Hindi ko na sasabihin kung saan ko nakita o napanood. Pero, hayaan nyo akong isa-isahing ipaliwanag kung bakit ito ang nasabi kong mga problema na dapat pagtuunan ng pansin ng mga maluluklok sa pwesto bago ang kanilang sariling interes.

Konkretong Kalsada
Lingid sa kaalaman ng mga nasa patag, o yung mga nasa syudad, mayroon pa rin palang mga lugar sa ating bansa ang mayroong napakaikli o halos walang konkretong kalsada. Dahil sa hirap ng pagbyahe dulot ng mapuputik at bakubakong daan, madalas, ang simpleng pagbili lamang ng gamot, ay kailangan pang ibyahe ng mahigit sa limang oras. Ang ambulansya na dapat ay nasa ospital na ng kulang tatlumpung minuto, patay na ang pasyente bago pa makarating sa pinakamalapit na ospital. Sa totoo lang, sangayon ako sa sinabi ng reporter na tumutukoy sa problemang ito sa documentary na napanood ko. Ang problema kasi sa daan, sa lumaon, nagkakaroon ng sanga papunta sa problema sa kalusugan, problema sa edukasyon, at problema sa pinansyal. Dahil imbes na isang oras ka lang magbabyahe papunta sa ospital o sa high school o kahit para lang mag-benta ng iyong mga kalakal, kinukulang pa ang kahit limang oras para lamang magawa ito, na nagreresulta rin kinalaunan sa kahirapan at sa pagiging mang-mang ng mga tao na nabibilang sa mga parte ng Pilipinas na walang matinong kalsada.

Pagkain
Angpagkain ay isa sa mga nesesidad ng tao sa buhay. Pero, alam natin na marami pa ring mga tao sa iba’t-ibang panig ng bansa ang nagugutom dahilan sa hindi sila napagtutuunan ng pansin ng gobyerno. Ang iba, nasanay nang mais at kamote na inaani nila ang pangtawid gutom. Ang iba, kahit na mismong pagkaing itinapon na ng mga mayayamang mapagaksaya, kinukuha nila para lamang maitawid sa gutom ang mga kumakalam nilang sikmura. Minsan, mas gusto pa nilang magnakaw at mahuli, kesa sa magutom, sabagay, aanhin mo ba ang kalayaan kung mamamatay ka naman sa gutom. Minsan, mayroon na rin sigurong nakakapagsabi na “mabuti pa sa kulungan, hindi ka nga malaya, hindi ka rin naman gutom”. Kung titingnan, kahit mga tao sa kapatagan, minsan, ay talagang nagugutom din. Pero, mas madalas ito ay dahil sa kanilang sariling kawalan ng pagsisikap. Subalit, ang mga tao sa mga liblib na lugar, kahit na magsikap pa, mas madalas pa ding walang kinakain kaysa dun sa mga tamad na nasa patag. Ang sabi nga dun sa napanood ko, dalawang libong piso lamang ang kinikita nung pamilya na nainterview sa BUONG TAON,o anim na piso kada araw. Kung iisipin, paano mo mapagkakasya ang anim na piso sa pagkain kada araw. Kaya ang mga anak ng nasabing pamilya ay lumaki na na ang kinakain sa pang-araw-araw ay mais o di kaya’y kamote na inaani ng kanilang ama upang itawid sila sa gutom. Sa mga uupo sa posisyon ngayong eleksyon ito, hindi man ganoong kalaking kahirapan ang pagkain para sa kanila, sana’y mapagtuunan naman ng pansin ang mga pamilyang nagsisikap subalit nagugutom pa rin.

