Hi guys! Kamusta na? Mejo busy ako sa trabaho eh. Kya pagpaxenxahan nyo na lang muna kung ngayon ko nlng ulit naiupdate ang blog na to. Well katulad ng dati, isa na namang personal opinion ang topic ko ngayon at katulad pa din ng dati, ako lang ang nirerepresenta ng post kong ito. Maaaring magbanggit ako ng mga tao o grupo, subalit wala silang kinalaman dito at ang mga susunod nyong mababasa ay pawang pangsariling opinyon lamang. Ok start!
Semana santa na naman ngyon. Panahon ng sakripisyo, sakripisyo at marami pang sakripisyo. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng semana santa para sa makabagong henerasyon o yung mga teenagers, para sa mga matatanda at higit sa lahat, para sa mga bata?
Para sa mga teenagers na naabutan pa ang totoong ibig sabihin ng semana santa, ito ay panahon ng pagluluksa dahil sa pinapahirapan sa mga panahong ito ang ating taga-pagligtas na si Hesukristo. Sa mga panahong ito, kailangang magsakripisyo kahit sa pinaka-munting paraan lamang. Subalit para naman sa mga makabagong teenagers o yung mga hindi na alam ang kaugaliang ito, ang panahong ito ay isa lamang normal na araw na maaaring gugulin kasama ng mga kaibigan upang mag-inuman o di kaya'y maglakwatsa. Minsan ginagamit pa nila ang katagang "alay-lakad" para lamang makapaglakwatsa ng legal. Hindi kasi nila ramdam ang kahalagahan ng nakaugalian ng mga ginagawa kapag ganitong mga panahon. Kung tatanungin mo nga sila kung ano ang kaya nilang gawing sakripisyo, ang isasagot sa'yo, kaya nilang hindi magfacebook, magtwiter o kahit na hindi gumamit ng cellphone para lamang sa araw na ito.
Kung ako ang tatanungin, hindi sakripisyo ang tawag sa mga ginagawa ng kabataan ngayon kundi parte pa din ng nakalakihan nilang mga luho. Self indulgence kumbaga o pwede mo ding sabihin na self satisfaction. Yung tipong gagawin nila ang isang bagay para lamang masabi na ginawa nila at higit sa lahat isa itong malaking kalokohan.
Para naman sa mga matatanda, well, katulad ng nakalakihan nila, isinasabuhay nila ang mga naituro sa kanila ng kanilang mga magulang. Hwag kumain ng karne, mag-alay ng dasal, o kahit pa basahin ang pasyon. Buhay na buhay ang mga nakaugaliang ito. Lalo na ang pasyon. Sa buong 22 taon ng buhay ko. Ni minsan wala pa akong nakitang semana santa na walang pasyon. Kumbaga, parang alamang ang pasyon sa manggang hilaw. Yung tipong hindi buo ang semana santa kung walang pasyon na, kung tutuusin ay maganda din naman. Dahil alam nating unti-unti mang kinakalimutan ang nakaugalian, mayroon pa ding mga tao na desididong ipagpatuloy ang mga ito. Subalit minsan ang debosyong ito ay nahahaluan na ng kawirdohan o kung minsan bahid ng salapi at pulitika. Kung itatanong ninyo kung paano ko nasabi ito, manonod kayo ng telebisyon. Makikita nyo na sa sobrang pagiging debotado ng iba, may mga lugar sa Pilipinas kung saan nagpapakamatay na halos ang mga tao para lang mapatunayan ang debosyon nila. At kamakailan lamang, nalaman ko mula sa isang katrabaho na ang debosyong ito pala ay isang malaking palabas lamang sa iba. Kung sa bagay bakit ka nga naman magpapapako o magpapakahirap nang nasa taas ng krus kung walang involve na pera di ba? Maaaring mayroon pa ring mga tao na malinis ang intensyon at talagang nagpapapako sa krus para sa kanilang sakripisyo, subalit nahahaluan na ito ng mga taong ang intensyon lamang kaya nagpapapako sa krus ay para magkapera. May mga tao kasing nagpapabayad sa mga journalist na galing pang ibang bansa at dumarayo pa dito sa Pilipinas para lamang masaksihan ang mga tradisyon na ginagawa ng ating mga kababayan.
At higit sa lahat ano nga ba ang ibig sabihin ng semana santa para sa mga bata? Dahil sa nagdaan din naman ako sa pagiging bata, kahit papaano alam ko kung ano ang tingin o point of view ng isang bata pagsapit ng semana santa. Kadalasan kasi lahat naman ng alam natin sa buhay ay mula sa ating mga magulang. Kaya't alam ko na ang tingin ng mga bata sa semana santa ay bakasyon, laro o di kaya ay isa sa mga pinakanakakatamad na araw sa loob ng isang taon. Ito ang naghuhudyat na bakasyon na. Ito rin ang nagsasabi na pwede nang maligo sa dagat o sa lawa. Ito rin ang nagbibigay ng babala sa mga batang lalaki edad 11 pataas na malapit na silang maging binata. At higit sa lahat isa rin ito sa nagsasabi na bawal manood ng telebisyon at bawal maglaro dahil baka masugatan. Kaya't ang tingin ng mga bata, ay isa ito sa mga pinakanakakatamad na araw sa isang taon. At nakasalalay sa mga matatanda ang mga pangaral upang mapabulaanan ang mga paniniwalang ito na umumusbong sa utak ng mga bata.
Sa totoo lang, wala namang masama kung anu man ang paniniwala mo o anu man ang kahulugan sa'yo ng semana santa. Wala din naman akong pakialam kung ano ang ibig sabihin sa inyo ng sakripisyo. Ang akin lang, hindi ba dapat hindi natin pinapahirapan ang ating sarili sa pamamagitan ng pagkampas sa ating mga likod o di kaya'y pagpapapako sa krus? Dahil sabi nga na ang katawan ng tao ay ang templo ng Diyos? Marahil ay sobra na ngang mababaw ang ibig sabihin ng sakripisyo para sa makabagong henerasyon. Pero hindi ba sobra naman atang malalim ito para sa mga nagpapahirap sa kanilang mga katawan? Tingin ko, mas ok nang hindi ka kumain ng karne o di kaya'y makisali ka sa pagbaasa ng pasyon kesa sabihin mong nagsasakripisyo ka pero ang totoo, ginagawa mo lamang ito for the sake of doing it. Kumbaga, ginagawa mo pero hindi mo gusto, at hindi sakripisyo ang tawag dyan, "trending" yun ang term para dun. Kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng utak para mag-isip di ba? Pero kung gagamitin lang natin ito para sa mali, parang binalewala nalang din natin ang paghihirap ng ating tagapagligtas (messiah) na si Hesukristo sa krus.
Ngayon, kung ikaw ang tatanungin ko, ano ang sakripisyo mo? Ako? Ayokong magpakahipokrito kaya't gagawin ko ang alam kong tama. At iyon ay mamahalin ko ng totoo ang mga taong nasa paligid ko. Kahit na hindi ito maituturing na isang sakripisyo, at least mas magandang bagay na gawin ito kaysa sa magpapako sa krus o wag magfacebook ng isang araw.