Hi guys, kamusta naman? First entry ko for 2011. Mejo matagal ko nang hindi naiupdate itong blog ko. Pasensya na po. Masyado kasing hectic ang sched ko. Sa Call Center na kasi nagtatrabaho ang inyong lingkod. At kung masyadong matagal ang updates ko noong nasa PRC ako, pakiasahan na rin po na mas mapapatagal ang updates ko ngayon. Dahilan sa isa na akong bampira. Oo, isang bampira, pero hindi naman literal na bampira. Ang ibig ko lang sabihin ay, gising ako sa gabi, pero tulog sa umaga. Well, sabi nga, kore wa kore, sore wa sore or this is this and that is that. Ah well, on with the topic. J
Graduation na, kasali ka ba?
Yan ang madalas na biro ng mga magtatapos sa pag-aaral ng hayskul o kahit ng kolehiyo. Biru-biruan na minsan, mejo nagiging totohanan. At mejo masakit syempre kapag nagkatotoo ang isang biro.
Para sa mga magtatapos ng hayskul, naghuhudyat ito ng bagong simula. Bagong pakikipagsapalaran at bagong pagsubok. Ito rin ang simula ng isang bagong kabanata ng buhay nila na maaaring magbukas ng isang pinto papunta sa isang magandang kinabukasan, o isang lalagyan na puro uod o bulate lamang ang laman.
Graduation din ang isa sa mga bagay na pwede mong ulit-ulitin sa buhay mo. Subalit katulad ng ibang bagay, xempre mayroon takdang bilang kung ilang beses ka lang pwedeng magtapos ng pag-aaral. Pero at least, mismong ikaw na ang may control kung gugustuhin mong makatapos ng iba’t-ibang kurso.
Sa totoo lang, napakasarap ng pakiramdam ng makatapos sa pag-aaral. Kahit sabihin pa ng ibang tao na walang mangyayari sa buhay ng isang tao kahit na makapagtapos siya, masarap pa din yung pakiramdam na nakatapos ka ng pag-aaral. Masarap pa din na maramdamang may naabot ka kahit sa simpleng pagsisikap mo.
Noong isang araw lamang, siguro March 28, 2011 yun. Narealize kong bigla na mag-iisang taon na pala akong enhinyero. Oo, isang taon na akong Engineer, subalit, ngunit, datapwat, hanggang ngayon, hindi ko pa din nagagamit ang pinagaralan ko. Well, hindi sa nagsisisi akong magtrabaho sa mga field na hindi kunektado sa pinagtapusan ko, kaso parang mejo sayang lang. Kasi maraming naghahanap ng enhinyero ngayon para sa kanilang mga kumpanya. Pero kung iisipin ko ng ayos, hindi ba mas dapat akong magpasalamat kaysa sa magmukmok? Kasi, alam nating lahat na hindi ganoong kadaling kumuha o makakuha ng trabaho sa panahon ngayon. Kahit nga mismong mga nanguna sa batch nila, minsan sila pa yung mga walang trabaho o sila pa yung mga nagpapakahirap para lang makakuha ng trabaho. Samantalang ako, eto, may trabaho.
Mejo matagal na din nung nakapagtapos ako ng hayskul, pero hanggang ngayon, tanda ko pa din ang mga ginagawa namin noong nagpapraktis kami para sa graduation march. Tanda ko pa din ang mga kalokohan namin ng barkada ko noong 2nd year lang ako. At ang mga tawanan naming magkakaklase sa tuwing may magkakamali o may pupunahin ang aming guro. Masayang maging estudyante. Pwede mong gawin ang halos lahat ng nasa isip mo. Wala kang masyadong inaalala na baka may mangyari na makakaapekto sa sweldo mo o makadulot ng pagkakaudlot ng pagiging regular mo sa trabaho. Kapag estudyante ka, lahat halos ng bagay sa mundo mo, kontrolado mo. Grades, kaibigan, bisyo (kung meron), oras, lates, absenses, mga gamit mo, at minsan, kahit na guro mo, kaya mong kontrolin. Pero ibang usapan na yun. Kapag estudyante ka, sumulat ka lang ng kaunti, sumagot ng alam mo, at tumawa, ayos na. maitatawid mo na ang buong maghapon ng ganoong lamang ang ginagawa mo. Pwede kang magcutting classes kung gusto mo, yun nga lang ingat ka sa mga guro mo. Kailangan wag ka nilang makita. Pwede kang magkaroon ng bisyo dahil wala pa namang naasa sa iyo. Ayos lang kahit na magkaroon ka ng kahit na ilang nobya o nobyo. Kasi mas masayang maging happy go lucky. Pero, ang hindi mo alam, masyadong malaki ang nagiging epekto ng mga mali mong ginagawa sa buhay mo. Hindi dahil sa estudyante ka lang ngayon, ay magiging estudyante ka habang buhay.