Tubig
Isa pa ito sa mga pinaka-kailangang bagay ng isang tao upang mabuhay. Pero ano nga ba ang gagawin mo kung mismong tubig na malinis upang inumin, wala ka? Anong gagawin mo kung ang tubig na malinis ay nagmimistulang luho na para sa isang barangay, o kahit para sa isang pamayanan? Kung sakaling natatawa ka sa binabasa mo ngayon, ako na ang nagsasabi, hindi ito katatawanan. Dahil, hanggang ngayon, mayroon pa ring mga lugar sa Pinas na walang malinis na tubig para inumin. Yung tipong tubig na dinumihan nila, tubig na inihian nila, ay ang tubig din na iikot sa kanilang mga poso upang kanilang inumin. Mahirap paniwalaan kung hindi mo makikita. Pero mahirap ding tanggapin kapag nakita mo na. Dahil, may mga taong nagpapakapal ng kanilang mga wallet sa pagsasabing gumagawa sila ng paraan upang bigyan ng mabuting buhay ang kanilang mga nasasakupan, tapos, makikita mong may mga ganitong pamayanan pa rin pala na kahit malinis na tubig lamang ay wala. Ano nga ba ang magiging dulot sa kanila ng eleksyong ito? Siguro, kahit na sinong mapaupo sa pwesto, wala pa ring magbabago, pero umaasa ako n asana, mayroong gawin, hindi magawa, kundi gawin ang gobyerno para mabigyan sila ng malinis na tubig, kahit lamang para sa kanilang inumin.

Kalusugan at medikal
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong mayroong lugar dito sa Pilipinas na ang doktor ay kailangang maglakad ng higit sa tatlong oras at sumusweldo ng kalahati sa dapat nilang sweldo para lamang makapagcheck-up ng mga may sakit sa isang lugar? Siguro, yung iba sa inyo maniniwala, subalit mayroon pa ring mga hindi. Ang problemang medikal ay isa sa mga pinakamailap o pinakamahirap solusyunan dito sa ating bansa. Bukod kasi sa may mga kapatid tayong hindi naniniwala sa makabagong paraan ng panggagamot, mayroon ding mga lugar na sa sobrang liblib, kailangan pang magbyahe ng lima hanggang walong oras para lamang marating ang pinakamalapit na ospital. Kung kaya’t ganito ding katagal ang aabutin para lamang makapaghatid ng tulong na medikal upang mapaganda ang kalusugan ng mga kapatid nating nasa mga liblib na lugar. Hindi katulad ditto sa patag, na binabalewala halos ang mga ospital dahil sa kahit sa halos pinakamaliit na baranggay ay may klinikang handing magbigay ng tulong sa mga nagkakasakit, sa mga lugar o barrio na nasa liblib na kabundukan, ang isang klinika ay halos isa nang paraiso sa sobrang dalang nito sa kanilang lugar. Pero, kung pagtutuunan ng pansin, maaaring magawan ng paraan. Yun nga lang, magagawan lamang ng paraan ang problemang ito, “kung” pagtutuunan ng pansin.

Trabaho at pinansyal
Lahat halos ng kandidato ngayon, trabaho ang ipinapangako. Bakit nga ba? Ito ay dahil sa dumarami ang walang trabaho sa ngayon. At kailangan pang pumunta ng ibang bansa para lamang magtrabaho. Ang iba nga, kahit sariling katawan ikinakalakal para lamang magkaroon ng pera pambili ng mga kailangan ng kanilang pamilya. Hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pinoy na dumarami ang mga nagtatapos sa pagaaral kada taon, subalit, karamihan sa mga ito, hindi nagagamit ang pinagaralan dahilan sa kailangan nila ng trabaho upang maitaguyod ang pamilya nila. Kung kaya’t madalas din ang JOB MISMATCH dito sa Pinas. May mga pagkakataon pang pumapasok nalang ang mga kabataan sa magulo at maduming mundo ng pagkakalakal ng laman o yung pagbebenta ng panandaliang aliw, dahil sa katwirang “aanhin mo ang dangal kung kumakalam naman ang sikmura mo?”, kung sa bagay, sa isang banda, tama ang katwiran nila, subalit, hindi sana mangyayari ito kung sapat ang trabaho at competitive ang sweldo ng bawat isa dito sa Pinas. Maiiwasan sana ito kung ang mga nakaraang administrasyon ay tinupad ang kanilang mga pangako na nagpaasa sa mga mamamayang kanilang kinasasakupan. Sana, kung sino man ang maluluklok sa pwesto sa susunod na anim na taon, sana’y hindi lang isang pangako na napako ang kanilang mga sinabi, sana’y maging katotohanan at reyalidad ang mga sinabi nila na nagpaasa sa mga mamamayan ng Pilipinas.

Edukasyon
Ang edukasyon ang masasabi kong pinakaproblema ng bansa natin. Bukod sa kulang ang mga pasilidad ng gobyerno upang iakomoda ang dumaraming populasyon, kulang din ang mga materyales na kailangan sa pag-aaral tulad ng mga libro at upuan. Pero, bakit nga ba ito ang pinakaproblema sa ating bansa? Bukod kasi sa ito ang pinaguumpisahan ng lahat papunta sa kung saan man ang gustong marating ng mga kabataan, ito rin ang nagsisilbing tulay upang magkaroon ng sapat na kaalaman upang mabigyan ng chance para makapagtrabaho at makatulong sa kani-kanilang mga pamilya. Edukasyon din ang daan upang makaahon sa mga hirap ng buhay ang isang tao. Ang kaso, kung mismong edukasyon ang problema, pano pa sosolusyonan ang mga problema na nagmula dito. Sana, hindi lang hanggang sa pangako ang mga sinasabi ng mga kumandidato at mananalo sa eleksyong ito. Sana’y tuparin nila ang kanilang mga sinabi at ang kanilang mga tungkulin upang kahit papano, magkaroon ng liwanag ang mga madidilim na buhay ng ating mga kababayan.

Seguridad
Dahil sa tumitinding alitan ng gobyerno at ng mga rebeldeng grupo, ng mga magkakaaway na mga pamilya, at ng mga partidong nagbabatuhan ng bala, madaming inosenteng sibilyan ang naaapektuhan ng kaguluhan. Madaming mga kabataan ang gustong pumasok sa eskwelahan subalit napipigilan dahil sa panganib. Madaming naaapektuhan dahil sa mga alitang wala naman talagang basehan. O kung may basehan man, sobra namang babaw. Kung makikita lang sana nila ang mga kabataang nasasaktan at nahihirapan dahil sa mga ginagawa nila. At kung makukunsensya lang sana sila kapag nakita nila ang mga kabataang iyon. Malamang tumigil na sila. Ito ay panawagan hindi lamang sa mga nakaupo, uupo at nagaasam na makaupo sa pwesto sa gobyerno kundi para din sa mga taong kabilang sa mga pamilya o partidong nagpapatayan para lamang sa isang basehan na hindi naman konkreto. Maraming mga tao ang nadadamay dahil sa mga ginagawa ninyo. Maraming bata ang nasasaktan dahil sa mga inaasal ninyong mga matatanda. Kung ang kamumulatan ng mga bata ay kaguluhan, paano pa kaya pag tumanda sila, ano pa kaya ang alam nila? Hindi solusyon ang baril o itak, ang bala o talim sa isang problema. Masyado nang magulo ang mundong ito, sana’y wag na natin pang paguluhin.

Umpisa pa lamang ng pagupo ng mananalo bilang presidente sa eleksyon. At mayroon pa siyang limang taon at tatlong daan, animnapu at apat na araw, sana’y magawan nila ng paraan upang mapabuti hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi pati na rin ang buhay ng kanilang mga nasasakupan. Hindi man ako nakaboto ngayon, patuloy kong titingnan at pupunahin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi tama na ginagawa ng magiging administrasyon ngayon. Sana kahit papano, bigyan nila ng tugon at pansin ang mga kababayan nating hindi basta-basta maabot ng tulong ng gobyerno. Dahil kung hindi nila ito magagawan ng paraan, malamang na mas dumami pa ang mga taong wala nang bilib at wala na ding pakialam sa gobyerno. Kaya ang tanong na iiwanan ko sa inyo, “Tama ba ang taong ibinoto mo, o, katulad ng mga nakaraang umupo sa upuan, mali at inuna ang sarili bago ang bayan at mga kababayan?”

--END--






Monday, March 1, 2010

Eleksyon 2010: Boboto ka ba? Part 2


--from GMA's Eleksyon 2010
sino ang pipiliin mo? sana tama ang pagpiling gagawin mo...

Long time no see guys… Or baka mas ok kung sasabhin kong long time no read? Pagpaxenxahan nyo na ang inyong lingkod, mejo naging busy dahil sa mga dapat gawin sa eskwelahan. Katulad nga ng sinabi noon sa isang post ko, candidate for graduation kasi ako. Since hindi pa alam kung talagang ga-graduate ako, since meron pang mga subjects na hindi pa natatapos, so candidate pa lang, until maayos na yung mga bagay na dapat kong ayusin. Well, since nandito nalang din naman ako, magpost na ako ng panibagong topic. May mga sitwasyon ako kanina kung kaya’t naisip kong ito ang gawing topic para sa pagkakataong ito. Well, without further ado, eto na. Pero bago ang lahat, “BABALA” muna.