Pumasok at nagtapos ako sa isang national high school o yung kung tawagin ay public high school, nagkaroon ng mga kaibigan, mga kaaway, mga kadaldalan at mga kaisnaban. Natuto din akong uminom ng alak noon, pero hindi din nagtagal dahil allergic ako sa alak (buti nalang!). Noon, ginagawa ko ang gusto ko. Masayang tumawa, masarap makipaglaro, masarap maging isang happy go lucky na tao. Pero kahit papano nagpapasalamat ako. Bakit? Nagpapasalamat ako dahil hindi ko sinobrahan ang pagiging pasaway ko. Dahil kung nagkataon, malamang na wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Malamang hindi ako nakatuntong ng kolehiyo. At malamang hindi ako naging Engineer.
At dahil isa akong engineer ngayon, syempre nakatuntong at nakapag-aral ako sa kolehiyo. Well, kung tutuusin, halos ganun din naman ang kolehiyo kung ikukumpara sa hayskul. Ang pinagkaiba lang, mas masaya ang hayskul. Siguro dahil wala ka pa talagang inaalala noong hayskul. Pero kapag kolehiyo ka na, swerte kung makakapaggala ka sa loob ng isang linggo. Dahil sa dami ng kailangan mong gawin na reports, assignments at projects, dagdagan pa ng term papers at baby thesis o thesis, malamang sa malamang na maghibernate ka nalang na tulad ng mga grizzly bears sa kwarto mo. Malamang na gugulin mo ang isang buong araw ng nasa loob ka lang ng kwarto mo at gumagawa ng mga assignments mo. At malamang na pati ang nanay mo, hinahanap ka na din kahit alam nyang hindi ka lumabas ng bahay noong araw na iyon. Pero on the other hand, masaya din namang maging college students. Lalo na kung pabling ka. Madaming naggagandahang mga babae sa kolehiyo. Yun nga lang, alamin mo muna kung may nobyo na ba sila. Dahil kung meron, delikado ang buhay mo. Oo, delikado. Madalas kasi ng mga estudyate sa kolehiyo, kasali sa mga fraternities. Sa kolehiyo ka din minsan makakakita ng mga taong kasing wavelength mo. Yung tipong kung weird ka, kasing weird mo lang sila o mas weird pa sila saýo. Take it from me J. Sa kolehiyo mo din maaaring makasalamuha ang taong kakalaban saýo kahit na lamunin pa sila ng lupa. Ung tipong kahit anong magandang sabihin mo, gagawin nilang pangit para lamang umayon sa kanila ang pagkakataon o ang mga taong nasa paligid mo. syempre hindi ka naman magpapatalo at ganoon din ang gagawin mo. So in the end, mag-aaway kayo ng walang humpay. Pero ang pinakamasarap sa lahat, dito mo maaappreciate ang mga bagay na hindi mo maappreciate dati. Dito mo mauunawaan na ang nowadays ay isang word lang, na ang Sayonara Zetsubo Sensei ay maganda at na ang sagot sa buzzer ng library nyo ay isa sa mga letrang A,B, o C. Dito mo rin mapagtatanto ang pagkakaiba ng isang instructor sa isang professor. At lalong lalo na ang katotohanan na ang estudyante ay mas may alam pa sa isang guro kung minsan. Para doon sa mga nakakarelate sa mga pinagsasasabi ko, malamang kabatch ko kyo sa mismong paaralan na pinagtapusan ko. Hehehe.
Pero seryosohan na. Ang pagtatapos sa hayskul at pagpasok sa kolehiyo, o ang pagtatapos sa kolehiyo at pagpasok sa totoong mundo ay hindi katapusan ng lahat. Hindi katapusan ng masasayang sandal, hindi kapatapusan ng pagkakaibigan at lalong hindi katapusan ng isang pangarap na binuo mo noong bata ka pa. Hindi rin ito nagbibigay ng tuldok kung ang pangarap mo ay maging isang super hero. Dahil ang pangarap, nagtatapos lamang kapag mismong tayo na ang nagdesisyon na wala na tayong magagawa para makamit ito. Hindi dahil sa mahirap ang isang tao, at lalong hindi dahil sa hindi sya ganoong katalino, ay hindi na uusad ang mundo mo para abutin ang pangarap mo. Dahil kahit mahirap, at kahit hindi matalino, kung may determinasyon, makakaya ng isang simpleng tao na abutin ang pangarap nya. At kung sakaling hindi mo man maabot ang pangarap mo, umiyak ka. Natural lang yun. Dahil masakit. Pero wag kang mawalan ng pag-asa. Maaaring nagsara ang isang pintuan para sa iyo. Pero tumingin ka sa paligid dahil malamang na may nagbukas namang bintana para mas mapaganda ka sa daan na nakalaan para sa iyo.
At dahil sa isang taon na halos nung natapos ko ang kolehiyo, may mensahe ako para sa mga magtatapos ngayong taong ito.
Always hold on tight to your dreams. For those dreams alone will be your medium to success. Congratulations Batch 2011.
And be ready to face the harsh truth and the harsh society.
So, Graduation na, ikaw handa ka na ba?
Ciao!~
No comments:
Post a Comment