BABALA: Ang mga sumusunod na inyong mababasa ay hindi para sa mga taong iniidulo ang mga kandidato para sa darating na halalan. Hindi ito para sa mga taong kumakanta ng mga campaign jingles na nakikita at napapanood sa TV. At lalong hindi ito para sa mga taong walang pakialam sa kung ano man ang mangyayari sa bansa natin pagkatapos ng halalang ito. Kung isa kayo sa mga binanggit ko, habang nandito palang kayo, maaari nyo nang i-click ang “BACK” sa inyong mga web browser. Dahil baka sa hindi inaasahang pagkakataon, kayo pa ang matamaan ng mga sasabihin ko dito. Subalit kung isa kyo sa mga kakandidato sa darating na halalan, by all means, please continue on reading, dahil para sa inyo talaga ito.

Mahigit dalawang bwan nalang, eleksyon na. Sandali na lang at matatapos na ang panunungkulan ng mga taong nakaupo sa pwesto sa mga panahong ito. Maikling pakinggan subalit napakatagal hintayin. Sa loob ng panahong ito, maririnig natin ang mga campaign jingles ng mga kandidato, makikita at maririnig ang mga infomercials sa TV at radyo, at mababasa ang mga basurang papel na nakadikit sa mga pader na dapat ay hindi pinagdidikitan ng mga ganitong bagay. Sa loob ng mahigit sa dalawang bwan na ito, magaaksaya ng pera ang mga nagaasam na makaupo sa isang “UPUAN” kahit na magkano pa man ang pinaguusapan. Nangangakong tatapusin ang kahirapan, tutulungan ang mga nangangailangan, iaahon sa hirap ang Pipilinas, at ipagpapatuloy ang laban. Subalit, kung titingnan natin, talaga bang kaya ng mga taong ito na gawin ang kanilang mga ipinapangako? O isang propaganda lamang ito upang makuha ang boto ng mga nakakakita?

Hayaan nyong mag-share lang ako sa inyo ng maikling kwento. Isang tagpo na nakita ko kanina bago ako makauwi dito sa aming bahay. Kadalasan, makikita natin ang ating mga lolo o lola na nasa bahay na lamang, nanonood ng TV o nakikinig ng radyo o kaya’y ginagawa ang kanilang gustong gawin. Hindi na dapat natin sila nakikitang nagtatrabaho sa kung saan man. Subalit kanina, taliwas dito ang nakita ko. Isang lola, may dalang isang plastic bag, namamalimos. Kung pagmamasdan mo, mahihiya ka sa kanya. Hindi dahil sa nakakahiya ang ginagawa mo, kundi dahil sa wala kang magawang malaking bagay upang mapawi ang paghihirap nya. Maaawa ka sa kanya dahil sa edad na yun, na imbes ay nagpapahinga na lamang sa bahay eh, nakikita mo pa syang namamalimos sa daan. Napaisip tuloy ako, kung bakit namamalimos pa si lola. Dahilan ba ito sa iniwan sya ng mga anak nya, iniwan sa kanya ang kanyang mga apo, o dahil sa pinipilit syang mamalimos ng kanyang mga anak sa pagiisip na maaawa ang mga tao sa kanilang ina? Masyadong malikot ang imahinasyon ko. Kung kaya’t ito ang mga naisip kong mga dahilan kung bakit sa edad na yun ni lola, eh, namamalimos pa din sya. Kung iisipin natin, malaking pera ang ginagastos ng mga nakampanya para sa kanilang mga infomercials para lamang makilala sila ng mga tao. Gumagastos sila ng milyun-milyong piso para lamang magkaroon ng kahit napakanipis na chance na sila ang maluklok sa pwestong inaasinta nila. Pero, naisip kaya nila ang mga taong nagugutom, ang mga taong nanlilimos at ang mga taong naaapakan nila dahil sa pagmimithi nila ng kapangyarihan? Naisip kaya nilang may mga taong dahilan sa mga ipinangako nila, eh, nahihirapan ng todo ngayon? O baka naman nagbubulag-bulagan lang ang mga ganid sa kapangyarihan at iniisip na walang taong ganoon dahil sa mga nakaraang mga presidente ng ating bansa?

Sa totoo lang, sa tatlong presidenteng naluklok sa pwesto ng may muwang na ako sa mundo, (1990’s – present) lagi nilang sinasabi sa kanilang mga programa o plataporma na lalabanan nila ang kahirapan o di kaya’y ipagtatanggol nila ang interes ng taong sinasakupan nila. Sa sobrang dalas, eh, masyado nang gasgas ang linyang iyon para sa pandinig ko. Kung matatandaan nyo, may nagsabi pa ngang “Babayaran ko ang utang ng Pilipinas at bibigyan ko ng tig-1 milyon ang bawat isang Pilipino.”. Masarap pakinggan dahil kapag nabayaran na ang utang ng Pilipinas, siguradong aangat na ang sistema ng pamumuhay dito sa ating bansa. Kung sakali, aangat na din ang buhay ng mga taong laging inaapakan ng mga mayayaman. Kung sakali, makakaahon na din sa kahirapan ang mga taong hindi pinalad na mapapunta sa isang mayaman o di kaya’y may kaya na pamilya. Yun ay kung ang sinabi na yun ay totoo. Ngayon, may isang kandidato naman na nangangakong tatapusin daw nya ang kahirapan, muli, napakasarap pakinggan. Subalit, mahirap panindigan. Dahil kahit ang mga bansang mayayaman, ay hindi pa naaalis o natatapos ang kahirapan. May mga lugar pa ding tinatawag na “slums” o yung mga squatter’s area. Kahit sa mga bansang ito, mayroon pa ding mga taong nahihirapan kahit na napakaganda na ng kanilang mga pamamalakad at hindi sila isa sa pinakamahirap na bansa. Kung kaya, naiisip ko na siguro este sigurado ako na propaganda lang ng mga taong ito na tatapusin ang kahirapan. Siguro ay upang palobohin lamang ang kanilang mga bulsa. At ipagpatuloy ang mga pangungurakot na nasimulan na ng kanilang mga sinundan na nakaupo o nailuklok sa pwestong iyon.

Kung iisipin natin, bakit nga ba kailangan pang mag-asam ng kapangyarihan sa gobyerno ang mga taong talagang gusto lamang na makatulong sa kapwa? Bakit kinakailangan pa nya ng isang “UPUAN” para lamang masabi na nakakatulong sya sa kanyang mga kababayan? Bakit kailangan pa nya ng kapangyarihan para lamang maipagmalaki nya na may nagagawa sya para sa kanyang bansa? Imbes sana na gumastos sila ng mahigit sa kalahating bilyong piso para lamang sa mga tarpauline na may print-out ng pagmumuka nila na isasabit sa mga poste, mga papel na may pangalan nila na ididikit sa mga pader, at mga infomercials na tatagal lamang ng ilang segundo, ay naisip nilang itulong na lamang ang kanilang mga ginastos sa mga NGO o sa mga kapus-palad nating mga kababayan, sa tingin ko, mas makakatulong pa sila kung ganoon ang kanilang ginawa.

Habang natagal, lalong nagiging madumi ang pulitika dito sa ating bansa. Habang natagal, ay dumadami ang mga taong naaapakan ng mga taong nagmimithi ng kapangyarihan. Habang natagal ay lalong maraming naghihirap na tao dito sa ating bansa. Ito ay hindi dahil sa may krisis sa ekonomiya. Kundi ito ay dahil sa mga taong nagaasam ng kapangyarihan na nangangakong tutulong upang mapaunlad ang bayan, na sa bandang huli ay para lamang pala palaparin ang lupang kinatatayuan ng kaniyang mga mansyon. Mahirap malaman sa panahon ngayon kung sino ang dapat mong iboto. Kung sino at dapat mong piliin. Dahil sa mga panahong ito, lahat ay tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno hindi upang tumulong sa mga tao, kundi upang makamit ang kanyang minimithi.

Bago ko tapusin ang entry kong ito, iiwan ko ang isang kanta na sa tingin ko ay akma para sa entry na ito na alam kong alam nyo.




Sana’y tama ang pipiliin ng mga boboto ngayon. Hindi dahil sa maganda ang jingle nila sa TV at radyo o maganda ang pangako nila. Kundi dahil sa paniniwalang kaya nilang tuparin ang mga bagay na hindi kaya subalit ipinangako ng iba pang nauna sa kanila.

Magandang gabi.

--END





Wednesday, December 23, 2009

Christmas RUSH!

Isang araw nalang ang kailangang lumipas at pasko na nman. Tulad ng ibang mga nakaraang taon, malapit na namang matapos ang isang taon. Isang taon na namang hindi magkikita-kita ang mga magkakaibigan at isang taon na naman ang dadagdag sa panahong inilagi mo dito sa mundo. Pero bago matapos ang taon, xempre, hindi naman nating pwedeng laktawan ang Pasko at dumiretso nalang sa Bagong Taon. Xempre kailangan muna nating ipagdiwang ang kaarawan ni BRO. At jan pumapasok ang entry na ito. Enjoy!


Christmas rush, isa na ata ito sa mga pinakahindi maiiwasang mga pangyayari sa mga oras at panahon na tulad nito. Dahil sa mga reson na hindi maiiwasan, karamihan sa mga nagttrabaho ay ngayon pa lamang kumikilos upang mamili ng mga sankap na gagamitin nila para sa kanilang ihahanda sa Noche Buena. Pero anu-ano nga ba ang mga dahilan (maliban sa kailangang mamimili ng mga ingredients para sa lulutuin) ng pagkakasangkot ng isang tao sa pagkakagulong tinatawag nating "Christmas Rush"? Isa-isahin natin.


Ayon sa aking napagalaman, pinaka-unang reson dito ay ang... *drum roll*


Nakalimutang bumili ng regalo para sa isang inaanak.
Pinaka-madalas na atang insidente ito sa buhay ng isang tao. Ang pagiging makakalimutin. Kahit ako ay madalas na makalimot ng iba't-ibang bagay. Subalit, ito rin ang isa sa mga pinaka-dahilan kung bakit kailangan ng isang tao na makipagsik-sikan sa supermarket o sa mga palengke. Kahit na tiisin na ang amoy ni manong na parang hindi naliligo. Dahil sa nakalimutan mo ang isa sa iyong mga inaanak, kailangan mong humabol sa huling araw bago ang pasko. Kailangan mong makipagsik-sikan. Kailangan mong makipagtulakan, at higit sa lahat, kailangan mong makipagbaratan. Dahil sa ito lang ang dahilan mo upang pumunta ng Department Store na ang tinutugtog lagi ay "we got it all for YOU!", iniisip mo na pera nalang ang ibigay. Pero pag naiisip mo naman ang mga magugulang na magulang ng iyong inaanak, napapaisip ka ulit kung talaga bang pera nalang at hindi na regalo ang iyong ibibigay sa kawawang bata na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa palang regalo na manggagaling mula sayo. Kaya, sa ayaw mo man o sa hindi, kinakailangan mong tumayo mula sa iyong pagkakahiga at itigil ang iyong pagkakamot ng tiyan para lamang mabigyan ng saya ang batang iyon.


Kadadating lang ng Christmas BONUS kung kaya ngayon lang mamimili ng mga bagong damit.
Para sa mga nagtatrabaho, isa sa mga pinakamahalagang insentibo na natatanggap nila ang Christmas Bonus. Ito ay ang karagdagang pera na ibinibigay sa mga kawani ng isang pang-gobyerno man o pang-pribadong sektor bago dumating ang Pasko, well kaya nga tinawag na BONUS di ba? Pero, sa hirap ng panahon ngayon, mayroong mga kompanya na hindi na nakakapag-bigay ng nasabing bonus. Dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya dito sa ating bansa, malamang na sa mga susunod na taon, baka gobyerno nalang ang makapagbigay ng insentibong ito. Pero, huwag naman sana. Isa rin ang Christmas bonus sa mga dahilan kung bakit kailangan ni nanay o ni tatay na makipagsik-sikan sa mga taong maaantot na sa mga Department Stores at supermarkets. Dahilan sa huli nang ibinigay ang Christmas bonus, wla silang magawa kundi ang mataranta dahil sa dami ng kailangan pa nilang bilhin at gawin. Kailangan pang ibili ng bagong damit si Junior, kailangan pa ni Nene ng bagong palda o di kaya'y kailangan pa ni Baby ng bagong mga mittens para mag mukang presentable pag humarap sa kanyang mga ninong. Pero, kung wala ka naman nito, ay wala ka na ding magagawa kundi ang umasa na kahit papano, ay may matanggap ka mula sa mga pulitikong manunuyo sa inyong sektor. At yan naman ang pangatlong dahilan kung bakit kailangang dumagsa ng mga tao sa Christmas Rush ang....


Katatapos lang ng Christmas Party.
Normal na sa ating bansa ang selebrasyon ng isang panggobyerno man o pang-pribadong sektor tuwing sumasapit ang kapaskuhan na tinatawag na Christmas Party. At siguro naman alam na natin kung ano ang ibig sabihin ng Christmas Party di ba? Ito yung pagsasaya sa pagtatapos ng klase sa bwan ng Disyembre at pagsisimula naman ng dalawang linggong Christmas Vacation. Sa sobrang tagal nang ginagawa ng isang bata ito, umpisahan mo sa grade one, masyado nang gasgas ang mga tugtog na nagagamit. Dahil nga sa huling bwan na ang Disyembre sa kalendaryo, kahit sabihin mo mang bago palang ang tugtog, dahil mga isa o dalawang bwan pa lamang itong nailalabas sa mercado, eh, sawa na ang mga tenga sa pakikinig nito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nadadawit sa Christmas Rush ang isang tao dahilan sa, sa mga ganitong party kadalasang nagsusuhol - este nagbibigay pala ng mga pampalapad papel nila ang mga pulitiko. Lalo ngayon na mageeleksyon sa 2010. Ito na kasi ang isa sa mga pinaka malaking pagkakataon nila upang tuluyang magpabango sa mga boboto. Lalong lalo na sa mga bagong botante pa lamang na nagkataong kasali sa Christmas party ng isang kompanya. Madalas kasi, kinakailangang pumunta ng isang kawani sa mga ganitong pagdiriwang dahil na rin sa mga pinamamahagi. Ikaw ba naman, bigyan ka ng isang Noche Buena package, hindi ka pupunta? Mejo gasgas na din dito ang mga paraan ng pulitiko na sinasabing "Maligayang pasko po, at magkita po tayo sa eleksyon ha." sabay kindat at papicture. So, in the end, walang magagawa ang mga tauhan ng isang kompanya o sektor kundi ang magpakahirap sa Christmas rush sa isa pa ring dahilan na gasgas na gasgas na... ang mga salitang "REQUIRED o COMPULSARY"


Nagkaroon ng EMERGENCY meeting para sa mga project for next year.
Sa totoo lang, sa kakaunting tao lamang nangyayari ito, pero, since na alam din naman natin na madalas itong mangyari sa kanila, eh, isinama ko na rin. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin lang nito ay ipinatawag ka upang makinig sa walang kwentang sermon ng boss mo, na sa bandang dulo ay mauuwi din sa wala dahil nireject din nya ang suggestion ng lahat ng kasali sa meeting na sya mismo ang nagpatawag. Sa mga panahong ito kasi, masyado nang nagiisip ang mga CHAIRMAN o OWNER ng mga business firms na bumubuhay sa mga kababayan natin na may sobrang taas na pangarap sa buhay. Sa mga panahong ito rin, ipinapasa ng mga nasa UPUAN ang kanilang mga responsibilidad papunta sa kanilang mga empleyado, na pati na ata pamimili para sa kanilang NOCHE BUENA ay ipinasa na sa driver nila. So, in the end, ganun din ang mangyayari tulad ng mga naunang mga dahilan, mahuhuli at mapapasama sa Christmas Rush ang mga nagkakaroon ng dahilan na tulad nito.


At ang huling naiisip ko ay...


Huli na ang pagdedeliver ng remittance para sa iyong pamilya.
Applicable lamang ang huling dahilan na ito para sa mga kababayan nating merong mahal sa buhay na sa ibang bansa nagtatrabaho. Dahil sa hindi tulad dito sa atin ang sweldo nila, minsan, wala na ring magawa ang mga kababayan natin sa ibang bansa kundi ang mangutang. Para lamang may maipadalang panghanda ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Subalit sa dahilang wala pa din ang sweldo ng kanilang uutangan, napipilitan na lamang silang intayin ang sariling sweldo at iyon ang ipadala sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa ating bansa. To the point na ang dating ng remittance nila ay alas-otso na ng gabi ng ika-24 ng Disyembre kung kaya't ang nangyayari ay kinabukasan na lamang naghahanda o di kaya ay halos manakbo na papunta sa pinakamalapit na supermarket at magluto sa sampung kalan para lamang maihabol ang kanilang kakainin para sa Noche Buena.


Sa ngayon, ito ang mga naiisip kong DAHILAN kung bakit napapasama sa Christmas Rush kahit ang mga nakapamili o nakapaghanda na ng mga gagamitin nila para sa ika-12 ng hatinggabi ng a-bente kwatro ng Disyembre. Subalit, ito ay lima lamang sa mga pinaka-dahilan ng tao. Marahil, mayroong sumangayon sa mga dahilan na ito, at marahil ay mayroon ding magisip kung dahilan ba talaga ito at sabihin sa kanilang mga sarili na hindi naman totoong dahilan ang mga ito kundi mga palusot lamang. Pero bago nyo sabihin iyon, itatanong ko muna ito sa inyo. Sa panahon ngayon na mahigit na sa limang bilyon ang populasyon sa buong mundo, sigurado ba kayo na ang lahat ng tao ay namumuhay ng katulad ninyo? Sigurado ba kayo na ang lahat ng taong iyon ay nakakakuha ng kanilang pangangailangan bago o sa takdang oras na kailangan nila iyong mga bagay na iyon?


Mahirap makakuha ng mga kailangan mo o nung mga kinakailangan mo bago o sa takdang oras. Subalit, alam natin na hindi tayo pababayaan noong nasa itaas. Kung kaya't kahit na salantain tayo ng mga bagyo, mga baha, mga pagputok ng bulkan o mga lindol, paktuloy pa din tayong tumatayo. Kahit na nadapa na tayo ng kung ilang beses, ay patuloy pa din tayong tumatawa. Kahit na nasaktan na tayo ng mahigit sa kaya nating bilangin, ay patuloy pa din tayong nagsasaya.


Hindi man ganoong kasarap ang pagkain ninyo sa darating na ika-12 ng hatinggabi ng ika-24 ng Disyembre, basta buo ang pamilya mo, o kasama mo sila, magpasalamat ka na. Dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganyang pagkakataon. Hindi mo man nakuha ang babaeng gusto mo o ang mga laruan o gadgets na pinagkahiling mo sa taong ito, isipin mo na hangga't ay nakaalalay sayo, at hangga't may buhay, may pagkakataon ka na maangkin ang gusto mo, sa hirap at sa tyaga. Wala man kayong enggrandeng handaan o magagarbong decoration at pagkain sa bahay ninyo, kahit isang balot lang ng pandesal na halos dalawang araw nang nakatabi sa inyong refrigirator, ayos lang. Hangga't kasama mo ang pamilya mo, hangga't tumatawa kayo, hangga't alam mong masaya kayo at hangga't buo kayo, makakamtan mo din ang mga gusto mo. Hindi man ngayong bago mag pasko sa taong ito, sa mga susunod na pasko, maaaring ibigay na ni BRO sayo. Pero hanggang sa makuha mo iyon, wag kang tumigil na mangarap. Wag kang tumigil na magasam. Wag kang tumigil na magsikap. Dahil sa panahong ito na halos lahat ay posible na, ikaw nalang mismo sa sarili mo ang gagawa ng imposibleng bagay na hindi mo matatamo.


Sa ngayon, hindi ko man nakuha ang mga gusto ko, alam kong may tamang oras upang makuha ko iyon. Kaya't hanggang makuha ko iyon, o kahit matapos na makuha ko iyon, patuloy akong aasa na sa kabila ng paghihintay ko, gagawa at gagawa ng paraan ang nasa itaas upang sumaya ako sa buhay na pipiliin ko at sa landas na tatahakin ko.


At sa inyong lahat na makakabasa nitong entry na ito, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! Nawa'y maging masaya tayong lahat sa susunod na taon. At nawa'y hindi tayo tumigil sa pagtitiwala kay BRO. Muli, maligayang pasko!